The Wildest Dream Chapter 67 "Colfer, handa na ba ang lahat ng gagamitin mo?" tanong ni Martin. Seryoso nakatingin si Martin sa kanyang alaga na si Colfer na abalang nakatutok sa hawak nitong cellphone habang nakaupo ito sa sofa. Tinanong rin niya kung nagbasa na ba ito ng script? Hindi niya masasamahan si Colfer sa bayan ng San Roque dahil hindi lang ito ang kanyang hinahawakan na artist. Kaya naman nagdesisyon siyang humanap ng makakatulong ni Colfer sa tatlong buwan nitong taping. Kumuha siya ng isang personal assistant na magaling sa pagma-make up at marunong din sa stylist ng damit. "Okay na lahat ang mga kailangan ko bukas. Si Emma, na ang nag-ayos ng kailangan kong bukas. Buong araw kong binasa ang script pinag-aralan at kinabisado ko," tugon ni Colfer. Hindi na nag-abala

