Just the two of us...

1034 Words
Nagsipag uwian na ang mga kasama nila Samantha at sila na lang ang natitira sa resort.. Inaantay na lang nya si Mateo at nagpaalam itong may zoom meeting lang ang binata.. Sa bagong business venture ang pag uusapan ng binata at ng ka-meeting nito.. Mukhang mahaba ang pag-uusapan nila kaya naisipan ng dalaga na pumunta ng cafe para malibang naman. Maganda ang view sa cafe ng resort kaya nagustuhan ng dalaga. "It was nice seeing you here baby" , sambit ng isang baritonong boses na nagpalingon sa dalaga na humihigop ng kapeng inorder habang inaantay si Mateo. Saglit na natigilan si Samantha dahil alam nya kung kaninong boses ang narinig nya at hindi nya mawari kung bakit sa dinami-dami ng makakakita sa kanya doon at ito pang iniiwasan nya. "Jason bat ka andito?" Pigil hininga na tanong ni Samantha.. Ayaw na nyang makita ang binata kasi wala na sila at hindi ito pwedeng makita ni Mateo kaya luminga-linga muna siya to be sure na wala ang binata sa paligid. Ayaw na nyang pagmulan ito ng hindi nila pagkakaunawaan. "I was in the area at napadaan lang ako para magtanghalian. I was just amaze na andito ka pala.. Would you mind if I join you since wala ka namang kasama?" Tanong ng binata na humila na ng upuan para tumabi na sa dalaga na umiiwas naman dito. "Jason please huwag ka ng tumabi dito.. Hindi na maganda na nag-uusap tayo.. Wala na tayo, tapos na kung ano meron tayo dati. It's best for us not to see each other.. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ganito tayo ngayon. Kaya pwde ba na tigilan mo na ako.. Ayaw na kitang makausap, ni ayaw na kitang lumalapit pa sa akin". Naiinis na wika ng dalaga para umalis na ito sa tabi nya at baka magpang-abot pa ito at si Mateo. "Baby please I'm begging you, kausapin mo naman ako.. Handa akong magbago para sayo.. I will do everything for our relationship to work.. Basta makipagbalikan ka lang sa akin, gagawin ko ang lahat para hindi ka na magalit o magtampo man lang." Lumuhod na ang binata na kinagulat naman ni Samantha. " What the heck are you doing? Hindi ako santo para lumuhod ka dyan. Hindi ka na nakakatuwa so please stop this non-sense". Pagmamakaawa na din ni Samantha para tigilan na siya nito at gumagawa na sila ng eksena sa cafe. Aalis na sana si Samantha ng yakapin ito ng binata.. Nagpumiglas ang dalaga para makawala sa binatang yumayakap sa kanya. Tumitingin na ang mga taong kumakain din sa cafe kaya lalong nadadagdagan ang pagkainis nya sa binata. "Tama na Jason, this is enough.. Tigilan mo na ako.. We are done. Hindi mo ba maintindihan yun na hindi na tayo pwede. Wala ka ng lugar dito sa puso ko kasi kung meron man sinayang mo lang din yun. I am not a perfect girl you want so please huwag mo akong guguluhin pa. Hindi pa ba sapat ang mga pambabalewala mo sa akin dati? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit tayo nagkaganito. Please lang umalis ka na." Pilit pa ring nagpupumiglas si Samantha dahil niyayakap pa rin siya ng binata. Yun ang tagpong naabutan ni Mateo, ang niyayakap ni Jason si Samantha. Nakita nya rin ang pagpupumilit ng babaeng kumawala sa pagkakayakap nito kaya alam nya na may hindi tamang nangyayari. Sinugod na nya agad ang binata. Bigla nyang sinuntok ang lalaki para magkalas ang dalawa. Isa pa uling bigwas dito at naging dahilang ng pagputok ng labi nito. "Hayop ka, ayaw na ng babae sayo kaya huwag mo ng pilitin.." Sugod uli ng binata. May kaunting alam sa self defense si Mateo kaya hindi naman siya papatalo kahit papanu. Nabigla si Jason sa pagsugod ng binata kaya hindi na ito nakailag. Nagulat pa siya sa sunod na ginawa ni Mateo na dahilan ng pagputok ng labi nya. "Sa uulitin na makita pa kitang pinipilit si Samantha hindi lang yan ang aabutin mo". Hinila na ang dalaga na walang magawa kundi sumunod na lang dito para wala ng mangyaring masama.. "Bat hindi mo man lang ako tinawagan na pumunta na pala ang lalaki na yun?" Naiinis na tugon ng binata na nakatalikod kay Samantha. Humahagulgol na ang dalaga na bigla na lang niyakap mula sa likod ang binata. Hinayaan naman siya ng binata sa ginawang pagyakap dito. " I'm so sorry.. I should have told you. I wasn't aware na andito din siya sa resort.. I'm so sorry" , hinging paumanhin nya dito habang yakap pa rin ang binata. Humarap naman ang binata para magkapantay sila ng dalaga.. " I'm so sorry also, I was just afraid na baka bumalik ka sa kanya. Baka bigla ka na lang umalis sa tabi ko at siya na pala ang kasama ko. I am just worried sweetheart. I'm sorry." Niyakap na rin nito si Samantha para kumalma na. Ayaw naman nyang nakikitang nahihirapan din ang dalaga. " Sa susunod pag dumating uli ang lalaki na yun, just tell me para hindi ako mag-alala na may mangyaring masama sayo sweetheart. Please, promise me not to keep a secret.." Pagsusumamo nito sa kanya. "Let's have dinner sweetheart. I was starving already.. Let's just forget what happen awhile ago.. Just promise me you will not entertain that jerk.." "Yes I will not see or entertain him anymore.. He is just a past for me.." Dugtong na lang ng dalaga. After dinner, naisipan ng dalawa na mag bar just to ease the scenario in the cafe.. "It is our last night so we have to enjoy it.." Nagkayayaan ang dalawa na mag inuman.. "Wala dapat malalasing ha.." Biro nito sa dalaga na namumula na at namumungay na ang mata. "Lasing na nga ako Mat.." Tawa ng dalaga.. "Tulog na tayo, hindi ko na kaya." At hinila na ang binata na nagpatianod naman.. Susuray-suray na sa paglalakad si Samantha dahil ibat-ibang drinks ang nainom nito. Inalalayan na lang siya ni Mateo at sanay naman ang binata sa pag-inom.. "Sweetheart dahan-dahan lang.. Andito naman ako, aalalayan kita.." Ang bilis kasi maglakad ni Samantha at nahihilo na talaga siya, gusto na nyang mahiga. Gusto na nyang magpalit ng damit.. Nanlalagkit na talaga siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD