The Wildest Dream Chapter 40 "Una sa lahat ay nagpapasalamat ako na ako ang napili ninyo bilang gumanap sa karakter ni Amadeus Del Rosario. Masasabi kong dream project ko ang ganitong konsepto ng isang pelikula. Simulang mapanuod ko ang "the jail love story" sinabi ko sa sarili ko na gusto kong mapasama sa mga ganung klaseng pelikula. Okey lang sa akin kung hindi lead role ang mapunta sa akin basta mapasama lang ako sa ganung klaseng pelikula," salaysay ni Severino. Nakaharap si Severino kina Kiel Santos, Miss Peachy Sy at Miss Chin Ventic. Samantalang katabi naman niya sa upuan si Direk Frank Torales. Nandito na sila sa loob ng Rald's Box Café kung saan nasa ibabaw ng lamesa ang mga masasarap na pagkain at cake's ng café. Kinuha na ni Severino ang pagkakataon na ito para magpasalama

