Chapter 36

1280 Words
Felia Hindi na ako nag - abala pang lumingon doon. I just want to be alone now that I am broke. Sana lang ay enjoy - in nila ang isa't - isa dahil binigyan ko sila ng kalayaan ngayon. Gusto ko na lang talagang iiyak lahat ng sakit, para bukas wala na. I decided to just go home. Mas mabuti na iyon kesa naman makapanakit pa ako ng taong wala namang kasalanan ngayon. Lutang pa ang utak ko nang nakauwi ako. Sinalubong ako ng mga kasambahay para ibalita sa akin ang balitang makapagpapabalik sa akin sa katinuan. "M-Ma'am Felia. Mabuti po nandito na kayo. Dumating na po kasi sina Madame at Sir ngayon - ngayon lang po. Tinatawagan daw po kayo kanina kaso—" Hindi ko na pinatapos ang kasambahay dahil bago pa man niya masabi ang lahat ay dali - daling pumanhik na ako sa loob ng mansion upang kumpirmahin ang sinasabi niya. The moment I entered the receiving area, naabutan ko pa ang masayang tawa ng mga magulang ko roon kasama si Grandpa. Hinuha ko rin ay hindi pa nakapagbibihis ang mga ito. They were laughing at something when I got there. Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa mamataan ako ni Grandpa. "Oh, nandito na pala si Felia, e." he mentioned, the reason why my parents turned to see me. "Felia Margot Dornan, my daughter," Father said. Umirap ako. "Ugh. I really hate it when people mentions my whole name." I shook my head as I walk towards them. "We miss you, anak!" si Mommy naman na nakadipa na ang kamay na sinalubong ako. "You do?" I asked, half smiling. "Of course, hija..." si Daddy na ang sumagot para kay Mommy. They both hugged me. Dad even kissed my forehead. Si Mommy naman ay nakahawak sa magabilang siko ko. "Wait, hija. Have you been crying?" pansin ni Mommy na nakapagpaalala na naman sa akin ng mga pangyayari kanina. "Yeah. Just... you know." Nagkibit balikat ako. "It's fine. I don't wanna talk about the reason why I cried," sabi ko. Sabay na kumunot ang kanilang noo, ngunit sa huli ay hindi na rin naman nangulit. That's one of the reasons why I like my family so much. Don't even need to explain yourself, and do the hassle. Kapag sinabi mong wala, they'll just be quiet. "Nakauwi na pala kayo? Hindi niyo man lang ako sinabihan. Sana nakapaghanda man lang kami ng salu - salo." "Pa, it was my idea na huwag nang sabihin sa inyo, surprise nga diba?" ani Mommy. "Nasaan nga ba si Levy, anak?" tanong ni Daddy. "Nai-kwento kasi ni Papa na nag date raw kayong dalawa, bakit naman hindi mo siya pinapasok pa dito?"tanong ni Mommy. "May gagawin pa po siya. Aakyat na po ako at magpapahinga—" "Magbihis ka at bumaba ka rin agad dito," sansala ni Grandpa. "Tapos na po akong kumain kanina—" "Kahit na at basta bumaba ka rito mamaya—" "Pa, it's okay mukhang pagod nga siya," nilingon ako ni Mommy at nginitian. "Talagang killjoy yan, Lo. Di pa ba kayo nasanay?" ani Vica habang bumababa siya sa hagdan. Bagong ligo at nakapambahay na ito. "Sa tingin mo ikaw hindi?" sagot ko. Naka kuyom ang kamao ko dahil sa pagpipigil kung sugurin siya ngayon. Kung kaming dalawa ang magkaharap ngayon tsak sa malamang na malamang nag bugbugan na kami ngayon. "Magbibihis lang ako!" paalam ko. Tumango Naman silang lahat. Bago pa makalapit sa akin si Mommy ay agad ko na siyang pinigilan. "Mom magbibihis lang ako saglit hindi mo na ako kailangan pang samahan!" "Ang arte mo talaga!" "Alam mo ikaw, Vica? Wala ka na ngang isip, bastos ka pa!" dinuro ko siya na agad naman kaming sinita nina Mommy. "That's enough, hindi na kayo nahiya kadarating lang ng mga magulang niyo ganiyan na ang inaasal niyo!" si Grandpa. "Ano kaba naman anak maglalambing lang ako sayo—" "Magpahinga nalang po muna kayo alam kong pagod kayo sa byahe," ngumiti ako ng pilit at saka umalis. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humilata sa aking malambot na kama. Pero agad rin akong bumangon para ilock ang pintuan ng aking viranda. Ayaw ko munang makita o makausap si Levy ngayon. Bumalik ako sa aking kama at doon tahimik na umiyak. Ayaw ko nang bumaba pa doon. Ayaw kung makita nila ang pamamaga ng mata ko. Alam ko namang gustong gusto nilang malaman ang dahilan ng pag iyak ko. Dahil huling nakita nila akong umiiyak ay noong namatay si Ama. Siya ay ang asawa ni Uma. Subrang malapit kasi ako kay Ama. Kaya nong namatay siya ay parang may isang parte sa katawan ko ang nawala. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin. Alas dose na ng gabi ng magising ako. nakatulugan ko na pala ang pag iyak. Hindi narin ako nakaligo at nakapag bihis kaya ngayon ay sobrang dumi ng pakiramdam ko. Tamad na tamad ang aking galaw ng bumangon ako para pumunta sa cr. Maliligo kasi ako. Ito kasi ang isa sa ginagawa ko kapag stress o malungkot ako. Agad kung hinubad lahat ng damit ko pati narin ang underwear ko. Pumasok ako sa shower at nagsimula nang maligo. Pagkatapos kung mag shower ay agad akong nagbabad sa bathtub at halos magkakalahating oras ako naroon. Talagang gumiginhawa ang pakiramdam ko. Wala na kasi si Ama na lagi kong pinupuntahan pagstress o malungkot ako. Naka bathrobe lang ako nang lumabas ako sa banyo. Halos mabitawan ko na ang tuwalyang pinapanpunas kung tuwalya sa aking buhok nang makita ko si Levy na nakahiga sa aking kama. Agad akong lumapit sa kaniya at tinitigan ang mukha niya. Nakapikit siya at malalim ang pagkakahina. Tulog na tulog kaya kahit na ano'ng ingay ang gawin ko ay malayo siyang magising. Huminga ako ng malalim. Pumunta ako sa harapan ng dresser ko. Duon ko tinignan ang reflection ko. Ano bang mali sa akin? Sobrang sama ko na ba talagang anak at kapatid? Masungit man akong tignan pero mabait naman talaga ako. At least that's what I know. Agad kong pinunasan ang luhang tumutulo galing sa mata ko. Naestatuwa ako nang yumakap mula sa likod si Levy. Akala ko at tulog kaya kampante pa ako. "What are you doing? At paano ka naka pasok dito?" saad ko. Ipinatong niya ang kaniyang mukha sa aking balikat na ikinapikit ko. Pinatili kong walang reaksiyon. "Ano ba, Levy? Lumayo ka nga sa akin, Bakit nandito ka pa? Malinaw naman lahat ng mga sinabi ko sa'yo kanina na tigilan mo na ang pagpapanggap." Hindi parin siya gumagalaw at nag sasalita. "Ano ba, Levy? Tama na ang pagpapanggap—" "Hindi naman ako nagpapanggap—" "Wala akong pakialam kung nagpapanggap ka man o hindi. Ang gusto ko ay lumayo ka sa akin!" pinipigilan ko lang na humikbi. Mas humigpit ang yakap niya at inilagay ang mukha sa leeg ko. Dinampian niya ito ng halik pagkatapos ay tinignan ako sa mata na sa reflection ko sa salamin. Ang labi nito ay nasa batok ko parin. Dahan dahan niya akong ipinaharap sa kaniya ng hindi naghihiwalay ang mga katawan namin. Inilagay niya ang takas na buhok sa gilid ng aking tainga. Hinaplos niya ang aking pisngi. At dahan dahang inilapit ang mukha sa akin. Nang magdikit ang aming nuo ay duon niya ako tinitigan. Malamlam ang kaniyang mga mata. Napalunok ako. Napapikit ako ng magtagpo ang aming mga labi. Mabagal pero damang dama ko ang pagiingat niya habang hinahalikan ako. "Sorry," wika niya sa pagitan ng halikan namin. Hindi ako nag salita. Patuloy lang ako sa pagtugon ng halik niya. Pools of tears came rushing down my cheeks. Bakit ba pagdating sa kaniya ay napakarupok ko? "I'm really sorry, Felia," he whispered as he deepened the kiss. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD