Felia
I opened my eyes the next morning and grimaced when I felt the pain on my face. I groaned. Ramdam ko ang pamamaga nito kahit na hindi ko tignan pa sa salamin. It seems like I had to deal with this pain for a while.
Masakit ang ulo ko dahil sa hang over, kaya naman nakapikit pa akong bumangon at tatayo na sana, when I felt someone wrapped his arms on my waist at hinila ako pabalik sa pagkakahiga. He held me tighter and pulled me against his body.
A familiar scent atacked my nose. And I know it's him. Umirap ako. Pilit kung inaalis ang kamay niyang naka pulupot sa bewang ko. I looked at Levy I see his aqua-blue eyes roomed around my face. Medyo nahiya pa ako dahil sa itsura kung bagong gising. Idagdag pa ang pamamaga ng mukha ko dahil sa pagsampal ni Grace. At ang hininga ko. Kahit na naligo ako kagabi at nag tooth brush at nahihiya parin ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito? at nasaan ang kaibigan ko?" I asked. Mahina ang boses at iniwasan kung ilapit ang mukha ko sa kaniya.
Kumunot ang nuo ko matapos kung ilibot ang paningin ko sa lugar. Nakita ko ang mga gamit namin ni Levy. Bakit nandito ako ngayon sa kwarto namin. Kagabi ay sa kwarto ako ni Almira natulog. Dahil ayaw ko pa ngang maki pag usap kay Levy, dahil naiinis ako sa kaniya. Kaya bakit nandito na ako ngayon sa kwarto namin at masama ko pa talaga siya.
"She slapped you hard huh!" he said softly. Pero matalim ang mga mata nitong nakatingin sa pisngi ko. Ipinatong nito ang kaliwang paa niya sa binti ko ng pinilit kung umalis sa pag kakayakap niya. "Pero dapat hindi muna siya pinatulan pa!"
"Ano'ng gusto mo na hayaan ko nalang siyang sampalin ako?" patuloy parin ako sa pagpalag.
"No of course not!" he said. Trying to touch my face. Agad akong umiwas. Namamaga na nga hahawakan niya pa. Sampalin ko kaya siya at kapag mamaga pipisil-pisilin ko pa.
"Tss. Alam mo namang hindi ako papayag na inaapi ako, Kaya hindi ka na dapat magulat pa, " inis kung anang at tumigil na sa pagpalag. Nang hihina at napapagod ako dahil hindi talaga siya papatalo.
"I promise I won't let anyone hurt you. No one will hurt you again!"
Napailing ako.
"Kung hindi ka sigurado wag kang mangako!"
"I'm serious Babe! Kung sino man ang mananakit sa'yo ay malalagot sa akin." mas seryusong saad niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano'ng gagawin mo?" nag hahamon kung tanong.
"Maybe I hurt him/her!"
"Tss. Baka mapatay mo ang sarili mo!" ani ko at buong lakas akong pumiglas sa kaniya. Nang makawala ay agad akong tumayo at nag lakad papasok sa banyo.
Nang matapos sa pagligo ay naka bathrobe lang akong lumabas. Wala akong pakialam kung nakatingin si Levy. Umupo ako sa harap ng dresser. At duon tinignan ang mukha kong may kaunting galos. Dahil siguro sa matalim na kuko ni Grace.
"Let's treat your wounds so it would be heald faster and avoid infection!" he said nakaupo na ito sa kama at may hawak na itong first aid kit.
"Hindi na kailngan pang gamutin, gagaling din ito!" sagot ko habang sinusuklay ko ang buhok ko.
"Para mawala ang sakit!" ani Levy.
"Sanay na ako sa sakit kaya wag ka ng mag sayang pa ng oras para pilitin ako dahil hindi rin ako mag papagamot sa'yo!" I said habang nakatingin sa kaniya sa pamamagitan ng salaming nasa harapan ko. "Hindi naman masakit!" dagdag ko pa. I started to chuckled without any emotion.
"Wag kang mag aalala, kahit saktan nila ako, babawi ako!" sabi ko at tumayo na para mag bihis. Ngayong na ang alis namin.
Hindi na ako muling pinilit pa ni Levy. Pag katapos kung nag bihis ay naligo na siya. Ako naman ay nag simulang ayusin at ligpitin ang mga gamit ko. Pati ang kay Levy ay niligpit ko na rin.
Bago kami aalis sa hotel na ito ay kumain na muna kami. Nang matapos kumain ay agad na kaming nag tungo sa Lobby.
Handa na kaming umalis lahat. Gustuhin man naming mag stay pa kahit ilang araw pa ay hindi pwede dahil may pasok pa kami. Kanya kaniya kaming nag sikayan sa Van na mag hahatid sa amin sa Airport. Hinila ko ang maleta ko ng sinubukang kunin iyon ni Levy pero agad kung iniwas iyon.
"Kaya ko!" I said coldly.
