Chapter 03

3486 Words
The first day he made my heart fluttered. Gabi na at mag-isa ako ngayon sa condo namin ni Samy. Nandoon nga siya sa mga parents niya ngayong weekend 'di ba? E sino ba naman ako para hindi siya payagan. Eto lang naman ako e. Walang hanap-buhay, walang pangarap sa buhay, walang modo, walang pakialam sa mundo. Charot. Nag-drama ako kasi boring ako! Kayo ba naman ang maiwang mag-isa sa ilalim ng malamig na gabing... walang kayakap, walang kasamang matulog, walang kasamang mag-movie night, walang ka-asaran, walang nag-aalaga. Haaay... Pero–! Huh! Ok lang na wala akong kasama ngayon dahil susulitin ko muna ang gabing ito para mag-celebrate. Wala namang espesyal na okasyon ngayon. Pero dahil kay Shan babes ko ay... meron! Bongga! OMG! Akalain niyo 'yon?! Interested din siya sa akin! Ganda talaga ng isang Sandoval! Pangalan ko pa nga lang e nanghihila na! Sa'n ka pa?! Pero nagulat talaga ako. One hundred one percent na gulat! Baka tanungin niyo pa ko nang, "pa'nong gulat? Tingin." Mga ganyan. Pero nagbabasa lang kayo kaya through words na lang. Naka-kain na rin naman ako. Actually, nalagay ko pa nga sa kawali 'yong dishwashing liquid no'ng nagluluto ako e, napagkamalan ko kasing mantika, hehe. Alam niyo na... Tanga lang. Pero inulit ko naman. Iyon nga lang, sayang 'yong dishwashing liquid! Yawa! Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at naka-tihaya habang parang bulate na hindi mapakali dahil sa putang inang kilig na 'yan. Ba't kasi easy-to-get ka masyado Lubid, ha?! 'Yan tuloy inaabusado ka na ng mga lalaking 'yan! "Shan my loves!!!! Omskrrrt!" Sigaw ko habang nakatakip sa mukha ko 'yong unan ko. Hmmm... amoy panis na laway pa ah. Tinanggal ko ka-agad ang mukha ko roon dahil baka mag-ka-pimples pa ako. Tsaka ang baho kaya! Umayos na ako ng higa dahil 'yong napkin ko ay tumatabingi na. Pang limang araw ko na ngayon dahil 5-7 days ako mag-regla. Oh 'di ba! Pati ayan sinabi ko pa! Ano ba kayo... aq lng 2. Haayy... at dahil wala na talaga akong magawa ay tinawagan ko na lang si Samira. After ng limang ring ay nasagot na rin sa wakas! [Hello? Bakit?] "Hoy! Limang ring bago mo sinagot! Pa-VIP ampupu! Ano ka gold?!" Tiningnan ko 'yong cellphone at nakita kong binabaan niya ako. Aba?! "Tangina." Napa-smirk na lang ako with hindi makapaniwalang mukha. Grabe 'yon ah. Natapakan 'yong pride at ego ko doon ah. Si Luha na nga lang! Oh 'ta mo! Ni wala pang pangalawang ring e sinagot na agad! Wala ka pala Samira e! [Hello? Waeyo? Mwoya? Eottoke? Jinjja?] At syempre ako na ang nag-baba. Wala naman kasing mapag-kwentuhan 'tong feelings ko ngayon e! Ganyan naman talaga sila... nandiyan lang sila 'pag may kailangan sila sa 'yo. Sasabihan ka nilang nandiyan lang sila lagi 'pag kailangan mo sila pero 'pag down na down ka na talaga e mawawala naman sila. Ano ba!!! Wala akong mapag-kwentuhan ng matino! Ang hirap talaga 'pag 'di ka marunong maki-salamuha, wala kang friends! Haayy... 'di bale na nga lang matutulog na ko kesa naman gano'n 'yong mga makaka-usap ko. Kinabukasan ay nagising ako ng ala-sinco dahil sa naririnig kong ingay mula sa taas. Putangina. Buti na lang si Shan babes agad ang naisip ko kaya kahit papaano ay nabawasan din 'yong inis ko. Sinubukan kong matulog ulit pero hanggang subok na lang talaga. Ang ingay talaga, mga punye–! Nag-hilamos na lang ako ng mukha at nag-tooth brush kasi putangina talaga. Ala-sinco pa lang e kung anu-ano na ang ginagawa ng mga hayuf. Pagka-tapos kong gawin iyong morning routine ko ay pumunta na ako sa kusina at nag-timpla ng kape. Kumain na rin ako ng tinapay dahil bad trip ako. "Ang aga-aga mga putangina. Weekends na nga lang 'yong pahinga ko e. Mga buwisit! Mga salot sa lipunan!" Reklamo ko habang umiinom ng kape at naka-taas pa ang isang paa. Tiningnan ko iyong cellphone ko nang may nag-text. Si Samira, ang sabi ay sunduin ko raw siya mamayang hapon sa bus terminal. 'Di ko siya ni-reply-an, bad trip ako e! Pagkatapos 'kong nag-almusal ay naglinis na ako ng condo. Grabe ang dumi pala. May nakita rin akong yakult na panis doon sa cabinet ko, iyon 'yong itinago ko pa doon last last month kasi kukunin na naman ni Samy. Ala-una na ako natapos dahil nag-laba na rin ako. Pati mga b*a at panty ni Samy ay nilabhan ko na rin. Nagpahinga ako ng isang oras at naligo na. Ang baho ko na, OMG! Pagkatapos ko ay nag-bihis na ako dahil susunduin ko pa si Samira. 'Di na ako mag-rereklamo dahil alam ko namang may pasalubong iyon sa akin. After kong mag-bihis ay chineck ko ang cellphone ko na kanina pa naka-charge. Buti na lang hindi nasunog 'tong condo. Nag-text na si Samira, alas-tres pa raw siya makakarating kaya mamaya na lang daw muna ako pumunta, pero aalis na ko dahil mag-gagala pa ako. Nag-commute na ako papunta sa malapit na mall doon sa pag-hihintayan kong terminal. May pera pa naman ako kaya gora! Pagkarating ko ng mall ay pumunta agad ako sa mga bilihan ng damit. OMG!!! Ang daming sale!! Kumuha ako ng mga oversized t-shirt, skirt, tops at mga jeans. Kumuha rin ako no'ng mga pang koreana. Sumasabay lang sa uso. Habang nag-susukat ako ay nag-text na si Samy na nasa terminal na raw siya. Kaya naman ay dali-dali akong nagpalit ng damit ko at pumunta sa counter para bayaran 'yong mga kinuha ko. Habang tumatakbo ako palabas ng mall ay biglang may bumangga sa akin. "Aray, kuya! Nagmamadali 'yong tao e!" Reklamo ko habang pinupulot iyong mga paper bags na naglalaman ng damit. "Sorry. Hindi ko nakita, saan ka ba pupunta?" Biglang kumabog ang puso ko. Pamilyar iyong boses kaya naman ay agad-agad akong lumingon sa lalaking bumangga sa akin. Si Shan my future. "Ha? Ah... ano... wala." Tumawa ako nang napaka-awkward. "D'yan lang... sa tabi-tabi." Sagot ko. Nenenerbyos ako, ano ba?! "Ah... okay?" Patanong niyang sagot. "Hatid na kita, gusto mo?" Aya niya. Hatid? Saan? He? Neke 'weg phe merepek phe eke eee!!! "Ah, naku 'wag na. Ok lang. Diyan lang naman e. Salamat na lang." Nahihiyang sabi ko. "Sure ka?" Napalingon ako sa kaniya. "I mean, wala bang mga masasamang tao d'yan? Baka pag-trip-an ka nila?" Ako? Pag-tri-trip-an? Ayos lang... sanay naman na ako e. Ganiyan naman talaga sila. Papasayahin nila 'yong isang tao kapalit ng pag-trip-an ako... kaya ayos lang... "Ako ng bahala do'n. Tsaka... don't underestimate me Mr. I don't need any protection coming from a man." Saad ko na may maraming confidence. Taas-noo ko pa 'yang sinabi ha. He giggled. "Sige, sabi mo e." Amfufu! Ang pogi niya. Habang nakatitig sa kaniya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Samy! Asaan na daw ako?! Wait lang gurl... lumalandi pa ang lola mo! Tsaka mayaman 'to! "Ah... ano... S-Shan, alis na 'ko ah? Hinahanap na kasi ako no'ng kasama ko." Sabi ko habang hinihimas ang batok. "Gano'n ba? Sige... ingat ka." "Sige... ikaw din. Salamat ulit." Sabi ko at dahan-dahang umalis. Pigilan mo 'ko, please. Pigilan mo 'ko. Charot... baka isako pa kita at iuwi sa amin 'pag pinigilan mo pa 'ko. Binilisan ko na ang pag-lakad papunta sa bus terminal. Ang daming tao ngayon dahil linggo. Pero binilisan ko pa rin dahil sermon ang aabutin ko. Pagdating ko sa terminal ay inilibot ko agad ang paningin ko. Wala akong makitang Samira. Hanggang sa hindi na talaga kaya ng mga mata ko ay nagtanong na ako sa isang lola nakaupo sa hintayan ng bus. "Excuse me po..." Nilingon ako ni lola. "Ano 'yon, iha?" Nakangiti niyang saad. "Ah... itatanong ko lang po sana kung may nakarating na pong bus galing pong Navotas?" "Navotas? Wala pa... maya-maya pa ang dating no'n." Lintek na Samirang 'yon. "Ah.. gano'n po ba? Sige po, salamat po." Ngumiti ako kay Lola. After kong magtanong ay tinawagan ko si Samy. Wala pang pangalawang ring ay nasagot niya na. "Lintek ka! Hindi pa pala nakarating 'yang bus mo!" Galit kong sabi sa kaniya habang nakapamewang. Tumawa siya pagkatapos'kong sabihin iyon. [Ayokong ako 'yong naghihintay 'no. Tsaka malapit na rin naman. 'Wag kang mag-alala. D'yan ka lang ah?] Tinapat ko sa bibig ko iyong cellphone at minura siya, "tangina ka," pagkatapos no'n ay ibinaba ko na ang tawag. Nakakainis!!!!! Nakaka-putangina!!!! Bwiset!!! Iniwan-iwan ko pa do'n si Shan sweetie pie para lang sa putanginang 'to! Umupo muna ako para kumalma dahil frustrated ako! Uminom rin muna ako sa tubig na binili ko kanina. Naghintay ako ng isang oras sa terminal dahil ang sabi ni Samy ay malapit na raw siya. Lapit 'no? Isang oras. Grabe! Hayop! Maya maya pa ay dumating na rin sa wakas ang bus na sinasakyan ni Samy. Tumayo ako agad at inabangan siya. Pagkalapit ko naman ay bumaba na rin siya, kaya naman ay binato ko siya no'ng plastic bottle na pinag-inuman ko kanina. "Ahh!" Nilingon niya ako. "Tangina mo!" "Tangina mo rin. Isang oras akong nag-hintay dito no'ng sinabi mong malapit ka na." Kinuha ko iyong ibang dala niyang bag. "Naiinis ako sa 'yo, Samira. Gusto kitang i-umpog doon oh sa pader." Turo ko. "Sorry... akala ko kasi malapit na talaga e... huminto-hinto pa 'tong bus..." Ganito kami. Kapag may naiinis na sa amin na dahil doon sa ginawa no'ng isa ay sinasabi namin nang mahinahon. Tsaka 'pag ganoon na ang outcome no'ng mga ginawa mo ay nakalagpas ka na ng limitations. Kahit pa mag-best friend kami ay nagdadamdam rin kami sa isa't-isa. Inirapan ko na lang siya at nag-simula ng mag-lakad para mag-abang ng taxi. Binilisan niya rin ang pag-lakad niya at patuloy lang sa pag-so-sorry sa akin. "Uyy. Sorry na. May pasalubong naman ako sa 'yo e." Nabuhayan dugo ko doon ah! No! Kailangan ko pa ring um-acting dahil hindi ko deserve 'yong ginawa niya sa akin. "Sige na nga." Charot! Pasalubong na 'yon e, tatanggi ka pa ba? "Pasalubong lang pala katapat mo e!" Pag-irap niya. Pumara na ako ng taxi at inilagay ang mga dala-dalang abubot ni Samy sa compartment no'ng sasakyan. Tinulungan din naman kami ni kuyang taxi driver. Pagkatapos naming ilagay ay nagpa-deretso na kami sa kinaroroonan ng condo namin. Pagdating namin sa condo ay agad kong binuksan lahat no'ng mga dala-dala ni Samira, at siya naman ay humilata sa sahig dito sa living room ng condo namin. "Uy, ba't garlic 'tong piattos?" Tanong ko kay Samy habang binubuksan naman iyong mga dala-dala niyang damit. "Tanong mo sa mama ko." Walang gana niyang sagot. Actually, sa kaniya naman 'tong mga chichirya e. Hindi nga lang siya kumakain dahil masama daw sa katawan sabi no'ng ex niya noong 4th year high school kami. 'Di niya pa rin nakakalimutan 'yon e. Lakas tama. "Tsaka itong damit bakit gan'to? Lakas maka-two joints." 'Yong damit kasi may 'you and me' na nakasulat sa harapan, tapos 'yong design pa floral. Throwback Thursday gano'n? "Lakas mo maka-reklamo ah? Sa 'yo ba lahat 'yan?" Tumayo siya at kinuha 'yong bag na may mga damit niya. "Gisingin mo na lang ako 'pag kakain na. Ikaw na bahala d'yan." Lumakad na siya papuntang taas. Kaso may naalala ako. "Wait!" Tumingin siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Sa 'kin na lang 'tong necklace na may 'S', ha?" Tumango siya. Yes! Pagkatapos no'n ay nagpatuloy pa ako sa paghahalungkat no'ng mga dala niya. Naglinis na rin ako at ako na rin ang nag-luto. Pagkatapos ng mahabang araw na halos paglilinis ay nagkaroon na rin ako ng oras para matulog, dahil sasabak na naman kami bukas sa labanan nang mga brain. Kinabukasan ay si Samira ang maagang nagising at siya na rin ang nag-luto ng almusal namin. "Naks naman! Naka-tocino!" Malakas kong pang-iinis kay Samy. "Ilan binigay na allowance mo?" Tanong ko. "Sapat na para sa buong pagkatao mo." "Oky pi." Naupo na lang ako at nag-sandok na nang kanin. Nagpatuloy lang kami sa pagkain at no'ng natapos ay ako na ang nag-hugas ng mga pinggan. Mamayang alas-dyes pa naman ang klase ko kaya hindi pa ako nakakaligo, ni nakakapag-suklay. Umuna na rin si Samy dahil maaga daw ang pasok niya. Alas-otso ko na naisipang mag-ayos dahil kailangan ko pang pumasa, baka itapon na lang ako ng mga magulang ko 'pag hindi ko nagawa. Sa jeep na ako sumakay dahil magastos at nakakatakot 'pag sa taxi. Lalo na at babae ako. Alam niyo 'yon? Iyong araw-araw kang nag-aalala o nababahala kung makakauwi ka pa ba ng ligtas, kasi hindi mo naman alam kung ano bang tunay na intensyon nang mga taong nakakasalamuha mo. Iyan talaga ang iniisip ko sa tuwing umuuwi ako galing sa school o kahit sa mga gala. Pagdating ko sa university ay sinadya kong dumaan sa building nang mga architecture students. Syempre, binagalan ko pa iyong pag-lakad ko, baka sakaling... alam niyo na..." Habang lumalakad ako nang mabagal ay may biglang tumawag sa akin. "Miss!" Sabi ko na nga ba e! Bukas dito ulit ako dadaan. Unti-unti kong nilingon iyong nagsalita at masayang nakangiti. "'Yong panyo mo, nahulog." Turo niya sa panyo ko. Tangina! Akala ko si Shan my loves. Buwisit. Tapos hinawi-hawi ko pa 'tong buhok ko. Ogag. "Ah... hehe... salamat." Nahihiya kunwaring pasasalamat ko, pero sa totoo lang ay gusto ko siyang pasabugin. Kasi naman, binigyan niya ako ng false hope. Alam ko wala siyang kasalanan pero... naiinis talaga ako e. Pake niyo ba?! Dumating ako nang classroom namin nang may sama ng loob. Binati na rin ako ni Tearney pero sinungitan ko siya... pero nag-kuwento rin ako sa kaniya. So in-short, alam na niya 'yong tungkol kay Shan. Lumipas ang buong mag-hapon ay bad trip pa rin ako. Umuna na rin ako at hindi na hinintay pa si Tear at Samy. Bibili pa kasi ako no'ng kailangan ko sa project namin. Habang naglilibot-libot sa school supplies doon sa isang mall na madalas kong puntahan ay may tumawag sa akin. "Caitali." Nilingon ko ito at– OMG! Si Shan!!!!! "Shan..." Gulat kong sabi. "Mag-isa ka lang ba?" Tanong niya. Mag-isa lang ba ako? May nakikita