Chapter 56

1588 Words
Felia "Hindi ka ba nahihirapan dito sa apo kung ito?" tanong ni Uma kay Levy. "Medyo may katigasan ang ulo pero, kaya naman po nadadaan pa sa lambing!" nakangiting anang ni Levy. Umirap ako. "Kanino paba mag namana yan kundi sa tatay niya ring matigas ang ulo, mabuti nga at takot siya dito kay Avela!" ani Grandpa. "Papa, ibang ulo ang tumitigas sa akin at itong pinaka mamahal kong asawa lang ang nakaka alam kung paano niya ito papakalmahin haha!" ani Papa na may dubling meaning. "Yang bunganga mo Dong ah! nakakahiya sa anak mo at kay Levy!" tinampal pa ni Mommy Ang braso ni Daddy. Tuwang tuwa naman si Uma. Tinitignan ko lang siya habang masayang pinapanuod niya ang mga magulang ko. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko namang na mi-miss niya na si Ama. Naka ngiti siya pero may lungkot ang mga mata niya. I miss my Ama too. Kung nandito laman siya ay mas sasay pa kami. Simula Kasi ng namatay siya ay para bang nawalan na kami ng isang parte sa katawan namin na alam naming kahit kailan ay hindi na mabubuo o maibabalik pa ang parteng iyon sa amin. It hurts. Pero kailangan naming tang gapin na wala na ang pinaka mamahal naming Ama. Wala man siya sa paningin namin pero sa isip at puso ay naka tatak na siya. Na kahit kailan ay hinding hindi na matatagal pa sa amin. "Tss. Ayos lang yan sa kanila, baka magulat ka nalang may apo kana!" ani Grandpa na ikinapula ko. Si Daddy at Grandpa lang ang may alam na palaging natutulog si Levy sa kwarto ko at alam kung nakalagay na sa isip nila ang pwedeng mang yari. Kaya iyon nasabi ni Grandpa. Nang tignan ko si Levy ay nakangisi siya. Ang hinayupak na ito nakuha pa niyang ngumisi sa lagay kung ito. Masasapok ko ang lalaking ito kapag naiinis ako. "Pwede namang Baby muna, bago ang kasal!" ani Daddy nag apir pa sila ni Uma. Tila sa isip ni Daddy at Grandpa ay maganda nga iyon. "Hindi ako papayag, wala munang baby-baby hangga't hindi sila kinakasal, ikaw talaga Dong! wag mong igaya ang anak natin sa'yo na napaka libog... Hindi ganun ang anak natin alam kung kahit matigas ang ulo niyan hindi yan makikipag s*x lang ng basta basta!" Napaubo ako pati narin si Grandpa ng marinig namin ang sinabi ni Mommy. f**k. Agad na tinapik ni Levy ang likod ko para pakalmahin ako. Narinig ko ang mahinang pag halakhak niya. Matalim na ang tingin ko sa kaniya. Napaka walang kwenta talaga ng lalaking ito. Kita na nga niyang nahihiya ako talagang hahagikgikan pa ako. "Are you okay Ija?" nag aalalang tanong ni Mommy. "Yes Mommy!" sagot ko. "Pa are you okay?" tanong ni Daddy kay Grandpa na nagyon ay hinahaplos haplos ang kaniyang dibdib. Ngumiti siya at nag tumbs up pa ng makabawi ito. "Pwede naman silang mag ka baby kung kailan nila gusto, If they love each other kasal man o hindi kailangan nilang paninindigan ang kanilang disesyon at respunsibilidad!" ani Uma. "Tama ka diyan Uma!" Tuwang tuwa na ani Daddy. Biglang nawala ang ngiti ni Daddy ng makita niya ang salubong na kilay ni Mommy at ang matalim na mata nito. "Mag usap tayo mamaya!" madiing bulong ni Mommy! dahil tahimik ang paligid ay rinig na rinig namin. Napakamot nalang si Uma. "Pero mas magandang ikasal muna sila hehe!" saad ni Daddy at umiwas ng tingin kay Mommy. "Nag aaral pa sila at baka mahirapan lang silang pareho sa pag aaral kapag nag karoon na sila ng anak, pwede naman silang mag ka baby kapag tapos na sila sa pag aaral at isa pa mga bata pa sila para sa ganong bagay!!" hindi parin tumitigil sa pag sasalita si Mommy. Hindi siya papatalo at hindi din titigil hangga't hindi siya nananalo sa kung ano'ng gusto niyang mangyari. "Good idea, pero tignan mo naman ako at ang Grandpa niyo tumatanda na kami gusto ko nang makita ang mga magiging apo nami—" "Oo nga po Tay!" ani Grandpa na hindi na pinatapos pa si Uma. "Pero Uma, matagal pa ang buhay mo sa pangit ng ugali mong iyan matagal pa ang kamatayan mo, Pati ikaw Papa parehas kayo ni Uma, masamang damo kayo kaya matagal pang mamatay!" ani Daddy. "Putik ka talaga, anak ba kita ha at ganiyan ang pinag sasabi mo? bakit iyan ang sinasabi mo? Kulang naman ang sinabi mo dapat ganito. Masamang damo na gwapo kaya matagal mamatay. Ikaw naman ay masamang damo lang, hindi ka matatawag na gwapo kahit kailan kasi ang pangit-pangit mo!" asik ni Grandpa. "Nadali mo Vicente!" naka ngiting ani Uma. Napatayo si Daddy. "Tatay ba talaga kita? Tss. Ako ang pinaka gwapo mong anak, mas gwapo pa