Felia
Pagkatapos ng sagutan namin ni Levy ng gabing iyon ay umuwi siyang hindi kami nagkaayos. Walang Levy ang sumundo sa akin kaya ngayon ay magisa akong narito sa loob ng kotse ko papasok.
"Tangina naman oh!" gigil akong bumaba sa kotse ko at padabog na sinarado ang pinto.
Mabilis akong naglakad sa kotseng humarang sa dadaanan ko na ngayon ay may mga lalaking lumabas. Nakatayo sila ang iba ay nakangising nakasandal sa kanilang mga sasakyan.
Oh, c'mon.
"Oh? Anong ginagawa niyo rito dapat nasa ospital kayo at nagpapagaling, mukhang hindi pa masiyadong magaling ang mga sugat niyo!" Wika ko. Kung kailan ako may klase saka naman sila magpapakita. Tiningnan ko ang aking wristwatch. Fifteen minutes before eight o 'clock. Still have time though.
"Matibay ka rin naman, ano? Hindi ka man lang nagkapasa pero ngayon sisiguraduhin kong sa ospital na ang diretso mo!" Maangas na ani Albert— ang leader ng Gang Blacklight. Ang pangatlong pinakamalakas sa mundo ng Gang. Ang ibang kasama niya ay nanonood lang sa amin, naghihintay sa puwedeng mangyari.
"I'm scared..." Umakto akong parang natatakot. "Sa lagay niyong 'yan, mukhang kulang ang isang bwuan na pagpagaling niyo sa ospital. Bored na ba kayo roon at ako naman ang naalala niyo?" I sarcastically said. Humalukipkip ako at nanunuyang tiningnan sila.
"Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin tanggap na natalo kita? Isang leader ng gang, natalo ng isang ordinaryong estudyante lamang?" I laughed.
"Magisa ka na pero mayabang ka parin!" anang isa.
"Yes, mag isa man o may kasama mayabang pa rin ako. Hindi tulad mo na mayabang lang dahil may kasama, pero pag magisa ka, lahat kinakatakutan mo!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Mukhang may natamaan yata ako, a?
"Diba? Hindi ka naman lalapit sa akin kapag magisa ka lang!" Hamon ko pa sa kaniya.
"Tama ka. Hindi ako lalapit sayo ng magisa lang kaya nga nagdala ako ng maraming kasama para makaganti naman ako sayo!"
"Well... that made you a coward. You know what? Guwapo ka sana kung hindi ka lang pangit." I smirked.
"Wala akong pakialam sa lahat ng sabihin mo, Dornan!"
Matapos niyang sabihin iyon ay may tumigil na dalawang kulay itim na kotse.
Mabilis na nagsilabasan roon ang mga maskuladong mga lalaki.
"It's payback time!" Nakangising wika niya at sinenyasan ang mga bagong dating ng mga lalaki na sugurin ako.
Nasa sampo silang lahat at malalaki ang mga katawan. Unang sumugod ang dalawa. Umambang sisipain ako kaya umilag ako at 'saka ko sila pinagsisipa sa dibdib at pinagsusuntok sa mukha.
Two down, Felia!
"Bilisan niyo nang makapasok na ako!" Bulyaw ko sa kanila.
Sunod na umatake ang tatlo. Una kong sinapak ang isa. Nakakasuntok sila pero naiilagan ko naman lahat. Sinapa ko ng ilang beses ang isa, hanggang sa bumagsak. Ang isa naman ay hinead-butt ko siya kaya , ayon tumba.
Kaunti na lang.
"s**t!" mura ko nang maramdaman ko ang pagsakit ng likod ko dahil sa hindi inaasahang pagsipa ng lalaking nasa likuran ko.
Paano ba naman sabay-sabay na silang lahat na sumugod.
Galit ko siyang nilingon at gigil na pinagsusuntok sa mukha. Nang natumba siya ay pinaguuntog ko at pinagsisipa, suntok, headbutt , siko at tadyak ko silang lahat. Hanggang sa bulagta na silang lahat sa sahig, ang iba ay namimilipit pa sa sahig.
"Come here!" Nakataas ang kilay na wika ko sa leader nilang tulala ngayon sa mga tauhan niyang naka bulagta sa sahig. Hindi maka paniwala sa nangyari.
"Let's go!" taranta niyang wika at nagmamadaling sumakay sa kotse at 'saka mabilis na umalis.
Peste!
"Nasaan ka na bang babae ka? Late ka na!" Agad na bulyaw ni Celine ng sagutin ko ang tawag niya.
"Nandito na ako sa parking!" sagot ko habang kinukuha ang shoulder bag ko pagkatapos ay bumaba na ng kotse.
"Bilisan mo late ka na!"
"Nandiyan na ba 'yong teacher?" I asked. Pagkatapos kong i-lock ang kotse ay naglakad na ako papasok sa building.
"Wala pa!"
"'Di hindi pa ako late, cafeteria mo na ako saglit," sabi ko at pinatay na ang tawag. Naubos ang lakas ko sa pakikipaglaban kanina kaya kakain muna ako.
"Ikaw na naman!" salubong ang kilay ni Nelly.
"Ako na diyan, Nelly!" si Gilbert na kadarating lang. Pagkaalis ni Nelly ay ngumiti ito at humingi ng paumanhin na tinanguan ko lang.
"One large ice coffee, strawberry flavor and peste! I mean one large pasta!" After that, binigay ko ang card ko. Pagbalik ay pumunta na ako sa lamesa kong saan ako kakain.
