Felia
Nasa lobby na ang mga kaibigan at kasama naming mga officer, pati ang mga tauhan ni Uma ay naroon rin. Nakatayo ng tuwid. Sinalubong ako ng dalawa kung kaibigan.
"Saan ka galing kanina ka pa namim hinahanap?" medyo naiinis na wika ni Almira. Ngumiti rin ito ng samaan ko siya ng tingin.
"Kanina pa tayo hinihintay ng yateng pag sasakyan natin, ikaw nalang ang hinihintay namin, kung saan saan kapa namim hinanap, si Levy lang ang unang nakahanap sa'yo!" ani Celine.
Napa buntong hininga ako. Tahimik lang ako. Alam kung naiinis sila sa pag kawala ko. Pero ipinag sawalang bahala ko lang iyon. Nang tinanong ko ang isa sa mga tauhan ni Uma kung sinabi ba nila ang pagkawala ko. hindi naman daw, kasi iyon ang iniutos ni Levy na wag ipalam kay Uma.
Aakyat pa sana ako para magbihis at para kunin ang mga dadalihin kung gamit kaya lang hawak na ni Levy ang maleta ko. Hinayaan ko na siyang bitbitin iyon. Ipinag siwalang bahala ko narin ang pagbibihis. Siguro ay sa yate nalang ako mag bibihis. Hindi ko nga alam kung maliligo ba ako mamaya.
Hangang sa makasakay kami sa yate ay hindi ako pinapansin at kinakausap man lang ni Levy. Ni lingunin ay hindi niya magawa. Alam kung napapansin rin ng mga kasama ko iyon. Naroon lang siya sa mga ibang kasama namin. Na nakikipag usap. Sinusubukan naman nila akong isali sa usapan pero tipid lang ang nagiging sagot ko kaya hindi rin nag tatagal kaya lumayo na ako sa kanila.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng aking cellphone. Nag hihintay baka sa kaling kausapin ako ni Levy. Pero nakarating na kami sa unang isla ay hindi man lang niya ako nilapitan.
Napanguso ako.
Masayang masaya na bumaba ang mga ibang kasama namin. Ang iba naman ay abala pa sa pag bibihis at pag lalagay ng kanilang life best.
"Maliligo ka ba?" tanong ni Almira ng lumapit sa akin.
Umiling ako.
"Tara na sabay ka sa amin!" pag aya ni Celine. Alam Kasi nilang hindi ako marunong lumangoy.
"Levy yayain mo kasi!" sigaw naman ni Miguel. Si Levy naman ay parang walang narinig patuloy parin ito sa pag baba. Kasama niya si Grace.
"Nagalit ata sa'yo kasi hindi ka mahanap kanina!" bulong pa ni Almira.
"Pinag alala mo!" si Celine naman na naka pamaywang sa harap ko. Parang Nanay na nagsesermon sa anak.
"Suyuin mo na!" ngumiti pa si Miguel at nag tumbs up pa sa akin bago bumaba.
"Hindi ka talaga maliligo?" huling tanong ni Almira.
Umiling akong muli at napa buntong hininga. Kailangan ko ba na talagang suyuin si Levy?
"Maligo na kayo at wag niyo akong isipin dito!" pagtataboy ko sa kanila.
"Sige maiwan ka muna namin," paalam nila at bumaba narin para maligo.
Lahat sila ay naligo. Ako lang at ang mga tauhan ni Uma ang nandito. Agad akong napahawak sa tiyan ko ng tumunog ito. Hindi pa ako kumakain ng umagahan. Agad na lumapit ang isang tauhan ni Uma ng makita ang lagay ko.
"Ano pong nang yayari sa inyo madame?" magalang na tanong niya.
"Nagugutom ako!" mahinang sagot ko. Kainis.
"Ipapahanda ko po kayo ng iyong makakain!" sabi niya.
Agad itong may kinausap. Mang matapos ay agad niya akong hinarap. "Makaka pag hintay ka pa po ba na limang minuto madame?" baling nito sa akin.
"Ipadala niyo nalang ang pagkain sa kwarto ko kapag luto na." sabi ko at tumayo na at nag lakad na paalis doon.