Ako ang naunang sumakay, umupo ako sa unang upuan sa gilid, sa likod ng driver. Inilagay ko pa ang shoulder bag ko sa upuang katabi ko para walang uupo. Kinuha ko ang cellphone ko para nakinig ng music. Inilagay ko rin sa mag kabilang tinga ko ang ear pods ko. Nilakasan ko ang tunog ng music ko para hindi ko marinig ang ingay ng mga kasama ko. Agad akong pumikit mabuti nalang at naka shade ako.
Sila Grace at Gabby ay sa kabilang Van na sumakay. Napaka gandang deseyon. Mas maganda nga kung maiwan na dito ang babaeng yon. Nang mawalanna ang isa sa pestensa buhay ko. Nag mulat ako ng mata ng maramdaman ko ang pagkawala ng bag ko at nang may umupo a tabi ko.
"Nakalagay na ang bag ko diyan, talagang tatabi kapa sa akin hindi ba obvious na ayaw ko nang may katabi?" iritang anang ko. Nakapikit parin ako at hindi na nag abalang lingunin siya. Nag umpisa nang umandar ang sasakyan.
"Hindi rin obvious na galit ka at iniwasan mo ako!" ani Levy.
"Tss. Bakit ikaw lang ba ang pwedeng magalit at umiwas? tss. Umalis ka nga sa tabi ko!" pag tataboy ko pa. " Ang luwang luwang sa likod, duon kanalang o kung gusto mo lumipat ka ng Van at duon ka tumabi kay Grace!" asik ko.
"Kuya itigil mo ang sasakyan at lilipat ng Van si Levy para tumabi kay Grace!" ani Almira. Tumawa pa siya.
"Shut up!" gigil kung anas.
"Na shut up ka tuloy hahaha!" nakita ko pa ang pag pingot ni Almira kay Miguel bago ako nag iwas ng tingin.
"Umalis ka sa tabi ko!"
Levy stared at me silently. Sinalubong ko ang titig niya ng walang pag alinlangan. Ako ang unang umiwas. Hindi natagalan ang titig niya. Peste.
Nag laro lang ako saglit sa aking cellphone at nag scroll lang sa mga social media ko. At nang mag sawa ay natulog na lang ako. Hindi ako nag salita. Hindi ko siya kinausap o tinignan man lang. Basta nang magising ako ay nakapatong na ang ulo ko sa balikat niya. Agad akong umayos ng upo. At kinuha ang gamit ko. Bumaba na ang mga kasama ko. Naunang bumaba si Levy. Inalok pa nito ang kamay niya para tulungan ako sa pagbaba pero hindi ko iyon pinansin at bumaba nalang mag isa.
Hanggang sa makaupo kami sa Eruplano ay hindi ko talaga siya kinakausap. Sinusubukan naman niyang kausapin ako pero talagang hindi ko siya sinasagot. Ilang oras ang naging byahe namin. Pagod na pagod kaming lahat. Kaya naman ay tamad na tamad akong nag lalakad. Medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa matagal na pag upo.
"Ingat sa pag uwi!" ani Almira at hinalikan ako sa pisngi.
"Ilang araw ang panunuyo?" naka ngising bulong ni Celine. Inirapan ko siya.
"Tumahimik ka!" ani ko.
"Good luck, I support you!" Tumatawang ani niya.
Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos mag paalam sa akin at sa aming mga kasama ay sumakay na siya at si Almira sa kanilang sundo na kotche.
"Bye Pre," tinapik pa ni Miguel ang balikat ni Levy. "Bye Felia, pahirapan mo itong kaibigan namin hehhe!" aniya at kumaway pa at dali daling sumakay sa kotche niya nang ambaan siya ni Levy ng suntok.
Walang salita namang umalis si Ansel. Tumango lang siya. Ni ngumiti ay hindi niya ginawa. Basta nalang itong sumakay sa kotche.
"Ingat kayo Felia!" ani Gabby.
"Ingat din!" sabi ko naman at kumaway pa.
"Ikaw umuwi kana kung gusto mo sumakay ka ulit sa Eruplano at wag ng bumalik pa!" sarkastik kung anang kay Grace. Matalim ang mata nitong bumaling sa akin.
"Halikana Grace!" Ani Gabby. Hinila pa si Grace. Agad Naman itong sumama. Pero nilingon pa nito sandali si Levy at nginitian.
Kami nalang ni Levy ang narito. Napa kunot ang nuo ko ng wala pa ang sundo nya. Wag niyang sabihin na makikisabay pa siya sa akin. Hindi nga ako nag kakamali ng ilagay ng tauhan ni Uma ang maleta ni Levy sa loob ng kotche.
"May pera ka naman at bakit makikisabay ka pa?" I asked with a gritted teeth. Talagang naiinis ako sa kaniya.
"Ano'ng problema kung makiki sabay ako sa'yo?" He asked back.
I looked back to him with a glare. "Ayaw kitang kasabay, hindi mo pa ba ramdam iyon, tss. Ayaw nga kitang kausapin pero wala lang akong choice kailangan e!"
"Sumakay kana!" aniya at binuksan pa ang pintuan. "Hindi na ako sasabay sa'yo!" He sighed. Nag iwas siya ng tingin.
"Edi mabuti!" sabi ko at mabilis na pumasok sa loob, ako na nag nag sara ng pinto, padabog pa iyon. Nang aasar along kumaway sa kaniy. Hindi ko na siya nilingon pa.
"Let's go!" madiing wika ko sa driver. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan at nag simula ng mag maneho paalis doon. Hindi ko naman maiiwasang lingunin si Levy.
Naroon parin siya. Naka pamulsang nakatayo habang naka tingin sa sasakyan namin. Umiling ako at bumalik sa pag kakaupo. Malaki na siya kaya na niyang umuwi mag isa. Huminga ako ng malalim at pinigilan ko ang sariling kung lingunin siya ulit.
Pag dating ko sa mansion ay agad akong sinalubong ni Mommy at mahigpit akong niyakap. Hinalikan pa ako sa pisngi. Bumeso ako kay Uma. Pati kay Daddy at Grandpa. Si Vica ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at ngumiti ng pilit. Hindi Kasi alam ni Uma na hindi namin gusto ang isat isat. Wala si Kuya.
"Kumusta ang naging bakasyon niyo?" tanong ni Mommy.
"Masaya po!" magalang na sagot ko.
Umupo kami sa sofa.
"Mabuti naman kung ganon, Sapat na ba ang tatlong araw niyo doon?"
"Opo Uma,"
"Mabuti naman kung ganun, Nasaan nag pala si Levy at bakit hindi mo kasama?" tanong ni Uma na ikinalunok ko.
"Umuwi na po!" halos kumuyom pa ang kamay ko sa kabang nararamdaman ko.
"Bakit hindi ka hinatid? Gawain ba iyon na mabuting asawa?" madiin niyang tanong.
"Engaged palang sila Uma, hindi pa sila mag asawa!" hindi mapigilang Kumento ni Vica. Napangisi ako.
"Doon rin ang punta nila, kaya ano pa ba ang itawag ko don kung hindi mag asawa!" ani Uma.
Natahimik si Vica at hindi na muli pang nag salita. Nilingon ako ulit ni Uma. Hawak ko ang kamay ni Mommy. Nginitian niya ako.
"Malamang ay napagod yon sa byahe kaya hindi na naihatid pa si Felia!" saad ni Grandpa.
"Hindi ka dapat mapagod kapag ang asawa na ang involved, Lahat ay gagawin mo kahit na magiging asawa mo palang!" seryusong ani Uma. "Tama ba ako Felia?"
"Opo Uma!" tumango pa ako.
"Mag paghinga kana at tatawagan ko nalamang si Levy dito at may sasabihin ako sa kaniya!" aniya at tumayo na siya.
Tumayo na rin ako. Muli kung isinukbit ang shoulder bag ko. Pasimple akong inirapan ni Vica. Ngumisi lang ako at hindi na siya pinansin pa.
"Ija nagugutom ka ba?" tanong ni Mommy.
"Hindi po!" umiling ako at ngumiti.
"Okay, umakyat ka na sa kwarto mo at mag pahinga kana!" ani niya at hinaplos pa ang balikat ko.
"Mag pahinga na po ako Uma!" ani ko tumango naman siya. Nag lakad na ako paakat. Maya maya ay tumakbo na ako. Nang makapasok sa kwarto ay agad kung inilock ang pinto. At basta ko nalang na ibinato ang bag ko sa sofa. I decided to take a shower before going to bed. Wala naman masiyadong nang yari ngayong araw pero talagang napagod lang ako sa byahe.
I took off my all clothes. Hinayaan iyong malaglag sa sahig. Agad akong nag tampisaw sa bathtub. With my eyes closed. hinayaan ko ang katawan kung nabasa ng tubig. Talagang gumiginhawa ako kapag ganitong nag babad ako sa tubig. I stayed that for God knows how long before I opened my eyes. Naramdaman ko na hindi lang ako ang nag iisang nasa loob ng banyo.
"What are you doing here again?" Nang lingunin ko siya ay naka cross ang braso nito sa kaniyang dibdib, and cross his legs habang nakasandal siya sa pintuan. Hindi pa siya nag bibihis. Yon padin ang suot niya. Umuwi na ba ang isang to o talagang tinamad lang siyang nag bihis.
"I have a feelings that I need to be here for you!" walang ka abog abog niyang anang.
"Feeling mo lang iyon, kasi hindi naman talaga!" umirap pa ako. "Umalis ka na nga at magbibihis na ako!"
Ngumisi siya na ikinainis ko. "Nakain at nahawakan ko na iyan nahihiya ka pa sa akin!" ani niya na ikinapula ko. Tumaas ang kilay niya. "Gusto mo lang na kainin Kita Jaya nag tatampo ka—"
"Shut up, buwisit ka talaga umalis ka nga!" gigil ko siyang sinabuyan ng tubig. Tumatawa siyang umiwas. Walang tigil ko siyang sinabuyan ng tubig.
"Peste!" sigaw ko sa kaniya.
Itutuloy-