The Wildest Dream Chapter 70 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Ano ba gusto mong ipunto sa akin Arnulfo?" kunot noo tanong ni Severino. Kinuha ni Severino ang bote ng alak at nagsalin siya ng alak sa kanyang baso. Kahit na nakita niyang wa la na laman ang baso ni Arnulfo ay hindi na niya ito sinalinan ng alak dahil ayaw niya itong malasing. Pero sa nakikita niya ngayon na namumula na ang buong mukha ng kanyang kaibigan ay alam niyang may tama na ito ng alak. "Hindi pa ba malinaw sa'yo ang gusto kong iparating sa'yo?" inis na sabi ni Arnulfo. Naiinis si Arnulfo sa kanyang kaibigan dahil nagmamaang-maangan pa ito. Alam at ramdam niyang nagseselos at nasasaktan ito dahil ikakasal na siya. Alam niyang iniiwasan din si