ka bang kasama ko, ha? Bulag ka ba, babe? "Ah... oo." Sagot ko. "Dito ka rin ba bumibili ng mga gamit mo?" Tanong ko, at para naman may ma-topic kami. "Simula ngayon, oo." Napa-kunot ang noo ko. "O-okay?" Hindi ko gets, e. "Pwede ba kitang... samahan?" Biglaang nag-aalalangang tanong niya. Sa pagtanda? Sure, why not? "Sa pamimili?" Tanong ko at tumango naman siya. "Sige." Ngiti ko. Pagkatapos no'n ay tinanong niya ako kung ano nga ba daw ang mga bibilhin ko, syempre sinabi ko rin naman... pero 'di ko na sinama 'yong napkin. Habang nasa hygiene products area ako ay nag-text si Luha. Nasa school supplies pa rin si Shan. ?Luha?: Hoy! Kasama mo na ba 'yong Shan na sinasabi mong future mo?! Me: Oo. Bakit? Pa'no mo nalaman?!" Nag-reply naman siya agad. Mga 2 minutes. ?Luha?: Gagi! Tinanong niya sa akin kung nasaan ka daw at sinong kasama mo. Tapos sabi niya hinihintay ka daw niyang dumaan sa building nila, kaso 'di ka pa daw dumaan, kaya pumunta siya dito sa building natin kaya lang hindi ka niya mahanap, tapos ako na lang pinagtanungan niya since ako daw lagi niyang nakikitang kasama mo. ?Luha?: haba no'n ah? 57 pesos, dahil 57 word 'yon. asahan ko 'yan bukas. Hindi na ako nag-reply kay Samy pagkatapos no'n. So... hinihintay niya ako? At... paano niya nalaman na si Tear ang lagi kong kasama? O M G ! ! ! Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!! Pinuntahan niya pa ako dito?! Ha?! Umuwi na kayong lahat!!! May nanalo na!!! Bwahahahaha! Bad trip talaga 'yong lalaki kaninang umaga. E 'di sana hindi na nag-pakahirap pang pumunta dito si Shan. Charot! 500 meters lang naman ang layo nitong mall sa university, e. "Cai. Tapos ka na ba?" Biglang pag-sulpot ni Shan. Itinago ko na agad ang cellphone ko sa bulsa ko dahil 'yong bag ko ay naiwan sa counter nitong mall. "Ha? Ah, oo." "Ako na magbitbit niyan." Sabay kuha niya doon sa dala-dala kong mga gamit ni bibilhin ko. Hindi na ako naka-angal pa dahil inaya niya na ako papunta doon sa counter para mabayaran na iyong mga kinuha namin. Kumuha rin siya nang mga iba't-ibang lapis na pang-drawing. 'Di ko alam 'yong mga 'yon kasi hindi naman blessed 'yong kamay ko, e. Nakakainggit rin 'yong mga taong marunong at magaling mag-drawing, 'no? Ma-a-amaze ka na lang talaga. Siya na lang ang nag-presintang pumila sa counter at pina-upo na lang ako doon sa mga upuan para sa mga disabled, seniors at mga preggy women. Since kaunti naman ang tao ngayon at wala naman akong nakikitang mga may pangangailangan na tao ay umupo na rin naman ako doon. Habang naghihintay ay biglang may nag-text sa akin. Unknown number: ayos ka lang? Unknown number? Sino 'to? Hindi ko na ni-reply-an iyong nag-text sa akin baka masamang loob lang na nag-random text. Nang biglang nag-text ulit siya. Unknown number: si Shan 'to. ano? ayos ka lang? Napalingon ako sa kaniya na nakapila sa counter. Ang cute niya. Hinihintay niya 'yong turn niya. Hehe. Nakatingin na pala siya sa akin bago ko siya lingunin. Ngumiti siya sa akin at tinanong ako kung ayos lang daw ba ako ng walang tunog. Ayos lang basta ikaw kasama ko sa pagtanda. Tumango naman ako sa tanong niya at saka ngumiti. Turn na niya para mag-bayad sa counter kaya umiwas na siya ng tingin sa akin at nag-focus doon kay ate girl na cashier. Luh! Sumasapaw. Nang makita kong patapos nang mag-lagay no'ng mga binili namin 'yong kasama ni ate girl na cashier doon sa plastic ay tumayo na ako at lumapit kay Shan, Caitali's property. Period. With bakod. