The Wildest Dream Chapter 33 "Ano bang pinagsasabi mo Lane?" naguguluhan na sabi ni Eion. Gusto lang malinawan ni Eion kung ano ang ibig sabihin ni Lane sa kanya. Ayaw niya muna mag-react dahil baka mapahiya lang siya. Napapikit na lang siya dahil sinunggaban siya ng masuyong halik ng makisig na binata. Ninamnam niya ang bawat hagod ng labi nito sa labi niya. Dila sa dila at laway sa laway. Napayakap si Eion sa makisig na katawan ni Lane. Agad niyang nadama ang init ng katawan nito na nagbibigay init din sa kanyang katawan. Napapaunggol na lang siya sa masarap at masuyong halik sa kanya ni Lane. "Ikaw ang tinutukoy kong karelasyon Eion. Sa tagal ba naman natin nagtatalik at pagiging sweet sa isa't-isa ay impossibleng wala tayong nararamdaman sa isa't-isa. Alam mo bang tuwing kasama

