The Wildest Dream Chapter 56 "Gag* mo Lane! Anong ginagawa mo?" gulat na sabi ni Kaden. Nagulat si Kaden ng biglang makitang nakikipaglaplapan si Lane sa isang magandang babae. Sa isang sulok ng dance floor. Kanina pa niya ito hinahanap dahil nag-aalala silang tatlo para kay Lane. Nandito sila ngayon sa Altas Bar para kahit papaano ay makapagsaya sila ngayon wala silang trabaho ngayon. Nandito sila para mag-party magsayawan at mag-inuman. Hindi sila pumunta rito para humanap ng mga babaeng ikakama nila. "Ikaw pala iyan Pareng Kaden! Meron akong ipapakilala sa'yo kaibigan ni Aubrey," ngising sabi ni Lane. Wala naman masama kung makipaglaplapan si Lane sa ibang babae dahil sigiradong maiintindihan naman siya ng kanyang kasintahan na si Eion. Sigurado siyang masayang-masaya ito dah