Naging payapa ang oras ko hanggang sa maubos ko ang mga pagkain ko. Umakyat na ako kaagad ng nabusog na.
Inayos ko muna ang buhok at damit ko at ng naging komportable na ay dahan- dahan kong binuksan ang pintuan.
Taas noo akong pumasok at agad ko namang nakita ang naka pameywang na si Betty. Kita ko iyong tag name niya. Bahagyang inayos ang suot nitong eye glasses.
"Maling room ata ang napasukan mo!" Sabi ni ma'am Betty ng tuluyan na akong nakapasok. "O, transferee ka? Late ka nga kung ganoon," dagdag niya pa. Pinigilan kong magtaas ng kilay sa kaniya.
"Pumunta ka na sa harapan at magpakilala ka!" Sabi niya.
"I'm not a trans—"
"Sige na mag pakilala ka na huwag nang maarte!" Pigil na pigil akong huwag hampasin itong babaeng ito.
Pumunta ako sa harapan at tumayo roon ng tuwid nakita ko ang naka ngising si Almira at si Celine na ngayon ay nakatakip ang isang kamay sa bibig ni Winny.
"FELIA MARGOT DORNAN," walang emosyong wika ko na titig na titig ngayon kay Levy.
"Okay, Felia sa klase ko ayaw ko ng maingay at nalalate kaya iwasan mo ang mga iyon," lagpapaalala niya.
"Whatever," sabi ko.
"Sige doon ka na umupo sa tabi ni, Levy," utos niya.
Nagtataka ko siyang tiningnan.
"At bakit?"
"May group activity kayo ngayon, tatlo sa bawat grupo at ang ka grupo mo ay si Levy at Grace. Sige na umupo ka na!"
As in activity agad? Second day palang ng klase may activity agad. Kumusta naman ako na hindi naka pasok kahapon. At putcha! naman oh sa dinami-dami ng makaka grupo silang dalawa pa? Nananadya ba talaga 'to? Bwisit!
Gusto ko sanang umupo sa may gilid ng pader para kapag natulog ako may mapagsasandalan ako. Kaya lang nakaupo na roon si Grace. Ngumiti siya sa akin ng umupo ako sa tabi ni Levy. Bali pinagigitnaan namin siya.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng likod ko nang padabog akong umupo kaya tumama ang likod ko sa sandalan ng upuan. Namamaga pa ata. I bit my lower lip and sighed slowly while feeling the pain.
Dapat pala pumunta ako sa clinic nang makatulog roon ng mahimbing. Walang istorbo roon, e.
"Next week niyo ipapasa 'yan sa akin," pag papaliwanag ni Ma'am Betty. "Gusto ko ng maayos, hindi iyong putchu-putchu lang, pag putchu putchu ang activity niyo wag niyong asahan na mataas ang score niyo. Maliwanag?"
"Yes ma'am!" sagot nilang lahat maliban sa akin.
Ang sakit talaga ng likod ko kaya balak ko na namang matulog para hindi ko maramdaman ang pag kirot na likod ko. Putcha ang lakas ba naman ng pagsipa niya sa akin. Mabuti na lang at sa likod ako tinamaan hindi makikita.
"Why are you late again?" mahinang tanong ni Levy na hindi ko pinansin. Ano ba ito kakapikit ko pa lang namemeste na?
"Felia..." agaw pansin niya na kinalabit pa ako.
"Ano ba, Levy natutulog ako kaya wag kang maingay diyan, kung gusto mo ng kadaldalan, yang si Grace ang kausapin mo, huwag ako dahil matutulog nga ako!" Iritado kong singhal. Nakita ko ang pagyuko ni Grace dahil sa sinabi ko.
"Sa susunod na malate ka huhuliin na kita!" seryosong aniya.
"Huwag kang magalala, next time na malate ako itetext kita. At next time, huwag mo akong tatanungin kong bakit ako nalate kasi wala ka nang pakialam doon!" Sabi ko pag katapos at pumikit ulit ng mariin. Kimuyom ang kamay ko na nasa bulsa ko ng kumirot na naman ang likod ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Excuse me ma'am!" si Levy.
"Yes!"
"Masakit ang pakiramdam ni Felia dadalhin ko lang po siya sa clinic para mabigyan ng gamot," napamulat ako nang marinig ang sinabi ni Levy. I raised my brow and I looked at him, confused.
"O, sige na samahan mo na siya," sagot ni Ma'am Betty.
"Let's go!" yaya sa akin ng nakatayong si Levy.
"Hindi masama ang pakiramdam ko kaya anong pinagsasabi mo diyan, dito lang ako!" Pagmamatigas ko. Pigil na pigil ang pagdaing. Kapag gumagalaw kasi ako ay mas lalong kikirot. Hindi niya puwedeng makita ang pasa ko sa likod, sigurado ako na kapag nakita niya ay malalaman niyang nakipag away na naman ako, sigurado akong makakarating na naman iyon kay Grandpa.
"Are you okay, best?" umirap ako ng lumapit si Celine.
"Mukhang hindi niya kayang maglakad buhatin mo na kaya, Levy?" wika ni Celine na ngayon ay nakangisi sa akin.
"Anong pinagsasabi mo diyan bumalik ka nga sa upuan mo!" mahinang bulyaw ko.
Buwisit na babaeng ito. Mamaya ka talaga sa akin.
"Let's go!" Sabi ko nang akmang lalapit si Levy. Tumayo na ako at nauna nang naglakad palabas.
Itutuloy—