CHAPTER 24

1829 Words

PINAGMAMASDAN ni Bianca ang mukha ng kanyang ina. Tulog na ito nang dumating siya sa ospital. Nakausap niya ang doktor kanina. Ayon sa doktor, maayos naman na daw ang kalagayan ng kanyang ina at ilang araw na lang ay maaari na itong ilabas ng ospital. Maintenance na lamang ng pagkamahal-mahal na mga gamot at wastong pag-aalaga ang kailangan para sa tuluyang pagbuti ng kalagayan ng kanyang ina. Hinaplos ni Bianca ang noo ng nanay niya at mukhang naalimpungatan ito sa kanyang ginawa. Nagmulat ito ng mga mata. “Bianca…” Ngumiti siya. “`Nay. Pasensiya na kung nagising ko kayo.” Bahagyang umiling ang nanay niya. “Bihira kitang makita nitong mga nakaraang araw. Isinusubsob mo na naman ba ang sarili mo sa pagtatrabaho?” mahinang tanong nito. May kumutkot sa dibdib ni Bianca subalit hindi inal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD