Felia
"Ma'am pinapatawag na po kayo ni Sir Feron!" ani ng kasambahay naming si Betchay na nasa labas ng pintuan ko. Hindi ako sumagot pero alam kung nandiyan pa siya at hindi pa umaalis.
Inayos ko ang damit ko. Kanina ay naka bihis na ako ng pantulog, dahil nga wala rin naman akong balak pang bumaba para kumain. Kaya lang ay sinabi sa akin ni Betchay kanina na bumaba daw ako mamaya para kumain. Iyon daw ang utos ni Uma. Kahit ayaw ko ay sapilitan akong nag palit ng damit.
Lumabas ako at tama nga ako na naroon pa si Betchay na nag aantay sa akin. Ngumiti siya. Tumango ako at nilagpasan siya. Sakto namang kakalabas din ni Vica sa kaniyang kwarto, ng makita ako ay agad niya akong inirapan.
Nauna siyang nag lakad. I mean mabagal siyang nag lakad sa harapan ko. kapag iniwasan ko siya. Kapag sa kabilang side niya ako pupunta ay hinaharangan niya.
"Tatabi ka o sisipain kita!" inis kung asik sa kaniya. Hindi niya ako nilingon. Tila hindi ako narinig.
Kinutungan ko siya. Agad Niya along nilingon habang hawak nito ang ulo niya. Nanlilisik ang matang sumugod siya sa akin.
Pero mabilis ko siyang tinulak.
Na ikinaatras niya. Agad sana siyang aataki ng bantaan ko siya.
"Subukan mong saktan ako hindi ako mag dalawang isip na patulan ka, kahit na nandito si Uma!" banta ko sa kaniya.
"Tama na po iyan mga Madame at baka makita o kaya marinig kayo ni Sir Feron—"
"Shut up!" sabay naming saad ni Vica. Mahina lang yon pero madiin ang pag bigkas namin.
"Tumabi ka nga!" sabi ko at itinulak siya. Agad niyang nahawakan ang braso ko. Dahil sa matalim na kuko niya ay ramdam ko ang paghapdi ng balat ko dahil sa diin ng pag hawak niya.
"Ikaw ang unang nanakit kaya bakit ikaw pa ang may ganang mag—"
"Tanga, ako ang unang nanakit pero ikaw ang unang nang asar, binalaan kita kanina pero hindi mo pinakinggan, tapos ngayong kinutungan kita kung maka asta ka akala mo kung nagkapasa o kaya naman nag karoon ng bukol yang ulo mo. E ang hina hina lang naman yon sadyang maarte ka lang talaga!" mahabang lintaya ko at malakas na binawi ang braso ko.
"Aasar talo ka lang kasi kaya ka nananakit!" sabi niya.
Inirapan ko siya at tinalikuran. nag lakad na ako at iniwan ko siya doon. Pag baba ko sa hagdan ay nasa gilid ko na siya.
"Babawian kita!"
"Tss. Edi gawin mo kung kailan mo gusto!" hindi ko siya nilingon pa.
"Napakayabang mo talaga!"
"Buti alam mo!" sagot ko.
Pumasok na kami sa dinning area. Nandon na silang lahat pati si Levy and naroon na rin. Tumayo siya at hinila niya ang upuan kung nasa tabi niya. Umupo narin ito pag katapos.
"Mabuti naman at bumaba kayong dalawa!" ani Grandpa.
"Opo Uma!" sabay naming sagot ni Vica.
"What's this?" tanong ni Levy habang hawak ang braso. Hindi ko mabawi dahil sa higpit ng pagkaka kapit niya. Salubong ang kilay habang nag hihintay sa sagot ko.
Nakatingin narin silang lahat. Si Vica ay hindi na mapakali. Alam kung may idea na silang lahat maliban nalang kay Uma.
"Kinamot ko lang yan!" ani ko at itinuon ang atensyon sa pagkain.
Itutuloy-