Felia Where are you going, Felia? " tanong ni Grandpa. Nakaupo ito sa single sofa rito sa sala habang nagbabasa na naman ng diyaryo. "Diyan lang sa tabi-tabi, Grandpa." tinatamad na sagot ko. Kung puwede lang na huwag na siyang sagutin sa mga tanong niya at basta nalang akong umalis? "Ano'ng tabi tabi na pinag sasabi mo riyan, Felia? Ano ba yang pananalita mo? Saan mo ba matututunan yang mga pinag sasabi mo!" pabulyaw niya naman ngayong untag. I grimaced at that. Pinindot ko pa ang tainga ko sa pagkairita. Oh c'mon, Grandpa! Pati ba naman pananalita ko papakialaman na rin? "Pupunta lang po ako ng mall, okay?" I rolled my eyes out of nowhere. "Sa Jaco, dahil doon po namin gagawin ang punyetang— I mean activity namin, ang mga kagrupo ko po doon ay si Levy at Grace at hindi ko p

