SA ISANG mumurahing motel tumuloy si Teri ng gabing iyon na matatagpuan sa bayan. Wala na naman siyang ibang mapupuntahan. Wala naman siyang kilalang kamag-anak. Kaya lang, kahit mura ang motel na iyon ay masakit pa rin sa bulsa. Nalagasan agad ng limangdaang piso ang dalawang libong piso na ibinigay sa kanya ng nanay niya. Pero mas mabuti na rin ito kesa naman sa kalye siya matulog. May libre namang beef steak at kanin kaya okay na rin. Medyo gutom na rin siya kaya kinain na niya iyon. Humiga na siya sa kama. Nakatingin siya sa kisame. Hindi iyon ganoon kalambot. “Okay na ito…” aniya sa sarili. Naisip niya tuloy ang nanay niya. Ano na kaya ang nangyari dito? Kumusta na kaya ito? Talagang hindi niya inaasahan na hahayaan siya nitong tumakas. Ang buong akala niya ay hahayaan siya nitong m

