Felia Habang nasa kotche ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Kahit saan kami dumaan ay talagang traffic talaga. Kaya naman subrang inip kuna. Masakit na nga ang tiyan ko, masakit pa ang puwet ko dahil sa tagal ko ng nakaupo. Nag iinit na din ang ulo ko. "Mag drive thru nalang tayo!" wika ko na hindi nilingon si Levy. Hindi na kaya ng tiyan ko. Mas matagal pa ang hihintayin ko kung duon pa kami sa condo niya kakain. Kaya mas maganda kung mag drive thru nalang kami. Tutal may malapit namang jollibee dito. Ilang minuto lang ang byahe para nakarating don at ilang minuto lang ang hihintayin namin para makakain na kami. Talagang mababaliw na ako. Lintik na Hena Kasi yon. Humanda siya sa akin bukas, kapag namatay ako dito ngayon dahil sa gutom hinding hindi ko siya patatahimikin. M