Kaya ko pa namang mag hintay pero talagang sumasakit na ang tiyan ko. Kailangan kung mag tiis, alangan namang kainin ko iyon ng hilaw. Edi mas lalong sumakit ang tiyan ko kung sakali. Nang makapasok sa kwarto ay agad akong humiga sa malambot na kama. Mamaya nalang siguro ako mag bibihis.
Kung niyaya lang ako kanina ni Levy na maligo ay talagang maliligo ako. Kaya lang ay wala siyang paki alam sa akin. Galit nga pala siya sa akin.
Agad kung pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Ganon nalang ba ka tindi ang galit niya para umabot sa setwasyong hindi niya ako pansinin. Kung umasta parang hindi niya ako kilala.
Ang mali ko lang ay hindi ako nag paalam. Pero ginawa ko lang yon para makapag usap kami ni Cleo. Para mas maliwanagan ako sa nararamdaman ko kay Levy. Siguro nga ay kailangan ko siyang suyuin.
Hindi ko namalayang nakatulog ako. Naalimpungatan lang ng may maamoy akong mabango. Malakas na tumunog ang tiyan ko. Alam niya yatang may pag kain na. Agad akong bumangon.
Pero nagulat ako ng makita ko si Levy. Naka dikwatro ito na nakaupo sa sofa habang seryuso itong nakatingin sa akin. Sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya.
"Kumain kana!" malamig niyang anas.
"Ikaw kumain kana ba?" tanong ko. Sinusubukan kung palawakin ang usapan.
Tumango lang siya.
"Ganon ba!" Agad kung tinanggal ang comforter na nakabalot sa akin.
"Sorr—" napatigil ako sa pagsasalita ng may kumatok. Agad siyang tumalikod at nag lakad para buksan ang pinto.
"Maliligo kapa ba?" si Grace.
"Hmm," sagot ni Levy.
"Okay, tara na!" pag aya ni Grace.
Agad kung nakagat ang ibabang labi ko pinipigilang mag salita. Ayaw kung mag selos pero ang sakit ng dibdib ko. Nag iwas ako ng tingin. Kunwari ay walang pakialam sa pinag uusapan nila.
"Kumain ka lang diyan!" malamig paring saad ni Levy bago ito lumabas.
Agad namang tumulo ang luha ko. Ang inaasahan ko ay tatangi siya sa pag aaya ni Grace. Inaasahan kung sasabayan niya akong kumain. Pero hindi nang yari. Hindi niya ba narardamang gusto kung nandito siya sa tabi ko.
Sinubukan kung tawagan si Mommy para sila ay kumustahin, kaya lang ay wala naman palang signal. Kaya naka simangot akong kumain. Pero nawalan na ako ng gana. Inilapag ko ang pagkain sa side table.
Kumuha ako ng bikini at dress sa maleta ko. Nang makapag bihis ay lumabas na ako. Gustong gusto kung maligo, pero natatakot ako. Hindi ako marunong lumangoy at isa pa takot ako sa mga ibang isda. Hindi ko pa naman kasama si Levy.
Akala ko ay naliligo siya kasama ni Grace, pero naabutan ko siya na nakaupo sa isang high chair na may hawak na baso na may lamang alak. Nang makita ako ay agad siyang nag iwas ng tingin.
Lumapit ako. Tumayo talaga ako sa harapan niya.
"Akala ko naliligo kana?" I asked. Rinig ko ang pag buntong hininga niya. Napa simangot ako. Talaga bang ayaw niya akong kausapin.
"Sorry na!" mahina kung saad pero may lambing sa boses ko.
Hindi parin niya ako pinansin. Nilagok niya ang alak at tumayo na. Pinapanuod ko siya habang nag susuot ito ng life best. Akala ko ay kakausapin ako ng lumapit siya. Pero nilagpasan lang ako. Hinawakan ko ang braso niya.
"Sama ako!" naka ngiting wika ko.
"Tara na Levy." biglang dumating si Grace may dala pang camera. Nang makita ako ay napahinto siya. Nawala rin ang ngiti niya.
So hinintay niya lang pala ang babae na ito. Mas gugustuhin niyang kausapin at makasama ang babaeng malandi na ito. Keysa sa akin na Fiance niya.
Napaka maling desisyon.
"Ako ang kasama niya kaya, mauna kana!" Sabi ko. Hindi ko maiwasan ang mag taray lalo na't lantaran na kung lumandi ang babaeng ito. Alam niyang hindi kami okay ni Levy talagang mag ti-take advantage siya sa sitwasyon namin ngayon.
"Let's go!" ani Levy kaya agad akong lumapit sa kaniya. Pero hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Grace.
Umigting ang panga ko.
"Mas maganda kung siya narin ang yayain mong mag pakasal!" galit na anang ko.
"Ano bang pinag sasabi mo Felia!' nalilitong saad ni Grace. Kunwari pa ang isang ito.
"Ilang sorry paba ang kailangan kung sabihin sayo para mawala yang tampo mo?" galit kung tanong kay Levy.
"C'mon!" yaya nito ulit kay Grace, nauna pa itong bumaba.
Napapadyak ako sa inis.
"Let's break up then!" sigaw ko na ikinatigil nilang dalawa. Pero si Grace lang ang lumingon. Kung ganiyan ang trato niya sa akin, pwes mag hiwalay nalang kami.
Paano ako makakapag sorry sa kaniya kung ganito ang trato niya sa akin. Kung ayaw niya along pakinggan pwes wala na akon magagawa. Hindi ko na kasalan kung bakit hindi namin maayos ang maliit na problem ang ito.
"Kung hindi mo rin pala ako papansinin, mag hiwalay nalang tayo!" nakakuyom na wika ko at tumalikod na. Dali dali along pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang maleta ni Levy at padabog na tinapon yon sa labas. Padabog ko ring isinarado ang pinto.
Inis kung ipinag babato lahat ng mga gamit na mahahawakan ko. Wala akong paki alam kung mabasag ko man lahat ng gamit dito. Kulang pa iyon para mawala ang galit ko. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Hindi ako basta basat humihingi ng sorry sa isang tao. Pero pag dating kay Levy ang dali dali kung humingi ng sorry. Pero hindi niya man lang ma apriciate yon. Mas gusto pa niyang sumama sa babaeng yon keysa ako. Alam niyang may dapat kaminh ayusin at pag usapan pero mas pinili niyang wag akong pansinin.
"Madame ano'ng pong nang yayari diyan?" wika ng tao na nasa labas. Kumatok pa ito.
Patuloy lang ako sa pagbato ng mga gamit. Hindi pinapansin ang mga taong nasa labas. Wag silang makulit baka sila ang pag buntungan ko ng galit ko. Hindi ako mag dalawang isip na saktan sila.
"Madame, okay lang po ba kayo?" tanong naman ng isa.
Gigil kung pinag susuntok ang dinding. Ilang ulit ko iyong ginawa hanggang sa mapaluhod nalang ako.
Sabi niya Mahal niya ako. Pero bakit ganito siya sa akin. Kung umasta parang hindi niya ako Mahal. Siguro ay hindi naman talaga niya ako Mahal.
"Felia!" si Almira na ang nagsalita.
"Buksan mo ang pinto!" si Celine naman.
"Pwede ba umalis na lang kayo at pabayaan niyo muna ako!" sigaw ko. Mapait akong ngumiti habang tinitignan ang kamay ko na may dugo.
"Nababaliw kana ba, ano bang ginagawa mo diyan sa lo—"
"Aalis kayo ng kusa diyan? Hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko kapag lumabas ako!" banta ko.
"Tawagin niyo nga si Levy para siya ang makipag usap dito kay Felia!" rinig kung ani Almira.
"Tinawag na!" sagot ni Miguel.
"Kung ganon nasaan na siya? Mamatay na iyong kaibigan namim nakikipag landian pa siya!" galit na ani Almira.
"OA mo naman sa mamatay, masamang damp yon at alam muna ang ibig sabihin ng msamang damo matagal mamatay," saad ni Celine.
