CHAPTER 66: Something Wrong May ibang mga bisita naman na kasama ni Stephen nakaupo sa stage pero mga nasa twelve na katao lang sila kasama na ang speaker. Rinig kong marami pang sinabi si Stephen pero hindi na ako nakinig pa. Ang daming nangyayari sa araw na ito na mas kinagugulo ng isipan ko. Huminto ang aking paningin sa mga kasama ni Stephen sa stage nakaupo. Nasa gitna siya ng lahat kasama na rin ang mga judges. Masaya siyang tumitingin sa mga estudyante rito. Gaya nga ng sabi ni Stephen ay madali lang akong makita at mapansin dahil naka dress ako. Alam kong nakatingin siya akin. Ngumiti siya ng malawak at tinatanaw si Stephen sa kinauupuan nito. Subukan niya lang may gawing masama at siguradong magkakagulo rito. “Hey, what’s wrong?” Akala ko binaba na ni Stephen ang tawag per

