Chapter 6: God is good Maaga akong gumising at umalis sa bahay. Sa tingin ko hindi na ako hahanapin ni Tita. It's now already 6:25 A.M. Today is Thursday at dinala ako ng aking mga paa sa simbahan. Ang malapit na simbahan na ito ay kung saan ako dinala ni Mommy noon. Hindi naging maganda ang epekto noon sa akin ang pag-iwan ni Daddy kaya naging malaking bahagi ang simbahan na ito sa akin. Akala ko tanggap ko na ang lahat, pero nahihirapan pa rin ako. Tanggap ko na wala na nga si Daddy pero ang pag-iwan ni Mommy sa akin ang sa tingin ko ay mahirap din na tanggapin. Pumikit ako at dinamdam ang malamig na hangin at katahimikan ng simbahang ito. Nami-miss ko sila. Gusto ko silang makita at mayakap ng mahigpit. Gusto ko ring tanungin sila kung bakit kailangang iwan ako. Pero hindi