nga ako sa inyo eh diba, Hon?" nilingon niya si Mommy. "Ang pangit mo!" nakangising pang aasar ni Mommy. "Kita mo pati ang asawa mo sinabihan kang pangit," nakisali narin sa pang aasar si Uma. "Ito sasabihin ko na ang totoo, ampon ka lang talaga hindi kita tunay na anak, gwapo ako at pangit ka naman kaya hindi talaga Kita anak." si Grandpa. "Hindi naman po siya pangit!" ani ko. Lumingon silang lahat sa akin para bang may nasabi akong mali at hindi maganda sa pandinig nila. Si Daddy ay lumiwanag ang mukha matapos nitong marinig ang sinabi ko. Ngumiti ako. "Sa wakas nandito na ang kakampi kung pinaka mabait at maganda kung anak, sasabihin niya na ang totoo... Sige anak sabihin mo kung gaano ako ka gwapo at ako ang pinaka mas gwapo sa kanilang lahat!" buhay na buhay ang ngiti ni Daddy. "Ikaw lang ang nag iisa at walang kagaya na pinaka—pinaka. p-i-n-a-k-a... Pangit at malibog!" seryusong ani ko. Natahimik ang lahat maya-maya ay nag sihagalpakan na silang lahat maliban sa aming tatlo nila Levy, Daddy at ako. "Exactly Ija!" ani Grandpa. "She's telling the truth!" ani naman ni Mommy na ngayon ay hawak na ang tiyan. "Naniniwala nga ako!" ani naman ni Uma. "Talagang pinag tulungan niyo pa ako ha! E. Ang papangit niyo rin naman!" mangiyak ngiyak na anang ni Daddy. "Mas pangit ka naman!" sabi ko at bumilat pa sa kaniya. "Pag sabihan niyo nga iyang anak at apo niyo kung ano ano'ng kasinungalingan sinasabi—" "Totoo namang pangit at ang libog mo—" "Hon naman eh!" ani Daddy na yumakap na kay Mommy na patuloy parin ito sa paghagikgik. "Pangit na malibog na Pabebe!" ani Grandpa. "Okay that's enough baka umiyak at mas lalong pumangit!" ani Uma. "Uma!" parang batang ani Daddy. "Pasensiya kana ijo at ganito kami kung mag asaran!" ani Uma kay Levy. "It's okay sir, mas malala pa nga kami sa bahay!" nakangiting ani Levy. Tumayo ako. I just a raised a braw at them. Inayos ko ang damit ko at nilingon si Uma. "Matutulog na po ako at may pasok pa kami bukas!" saad ko. "Ihatid mo na itong si Levy sa labas—" "It's okay Sir, mukhang inaantok na nga po ang fiancé ko napagod po sa byahe, susunduin ko nalang po siya bukas ng umaga para sabay na kaming pumasok!" ani Levy. "Mabuti kung ganon!" tumango pa si Uma. "Bantayan mo itong si Felia at balita ko maraming umaaligid diyan na mga gustong pumurma!" ani Daddy. "Malamang subrang ganda ng anak ko, talagang maraming maghahabol diyan, mana lang sa akin!" ani naman ni Mommy. "Tss. Sa dinami dami mo ngang manliligaw ako ang nagustuhan mo naalala ko pa nung kabataan natin, panay ang papansin mo sa akin ikaw pa nga ang nanligaw sa a—" "Tumahimik ka Farcon Vii Dornan baka maniwala sila sa mga pinag sasabi mong puro kasinungalingan lamang!" asik ni Mommy. "Totoo naman yon Hon e—" "Tahimik ka o matutulog ka sa labas!" pinanlakihan ng maya ni Mommy si Daddy. "Tatahimik na nga!" zinip pa nito ang bibig niya gamit ang many niya. "O siya, sige na matulog ka na Felia!" ani Grandpa. "Aalis na rin po ako Sir kakausapin ko lang po saglit si Felia!" ani Levy na tumayo na. "Sige, mag ingat ka sa pag uwi mo ijo! paki kumusta nalang ako sa family mo!" si Uma. "Okay Sir have good day!" ani Levy at hinawakan ang kamay ko at sabay kaming nag lakad palabas. "Awts!" daing ni Levy matapos ko siyang hampasin ng malakas sa braso. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang pang ngisi-ngisi mo kanina sa akin, ikaw na hinayupak ka talagang ngingisi kapa alam mo namang pulang pula na ako sa kahihiyan duon!" matalim ang matang anas ko. Malakas kong hinila ang kamay ko sa kaniya. "Bwisit!" sabi ko at binuksan na ang pintuan ng kwarto ko. "Huwag ka ng pumasok pa, umuwi kana!" sabi ko. "Where's my good night kiss?" he asked. "Ugok mo, halos mamanhid na nga itong bibig ko dahil sa kakahalik mo, mag hahanap kapanng good night kiss!" I raised my eyebrow at him. He chuckled. "Isa lang naman eh!" "Scam yang isa mo Levy Jaya umuwi kana at wala kang makukuhang good night kiss sa akin!" "Sige na para hindi ako antukin sa byahe!" pamimilit niya. "Tss. Kapag inantok ka itigil mo ang pag magmaneho at don ka nalang matulog sa kotche mo na nasa raving kalsada—" Hinila niya ako at agad na hinalikan ng madiin at matagal. I heard him chuckled na ikinamulat ng mata ko. Mahigpit na pala akong nakahawak sa damit niya. "Good night baby, I love you!" sabi niya at agad na nag lakad paalis. Itutuloy—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD