Chapter 45

2317 Words
Felia "Ayaw ko pa-ng lumbas!" sinubukan kung lumayo sa kaniya kaya lang ay hawak niya na ang kamay ko. "Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala!" Smiled. Tuwid akong tumayo sa harap niya at tinapik tapik ang pisngi niya. Napalabi ako ng umiwas siya. Napaka arte naman ng lalaking to. "Hindi nam—an ako nanlalaki ah!" humagikgik ako. "Wala ka namang nakitang lalaking kasama ko kanina!" Alam ko naman na yon na agad ang iniisip niya. Na kaya ako nandito ay para manlalaki. Kahit hindi niya sabihin, sigurado ako na tama ang hinala ko. "Paano ka nakapasok dito? You are a minor Felia!" nagtataka niyang anas. "I have a lot of connec-tion Levy, nakalimutan mo na bang ako si FELIA MARGOT DORNAN," "Yeah your my wife!" "Tss. Mag fiancé palang ta-yo wag kang advance, malay mo hindi tala-ga tayo ang para sa isat isa." inaamoy amoy ko naman ngayon ang leeg niya. Binuhat niya ako ng pa bridal style. Nagsimula na siyang mag lakad. Mas lalong humigpit ang pagkaka kapit ko sa leeg niya ng muling umikot ang paningin ko. "Bakit ba subrang tigas ng ulo mo!" "Tss, mas matigas nga yang ulo mo..." tumigil ako. "Sa baba!" humagikgik pa ako. Yumogyug ang balikat niya. Rinig ko rin ang pagtawa niya. Mas lalo kung idinikit ang mukha ko sa dibdib niya. Medyo masakit na ang ulo at inaantok na ako. Alas nuwebe na nang umaga ng magising ako. Masakit pa ang ulo at lalamunan ko. Minor pa lang ako kaya minsan lang ako kung uminom ng alak. At umiinom lang ako kapag may okasyon o kaya kapag kasama ang pamilya ko. Kadalasan ay sila Africa ang kainuman ko. Hindi naman siguro ako mamatay sa hang over noh. At kung mamatay man ay okay lang. Atlis nakatikim ng alak. "f**k it's hurt!" daing ko pa. Ito talaga ang mga kahinaan ng ibang lasingero. Ang hangover. Napataas ang kilay ko ng makita ko na may isang baso ng tubig at gamot para sa hang over. Nakalagay ito sa ibabaw ng side table ko. Mas maganda sana kung nagising akong nasa tabi ko siya. Di hindi na sana tatagal pa ang panunuyo niya. Pagkatapos kung uminom ng gamot ay pumunta na ako sa banyo para maligo. Mabilis akong naligo at nag bihis. Dahil nasa beach naman kami ay nag suot ako ng black fitted Dress na hanaggang sa kalahati ng hita ko ang haba. Medyo kita ang cleavage. Sa likod naman ay nakatali lang. Kaya kitang Kita ang makinis at maputi kung kutis. Mas lalong nakita ang hubog ngg katawan ko dahil sa ganda ng damit. Pinarisan ko lang ito ng white sandals. Nag lagay lang rin ako ng lite make up at hinayaan ko ang basang buhok ko na nakaladlad lang. Suot ang shade ng lumabas ako sa kwarto. Bitbit ang maliit na shoulder bag. Hawak ko naman ang cellphone ko. Apat kaming nakasakay sa Elevator. Dalawa lang kaming babae. "Hai miss!" ani ng isang lalaji lumapit pa talaga siya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa numerong nasa elevator. Pero kinalabit ako ng lalaki kaya inis ko siyang nilingon. "How dare you to touch me!" angil ko. "Ito naman malinis naman ang kamay ko, hindi mo Kasi ako pinansin Jaya kinalabit na Kita!" sabi niya pa. Hindi na ako nag salita. Pinag sa walang bahala ang lalaking nasa tabi ko. Kapag hindi ako nagkapag timpi masasapok ko itong lalaki na to. Agad akong lumabas ng bumukas na ang elevator ,nasa ground floor na ito. Tuloy lang ang lakad ko patungo sa restaurant ng hotel na ito. Pero sinundan parin ako ng lalaki. Agad akong tumigil nasa harapan ko siya at nakatayong nakangisi. Pinag cross ko ang mga braso ko sa dibdib ko. "Ako nga pala si Ian!" inilahad pa nito ang kamay niya. Nakatitig lang ako sa kaniya. Napaka walang kwentang mukhang walang hiyang napaka pangit. "Pwede ba wag kang makulit at isa pa ito sasabihin ko na sa'yo na wala akong pakialam kung sino ka at hindi ako interasado sa mga sasabihin mo!" "Napaka sungit mo naman nakikipag kilala lang naman ako sa'yo!" "Ayaw kitang makilala kaya tumabi ka sa daanan ko!" lalapit pa sana siya sa akin ng umatras ako iksakto namang hinarang siya ng mga tauhan ni Uma. Agad akong nag patuloy sa paglalakad. Sumisugaw ang lalaki habang hila hila ito ng mgavauhan ni Uma. "Good morning Madame!" Hindi ako kumain kagabi kaya gutom na gutom na ako. Tuloy lang ang lakad walang paki alam sa mga taong bumabati sa akin. Wala akong pakialam sa buhay nila. Pagpasok ko ay agad kung nakita si Levy. Kasama si Grace. Kumakain si Grace si Levy naman ay abala ito sa patitipa sa laptop niya. Agad akong lumapit. Bigla kung hinalikan sa pisngi si Levy at pagkatapos ay nakaka luko ang ngiting tinignan ko si Grace. Na ngayon ay na hang ang kamay niya na may hawak na kutsara na kaniyang isusubo na sana. "Ang sarap diba!" nakataas ang kilay na anas ko. Ang malanding to. Buwisit nasaan ba ang mga kasama namin at itong dalawang to lang ang mag kasama. Kung hindi pa ako dumating ay tudo na ang landi ng babaeng ito sa boyfriend ko. "Did you take your medicine?" tanong ni Levy. Tumayo siya at ipinag hila ako ng upuan sa tabi niya. Kita ko ang pagtutol kay Grace. "Sa iba nalang ako uupo mukhang naiisturbo ko ang paglalandi ni Grace— I mean kayong dalawa," madiing saad ko. "May ginagawa lang kami ni Levy okay lang kung dito kana sa amin." "Umhhhh subrang bait mo naman kaya lang fake naman, pero sa totoo lang wala akong pakialam kung papayag ka o hindi na umupo ako dito!" "Sisimulan mo na naman Felia!" ani Levy. "Nagbibiro lan naman ako!" Umupo na ako. Umupo narin si Levy. Nagulat ako ng ilagay niya ang pagkain niya sa harapan ko. Nang tignan ko siya ay abala na siyang nag titipa. Tinaasan ko ng kilay si Grace. Nang aasar. Busog na busog ako ng maubos ko ang pagkaing binigay ni Levy. Pagkatapos kung kumain ay nag uusap parin ang dalawa. Inabala ko ang sarili ko sa pag rereply sa mga txt ng mga magulang ko. Isa sa mga nireplayan ko ay ang pangungumusta ni Mommy. Ka txt ko rin sila Celine. Ang sabi nila sa akin kaya daw wala sila dito ay kanina pa silang matapos na kumain. At sinadya daw talaga ni Grace na antayin si Levy. Si Cleo ay ka txt ko rin. Napag usapan namin na magkikita kami mamaya. Narito din siya hindi nga lang makalapit sa akin dahil nandito rin ang mga tauhan ni Uma. Nagbabantay at nag ma-manman. Ang schedule namin ngayong araw ay ang maligo lang muna kami dito sa dagat at gagawin ang ibang activity. Tulad ng jetski, banana boat at iba pa. Bukas pa Kasi ang schedule ng island hopping. Kaya dito lang muna kami malapit sa hotel na mamasyal. Pababa na daw sila Celine. Ang sabi ko ay magkikita nalang kami sa lobby. Dahil mapapagod pa sila kung pupunta pa sila dito. Mas maganda kung sila na ang maghintay keysa ako. Subrang abala sa pag uusap ang dalawa kaya tumayo na ako. akala ko hindi na ako mapansin ni Levy kaya lang ay nilingon ako. "Where are you going!" tanong niya. Nasa akin na ang buong atensyon. "Maliligo na kami nila Celine sa dagat!" sagot ko. "Hintayin niyo, kami!" tukoy niya kay Grace. "Tss. Gusto na naming maligo, hindi na kami mag hihintay pa." sabi ko pa. Kapal naman ng mukha niyang paghitayin kami. "Hindi naman ako maliligo kaya okay lang kong hindi na nila tayo hin—" "Bukas nalang namin ituloy to," ani Levy at nagsimula nang ligpitin ang gamit niya. "Hindi pwede, mag a-island hopping tayo bukas!" sabat ko. Mas maganda kung hindi ko siya kasama para madali akong nakaalis mamaya kapag Magkikita na kami ni Cleo. Kailngan na naming mag usap. Ang mga kaibigan ko at mga tauhan ni Uma ay madali lang naman kung tatakasan ko. Si Levy nga lang ang hindi. Dahil subra kung maghinala ito. "Itutuloy ko nalang mamayang gabi!" patuloy parin ang pagliligpit ng gamit niya. Si Grace ay pinapanuod lang kami. "Tapusin mo nalang ngayon para matapos niyo na!" pamimilit ko pa. "Let's go!" Nawalan na ako ng pag asa ng tumayo na siya. Si Grace naman ay dali dali rin itong tumayo. Cellphone at maliit na wallet lang ang hawak niya. Hinawakan ni Levy ang kamay ko. Ngi-ngiti siya tuwing may babating impleyado sa kaniya. Ako ito fierce lang. Nasa likod lang namin si Grace na nakasunod. Pagdating namin sa lobby ay kadarating lang rin nila Celine. Agad silang lumapit sa amin. Ang kanilang mga reaksyon ay mapang asar. Ngumisi ako. "Akala namin ikaw lang?" ani agad no Celine. "Syempre hindi papayag yang si Levy, sigurado namang maraming lalapit kay Felia, tignan mo naman ang suot napaka sexy!" Si Almira naman. "Naninigurado lang!" si Miguel naman.qnh nag salita. "Tara na nga kung ano ano pang sinasabi niyo!" nakangiti akong umiling at nauna nang naglakad. "Tss. Grace bilis bilisan mo nga ang paglalakad." Inis na angil ni Almira. Agad kung binitawan ang kamay ni Grace. Huminga ako ng malalim at kunot nuong tinignan siya. "Bakit nandito kapa? Sabi mo hindi ka maliligo ano pang ginagawa mo dito!" ani ko. "Let's go!" pag aya sa akin ni Levy. "Ano ba, sandali nga!" iniwasan ko ang kamay niya ng tangkain niya akong hahawakan. "Nandito tayo para makapag relax hindi ang ma stress, kaya tama na muna ang away!" ani Miguel."Diba pre?" tanong niya kay Ansel na pag tango lang ang naging sagot. "Paano kami makakapag relax kung nandito ang higad na babaeng ito!" tinuro pa ni Celine so Grace. "Hindi ko siya inaaway, tinatanong ko lang naman kung bakit nandito siya, Sabi niya kasi kanina ay hindi siya maliligo kaya automatic na hindi na siya sasama pa!" nakataas ang kilay na wika ko. "Hindi ka pala maliligo sasama kapa sa amin!" Umiintrigang wika ni Celine. "Wala naman na akong gagawin pa kaya sasama nalang ako sa inyo!" mahinhin na sagot ni Grace. "Lalandi ka lang kasi!" sabat ko. "Felia please!" nakikiusap na ang ni Levy. "Okay fine, tara na!" sabi ko at nauna nang mag lakad. Pagdating namin sa harap ng dagat ay nandon narin ang mga iba naming kasama. Ang iba ay naliligo na ay maglalaro pa. Agad akong nagtungo sa dalampasigan. Hinayaan king