Chapter 10.2: Scared “E-excuse me! What are you doing miss? Baka masira ang pintuan sa pagpupumilit mong buksan ito.” Nakita ko ang isang nurse na nagsalita at papalapit siya sa akin. “A-ayaw po kasing bumukas ng pintuan,” sabi ko nang makalapit siya at sabay yuko ko sa aking ulo. “Hindi required na i-lock ang pintuan ng isang patient at bakit kaya hindi ito mabuksan.” Sinubukan niyang buksan rin ang pintuan pero hindi talaga mabukasbukas. “Ahh, it's really lock. Baka nagkamali ka lang ma'am ng bibisitahin.” Tiningnan ko ang room number sa taas at hindi ako nagkakamali, tama naman. Imposible rin kung makalimutan ko ang room na ito. “Kung hindi ka nagkakamali ay baka kakalabas lang yata ng pasyente. Nasa itaas na palapag ako naka-assign kaya I'm not sure. Pero p'wede kong tingnan

