NARIRINDI na si KC sa panunukso ng dalawa niyang kaibigan nang magtungo sila sa lababo. Kahit ilang irap pa ang ibigay niya sa mga ito ay hindi talaga titigil ang mga ito. Ilang beses na rin niyang sinaway pero mas grumabe ang panunukso ng mga ito sa kanya. Malapit-lapit na niyang lagyan ng renda ang mga bibig ng mga ito dahil naririndi na siya sa kakatalak ng mga ito sa kanya. Pero nakakapagtimpi pa naman siya. Ipanalangin na lamang niyang hindi mapundi ang pagtitimping iyon para sa mga kaibigan. “Yung totoo, KC. Ang haba ng hair mo,” kinikilig na turan ni Amira sa kanya. Hinaplos pa nito ang buhok niya for emphasis. “Oo nga. Nakakainggit. Tatlo tayo roon pero sa'yo lang ang tingin ni Papa Nate at Papa Marcus. Havey na havey ang lola mo,” malanding wika ni Claire. “Oh sa'yo na talaga