mabasa ng tubig ang paa ko. Napakaganda at napasarap sa pakiramdam ng mabasa ang paa ko. Pumikit ako at sininghap ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Hinawakan ni Levy ang kamay ko. Kahit nakapikit ay alam kung siya iyon. Huminga ako ng malalim atsaka nag mulat ng mata. Si Levy agad ang nabungaran ko. Titig na titig to sa akin. Malamlam ang mga mata. "Hoy, mag hunos dili laying dalawa diyan karamihan dito walang jowa kaya mag jonah hinay kayo diyan!" sigaw ni Almira na ikinatawa ng iilan. Napalabi ako. At inirapan sila. "Ligawan niyo na nga tong dalawang kaibigan ko, tigang na tigang na!" natatawa kung anas. "Hoy babae mahiya ka sa pinag sasabi mo hindi naman totoo yon ah!" likramo ni Almira na ngayon ay naliligo narin. "Ah talaga, tss. Nakita Kita nanunuod ka ng porn sa cellphone mo!" dumila pa ako para asarin siya. "Aiy nanunuod ka pala non ah,"ani Miguel. "Nakakahiya naman sa'yong manyak ka!" angil ni Almira na sinabuyan ng tubig sa mukha si Miguel. "Ayaw mo yon ikaw lang minamanyak ko. Dika kana lugi sa akin kapag napasagot mo ako hahahha!" ani Miguel. Gigil siyang sinabunutan ni Almira. "Buwisit ka napaka sinungaling mo!" patuloy parin sa pag sabunot si Almira na walang tigil ring tumatawa si Miguel. Pumunta ako sa may bench. Naroon si Grace at Gabby. Pareho silang abala sa pag cellphone. "Hindi ka maliligo?" tanong ko kay Gabby. Nag angat siya ng tingin. "Mamaya!" sagot niya. "Sumabay kana sa amin, Hindi pa masiyadong mainit mgayon maganda pang maligo, pero kung ayaw mo talaga mamaya ka—" "Maliligo na ako ngayon!" hindi pa ako pinatapos ni Gabby. Tumayo siya at iniligpit ang gamit niya atasaka nito hinubad ang damit niya. Naka board short nalang siya ngayon. "Mauna na ako!" sabi niya at umalis na. Nilingon ko si Levy ng marinig ko ang malakas ng pag buntong hininga niya. kunot nuo ko siyang nilingon. Seryuso siya habang inaayos ang mga gamit niya. Anyari dito sa lalaking to at ganiyan na naman siya. Inilapag ko ang shoulder bag ko sa upuan at hinubad ko ang bistida ko. Ang natira nalang na suot ko ay ang kulay itim kung bikini. "What the f**k are you wearing Felia?" Nagulat pa ako kay Levy. "Ano ba, tang ina nakakagulat ka naman!" pinalo ko pa siya sa braso niya. Matalim ang tingin niya sa suot ko. Agad kung tinakpan ang nasa ibabang bikini at dibdib ko. Mas lalong naging masungit ang reaksyon niya. "Ano ba wago ngang titigan!" madiing sabi ko ay nag iwas ng tingin. "Kapag sa iba pwedeng tumitig ako hindi, talaga bang gusto mo na akong mamatay ha Felia?" "Tss. alam mo ikaw, ang dami mong kaartehan at reklamo sa buhay, marami rin ako niyan kaya wag mo na along idamay!" sabi ko. "Mag rush guard ka." itinapon niya nalang basta ang damit sa akin. "Ayaw ko!" itinapon ko yon pabalik sa kaniya. "Felia!" banta niya. "Pwede ba Levy, hindi ikaw ang mag didisesyon ng isusuot ko, malamang nasa beach tayo kaya naka bikini ako, normal lang to," nakataas ang kilay na anas ko. "May asawa kana, nag susuot kapag ng ganiyan!" Napalabi ako. Buwisit bakit kinikilig ako. "Wala akong asawa kaya tumigil ka diyan!" huling sabi ko at patakbong umalis. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko ng habulin ako ni Levy. Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD