The Wildest Dream Chapter 35 "Sir Mickey, puwede ba kitang makausap?" tanong ni Eion. Nandito si Eion sa may dressing room na nakalaan sa GTV5 kasamang ang manager nilang si Sir Mickey. Naglakas loob na siyang lapitan ito ngayon para sabihin ang kanyang planong mag-audition sa V Studio. Nakausap na ni Eion ang kanyang kasintahan na si Lane na kakausapin niya si Sir Mickey ngayon. Natuwa siya dahil sinuportahan siya nito sa kanyang balak. Ngayon ay kaharap na niya ang kanilang manager na si Sir Mickey Pearls. "Sige…. Doon tayo sa labas," seryosong sabi ni Mickey. Parang alam na ni Mickey kung ano ang gustong pag-usapan ni Eion. Kagabi ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Severino Manalo. Hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng tawag sa isang sikat na aktor at modelong si Se

