The Wildest Dream Chapter 46 "Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?" pag-aalalang tanong ni Lane. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalala ni Lane para sa kanyang kasintahan na si Eion. Lalo na hindi pa rin humuhupa ang kanyang galit kay Colfer. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ni Lane kay Colfer. Kapag nakita talaga niya si Colfer ay sisiguraduhin niyang sasapakin niya ito sa pagmumukha nito. "Malaking tulong ang ibinigay na pain killer ni Dr. Santos, sa akin," ngiting sabi ni Eion. Nabawasan naman ang sakit ng nararamdaman ni Eion sa may kanang tagiliran niya dahil na rin sa pain killer na ibinigay ng kanilang family doctor na si Dr. Santos. Nabigla na lang si Eion ng bigla siyang halikan ng kanyang kasintahan na si Lane. Nakahiga na ito sa kanyang t

