The Wildest Dream Chapter 26 "Sa limang miyembro ng grupong GTV5 bukod tanging ikaw ang pinagkakontrobersyal. Dahil kalat na kalat sa bawat sulok ng showbiz na ginagamit mo raw ang katawan mo para magkaroon ng project? Totoo ba iyon Kaden?" seryosong tanong ni Tita Rose. Sobrang tahimik sa loob ng studio. Ultimong live studio audience ay tahimik dahil inaabangan ng mga ito ang isasagot ni Kaden. Pati mga staff and crew ng show ay tahimik at nakatutok kay Kaden. Nakay Kaden ang focus ng kamera. Makikitang seryoso itong nakatingin kay Tita Rose. Ayaw niyang ipahalata na sobrang kabang-kaba siya ngayon. At gagawin niya ang lahat wag lang manginig ang kanyang kamay habang hinahawakan niya ang microphone niya. Gagawin din niya ang lahat na wag siyang mautal kapag magsasalita siya. Itina

