CHAPTER 50: The Evil Ang lakas ng hangin ngayon dito sa labas. Kung okay lang sana ang kamay ko ay aakyatin ko itong puno ng mangga. Nasa labas ako at pinagmamasdan ko na lang ang bahay na saksi sa mga paghihirap ko. P'wede na akong lumabas at tumakas pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan si Stephen habang hindi pa siya magaling. Sobrang dami na nangyari at isa na lang ang gusto ang ipagtanggol ang aking sarili sa mga umaapi sa akin. Hindi magandang rason ang lahat ng mga paghihirap ko dito para umalis. Hinayaan ko silang pahirapan ako kaya ang sa tingin ko kailangan kong gawin ay magiging malakas at matatag. Hindi ako aalis dito hangga't hindi nila nakikita ang halaga ko bilang ako. Kailangan kong patunayan pa ang sarili ko sa kanila lalong-lalo na kay Stephen. Hindi ko narana