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang sa kaniya ay tinanong niya na ako. "Gusto mong mag-street foods?" Ha? Wala akong pera, e. Ano ba naman 'yan! Wrong timing ka rin pala, mahal! "'Wag kang mag-alala. Libre ko." Dagdag pa niya. 'Yaaaan! 'Yan ang gusto ko sa lalaki! Maraming pera! Charot! Joke lang po... clout chasing lang po... "Sure ka?" Napalingon siya sa akin. Kinukuha na namin ngayon 'yong bag namin. "I mean... matakaw ako sa street foods..." Natawa siya. "Gano'n ba? 'Wag na pala, baka mabenta ko na pati lupa ni Daddy." Tumingin ako sa kaniya. Grabe naman 'to. Na-out of words ako. "Amina nga 'yan." Padabog kong inagaw sa kaniya 'yong mga binili namin at naunang mag-lakad. Tumawa siya at sinundan ako. "Uy. Joke lang." Kinuha niya iyong mga dala-dala ko. " Eto naman, joke lang. Ako na mag-hahawak." Mag-kasabay na kaming nag-lalakad ngayon. "Nag-ready ako." Bigla naman niyang sabi. "Ha?" Tanong ko sa kaniya. "Nag-ready ako kasi alam ko." "Ang alin?" "Wala." Lumingon siya sa akin. "Tara na." Habang kumakain kami ng nuggets ay biglang may tumawag sa kaniyang isang grupo ng mga lalaki. "Tol!" Tawag no'ng isang lalaking naka-mullet hair kay Shan. "Uy." Ganti naman ni Shan. "Kaya pala, ha? Ang aga-aga mong umalis may binabakuran ka na palang engineering student, ha?" Pang-aasar niya kay Shan. Nginitian naman niya ako pati no'ng mga kasama niya. "Kaya nga." Singit no'ng isang lalaki na naka clean cut ang buhok. "Kami na tumapos no'ng miniature kanina." "Tss. Sige na, sige na... libre ko na lang kayo bukas." Nahihiyang sagot naman ni Shan. Nakakahiya ah. Parang kasalanan ko pa tuloy kung bakit hindi na nakasama itong si Shan sa paggawa no'ng output nila. "'Yon! Sabi mo 'yan ah. Asahan namin 'yan." "Oo na. Oo na." Pag-himas ng batok ni Shan sa sarili niya. "Sige, tol." Lingon nila kay Shan. "Miss ma'am." At sa akin naman. "Una na kami." Paalam nila. "Enjoy your street foods date!" Kantsaw nila sa amin. "Mga baliw." Saad ni Shan. Lumingon ako sa kaniya at lumingon rin siya sa akin. "Ayos ka lang?" Tanong na naman niya. "Pang-ilang beses mo ng tanong sa 'kin 'yan." Tumawa siya. "Syempre, baka na-bo-bore ka na, e." "'Pag ikaw ang kasama ko, never akong ma-bo-bore." Bulong ko. "Ha? Ano 'yon, sorry. 'Di ko narinig." "Wala. Bilisan na natin 'to. May gagawin pa ako mamaya." "Gano'n ba? Ba't 'di mo sinabi? Sige, bilisan na natin." Pagkatapos no'n ay binilisan na namin ang pagkain. Hinatid niya rin ako sa condo namin ni Samy. "Sige, dito na ako. Baka ma-abutan ka pa ng gabi." Sabi ko sa kaniya. "Sige. Bukas ulit." "Ha?" Gulat na sabi ko. "Bakit, ayaw mo ba?" Tanong naman niya. "Ah.. naku.. hindi. I mean. . . okay lang." Nahihiya kong sagot. "Sige. Puntahan kita sa building niyo bukas." "O-Okay." Nahihiya ngunit nangingiti kong sagot. Ano ba 'yan! Landi mo Cai! "Sige na, baka magabihan ka pa." "Sige. Man-liligaw na ko bukas, ah? Sige una na ko." Biglang takbo niya. Ha? Ligaw? Ligaw daw? Nata-meme ako ng ilang segundo. "I-Ingat." Mahinang sabi ko. Pumasok na ako ng condo ng naka-ngiti. ************************************ Iyon ang mga na-alala ko pagkatapos kong malamang may amnesia na pala si Shan. Iyon ang unang araw na nagawa niyang patibukin at pasayahin ang puso ko. Na ako na lang ang makaka-alala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD