The Wildest Dream Chapter 61 "Direk Frank, alam ba ng asawa mo na nakipagtalik ka sa kapwa lalaki?" seryosong tanong ni Eion. Seryosong nakatingin si Eion kay Direk Frank na abala sa pagmamaneho ng kotse nito. Napatingin siya sa dinadaanan nila at nakita niyang makulimlim kahit mag-aalasingko pa lang ng hapon. Sigurado siyang malakas ang ulan na bubuhos mamaya-maya lang. Muli ay ibinalik ni Eion ang tingin niya sa matipunong direktor na kasama niya sa loob ng kotse. Bigla niyang naitanong na kung alam ba ng asawa nito ang ginagawa nitong pakikipagtalik sa kapwa lalaki? Naisip niya kasi ang kanyang Ninong Severino na nakikipagtalik ito sa kanya. Naisip niyang paano kung malaman ng asawa nitong si Tita Desiree na may katalik itong iba. Ang masaklap ay kapwa lalaki ang nakakatalik nito.