"Ah basta naiinis ako sa Levy na iyon. Imbis na si Felia ang atupagin si Grace naman ang inaatupag—"
"Maligo nalang kayo wag niyo akong alalahanin, wala pa sa isip ko ang mamatay!" sabi ko.
"Okay Fine, basta andito lang kami!" ani Almira.
"Kami na ang bahala kay Grace—"
"Umalis na nga kayo!" bulyaw ko.
Kailangan ko munang mapagbusa ngayon. Malalim akong napa buntong hinga, hinayaan ko lamang ang luhang walang tigil na lumabas sa aking mata. Tumayo ako at nag tungo sa aking kama at basta nalang humiga. Walang paki alam kung malagyan ng dugo ko ang kama.
Bumukas ang pinto. Pumasok duon si Levy agad akong nag iwas ng tingin. Narinig ko ang ingay ng tsinelas niya. Papalapit ito sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Agad kung iniwas ang duguang kamao ko ng hawakan niya iyon.
"Bakit nan dito ka? Ano pang ginagawa mo dito e, break na tayo!" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag hikbing gustong kumawala.
"Gagamitin ko ang sugat mo!" ani niya.
"Hindi na kailangan, pwede la ng lamaba hindi Kita kailangan, at isa pa mukhang naabala ko pa kayo ni Grace, dapat ay hindi kana pumunta pa dito nakaka hiya naman sa inyong dala—"
"Halikana at gagamitin ko ang suga—"
"Ang kulit mo rin noh! Sinabi ko nang hindi Kita kailangan, ano ba ang hindi mo maintindihan duon?" madiim kung saad. Nakadapa parin ako at walang balak siyang harapin.
"Pwede ba wag ka ng mag inarte pa—"
"So pag iinarte ang tingin mo ngayon sa ginawa kung ito, abah, putang inang utak yan... Pwede ba umalis kana Levy Kasi pag iinarte ko lang ito, at isa paalayo ito sa bituka hindi ako mamatay kung hindi nagamot ito at kung mamatay man ako ayos lang yon!" sarkastik kung saad.
"Galit ka lang kaya nagawa mo iyan!" anang niya.
Padabog akong umupo sa harapan niya, dinuro ko pa siya.
"Talagang galit ako, kaya kung pwede umalis kana dito at iwan mo nalang ako!" sigaw ko sa mukha niya. " Umalis kana, umalis kana!" pinag susuntok ko siya sa dibdib.
Niyakap niya ako. Mas lalong lumakas ang hikbi ko. Pilit along pumipiglas para makawala sa kaniya. Pero subrang higpit ng yakap niya.
"Doon kana sa malanding Grace na iyon. tutal mas gusto mo siya keysa sa akin, pwes mag sama kayong dalawa, mas maganda kung magpakasal narin kayo—"
"Nag tatampo lang ako sa'yo kaya hindi Kita pinapansin!"
"Kung ganon ang pangit mo mag tampo!" kinrot ko siya sa tagiliran.
"Ang pangit mo rin magalit nakikipag break!" sabi niya.
"Bobo ka mag tampo e, ayaw mong pasuyo... Paanong hindi ako magagalit ni hindi mo ako pinapansin!" gigil kung saad.
"Ako ang galit pero nabaliktad ng dahil sa ginawa mo!" Umirap ang mata ko sa sinabi niya.
"Tss. Mag usap kapag may problema hindi yong tinatakbuhan mo ang problema!" kinurot ko ulit siya sa tagiliran.
"Okay fine, I'm sorry dahil sa hindi ko pag pansin sa'yo, at lilinawagin ko lang walang break up na naganap at wag mo na ulit sasaktan ang sarili mo." madiing wika niya.
"Dipende sa sitwasyon!" seryuso kung wika.
"Felia!"
"Fine!" sagot ko ayaw kong mag promise lalo na't sa hindi all sigurado.
Kumalas siya sa pagkakayakap. Inipit niya ang pisngi ko gamit ang dalawang niyang kamay. Inilapit niya ang labi niya sa labi ko at mabilis na sinunggaban ito.
"I miss you!" wika ko.
"I love you!" sabi niya sa pagitan ng halikan namin.
Itutuloy—