Chapter 19

1099 Words
Felia I've reading my notes for about an hour now, at wala pa ring pumapasok sa utak ko. Alam kong wala naman talaga akong pakialam kung mababa man ang makuha ko, pero siyempre, iba pa rin kapag hindi nagiisang bilog ang makukuha ko sa exam. "f**k!" malutong kong mura. I massaged my temples as I closed my eyes tight. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa walanghiyang notes na ito, ha? Mabuti Sana kung may natatandaan ako sa paulit-ulit kong pagbabasa, pero wala! May pustahan pa naman kaming magkaibigan na kung sino ang makakuha ng pinaka-mababa na marka ngayong first semester ay may parusang naghihintay na kaniyang gagawin. Mag-aalas dos na rin, at kape na lang yata ang nananalaytay sa dugo ko para lang hindi ako antukin. This sem be really giving me a headache, huh? Pwede bang mag-drop out na lang ako? Gosh! Inis akong napasabunot sa aking buhok. Napapadyak pa ako dahil sa inis. Bakit ba hindi ako pinanganak na matalino? E 'di sana sisiw lang ito sa akin? Out of frustration, kung ano-anong mga ideya na lang talaga ang pumapasok sa utak ko. Kung hindi natin makuha sa review-han, kunin natin sa kodigo. Ngumisi ako sa naisip kong iyon. Hindi rin naman ako natutuwa, at alam kong hindi ko rin naman iyon magagamit. I may be a bad girl, but I know when to stop. I just want my mind to believe that I will cheat on tomorrow's exam, but the truth is... I am just waking up my conscience to motivate me to review well instead. Amidst of writing down notes, muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang may nagsalita sa aking gilid. "What are you doing?" he asked as he crouched to see what am I writing. "What the heck?! Didn't you know how to knock first before entering my room, Levi?" I spat at him. Matalim ang mga matang ipinukol ko sa kaniya. Malakas pa rin ang dagundong ng aking dibdib dahil sa pinaghalong gulat at kaba. Mas nakadagdag pa ang lapit ng mukha niya sa akin. His breath smells like mint, and it's addicting. His presence was also intimidating. Parang mas lalo yatang walang papasok sa utak ko nito ngayong nandito siya at malapit sa akin. "Gumagawa ako ng reviewer," palusot ko. Alam kong duda siya sa sagot kong iyon, but I just tried my luck. He's smart at alam kong kahit na hindi ko sinagot ang tanong niya ay nalalaman niya kung ano ang ginagawa ko. "Hindi nakakatulong ang kodigo, Felia," aniya. It is not like I don't know that. Napairap na lang ako. "Sinabi na ngang gumagawa ako ng reviewer, e." I tried harder. Hindi ko pa nga naisasakatuparan ang madilim kong plano, nahuli na kaagad ako. "I already gave you notes and hand outs. You just need to study them. Now what was hard in that?" aniya. Napatunganga ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Gan'on ba talaga kapag matalino? Minamani lang ang pag-rereview? "Inaaral ko naman, 'no! Hindi lang talaga pareho ang IQ level natin kaya kahit ilang beses ko 'yang basahin, hindi ko kaagad makukuha kagaya mo, " I stated as a matter of fact. "Kung gusto mo, palit muna tayo ng utak kahit hanggang pagkatapos na lang ng exam." I poured as I looked away. "Hindi ka talaga nawawalan ng excuse, huh? You always find a way to get rid of your priorities," he spoke. "Oo na nga! Hindi ka rin naman talaga nauubusan ng sasabihin, 'no?" I rolled my eyes to him. "That's because you treat everything as a joke." "Lagi ka kamong may sagot. Whatever. Tulungan mo na lang kaya ako?" "No." diretso niyang sagot bago ako tinalikuran. "Ano, Levy. Hindi mo ba talaga ako tutulungan dito?" gigil kong tanong sa kaniya. Tumayo ako at namaywang. I saw him sit on my bed. "Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa'yo na wala nga akong naiiintindihan diyan sa mga notes mo?" iritado kong untag. "Okay, fine. Could you stop it with all your nags? Tutulungan na kita," pagsuko niya. I smirked at that. This is victory! *** "Ang daya. Bakit mas mataas ka sa akin?" nakasimangot na tanong ni Almira habang hawak ang test paper ko. "Anong klaseng dasal ba ang ginawa mo, Felia at nang masubukan ko rin?" natatawang tanong din naman ni Vica. "Hindi ako nagdasal," irap ko sa kanila. "Inisip ko lang kasi yung ipapagawa ko sa makakakuha ng pinaka mababang marka. In short, I motivated myself through that." pinaningkitan ko ng mata si Vica. "Okay class, good job sa inyong lahat." Our prof announced. "At wala namang bumagsak. Congratulations din kina Levy at Grace na nakakuha ng perfect score. Palakpakan natin sila," wika ni Ma'am Yna. Pumalakpak silang lahat maliban sa akin na puro irap lang ang ginawa dahil sa iinis. I just can't stand seeing Grace's smile. Hindi talaga tinatakasan ng bitterness ko, ha? Ano naman ngayon kung naka-perfect score? Tss. "Okay, guys. Ipapaalala ko lang iyong mga scene na gagawin niyo. Gagawin natin 'yon bago mag-exam ng second sem, but I want to see your outputs before hand." Pagpapaalala niya pa. Pagkatapos ng ilan pang paliwanag ni Ma'am ay dinismiss niya rin ang klase. Nagpaalam ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang mga lakad habang ako naman ay mag-isang pumunta sa cafeteria. Minsan, mas maganda nga iyong mag-isa ka. You get to have peace for yourself. Hindi naman ako naririndi sa mabubunganga kong mga kaibigan, pero may mga pagkakataon talaga na mas gusto kong mag-isa. I ordered pineapple juice. Hindi rin naman ako nagugutom. Gusto ko lang talagang tumambay dito habang nagpapalipas ng oras. Since mag-isa lang naman sa table ko, ipinatong ko ang aking paa sa upuang bakante at isinandal ko naman ang aking sarili sa likod ng aking upuan. I put my earphones as I listen to a random song on my playlist. Nakapikit ako habang nakikinig sa music nang bigla kong naramdamang may umupo sa tabi ko. Hindi ko na sana pakikialaman nang naramdaman ko ang maingat na paghawak sa aking ulo, kapangkuwan ay naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa balikat ng kung sino. The moment I opened my eyes, I saw Levi on my side. Kinuha niya rin ang isang earphone sa aking tainga saka iyon isinuot sa kaniyang tainga. "You can sleep comfortably now. I'll wake you up when it's time for our next subject, " he said as he closed his eyes while I was there, left dumbfounded while watching him. itutuloy—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD