CHAPTER 38: Alone Masayang umalis na sila Ian at Shaira. Hindi ko alam kung ilang days na sila absent. Masaya ako para sa kanila kasi kahit papaano ay bumalik na rin ang kanilang pagkakaibigan. Naging close na sila ulit. Dinala na rin ni Ian ang mga school works ko, halos siya lang din naman ang nag-answer no'n. Umaga sila umalis dito pero ang pinagtataka ko ay hindi man lang sila nagpaalam kay Stephen o kahit man dalawin lang muna siya sa kuwarto niya. Medyo okay na rin ang pakikitungo ni Shaira sa akin. Kinausap niya rin ako kahapon. Hindi ko inakala na mag-oopen up siya akin. Nagpasalamat siya sa akin dahil daw nagkaayos sila ni Ian pero hindi ko maintindihan kung bakit may sinabi siya tungkol kay Stephen. Bakit kailangan niya pagsabihan si Stephen na kung ano-ano? Kung nag-away

