"Is that a proposal already? That sucks!" malakas na sabi niya rito. Wala naman kasinb karoma-romantiko sa katawan ang lalaking ito. Siyempre sinong babae ba naman ang may ayaw na mag-propose ang mahal nila sa romantikong paraan. Lahat ay gusto ang ganoon with matching pa-surprise, flowers, balloons, ring and everything pa and if this is a proposal, she's doomed. Wala man lang karoma-romantiko sa katawan ang lalaking ito sa pag-propose sa kanya. Ni walang paluhod at pahugot ng singsing! Inismiran niya ito. This is not what she dreamt of. Mabuti pa ang ibang lalaki kahit na sime ang buhay ng mga ito ay nagawa pang i-surprise ang mga minamahal nila nang bongga. Samantalang itong lalaking ito, napakayaman pero wala. Ni isang balloon ay wala. Lugi siya rito. At kung malalaman ito ni Loui ay

