The Wildest Dream Chapter 58 "Eion, congrats ulit sa pagkakakuha mo sa role ni Travin Villaroel. After natin mag-usap ay sasabak ka na sa one on one workshop with Direk Frank," ngiting sabi ni Miss Chin. Isa-isang kakausapin nila Miss Chin, Miss Peachy at Kiel Santos ang mga lead role ng pelikulang "ang init sa magdamag". Gusto nilang kilalanin ito ng personal para na rin maging magaan ang pagtratrabaho ng mga ito sa V Studio. Una nga nilang kakausapin si Eion Gaelic. "Salamat po Miss Chin. Salamat sa pagbibigay ng opportunity sa akin na bumida sa isang epic movie na ito," ngiting sabi ni Eion. Pinag-usapan nila Eion at nila Miss Chin kung kailan magsisimula ang taping. Pinapirma rin siya ng kontrata ng mga ito na nagpapatunay na kasali siya sa cast ng "ang init sa magdamag". Na

