It was a fun day para sa kanila ni Mateo... Ang saya kasama ng lalaki at napalambing pa nito. Hindi na nya iniisip ang pagtawag ni Stacy sa lalaki na ikinaselos nya kanina.. Hindi na lang nya ito pinahalata sa binata.. She just wanted to enjoy the times that we have. Saka na lang nya poproblemahin ang mga susunod na araw.. Sana hindi maging hadlang ang business partner nito sa kanila kasi sa tingin nya hindi lang isang business partner ang dalaga kundi higit pa doon..
Marami man syang agam-agam sa ngayon, isasantabi muna nya. Ang mahalaga sa kanya ay kapiling nya ang nagpapasaya sa puso nya..
Balang araw umaasa siya na worth it ang ginagawa nya.. Hindi naman masama ang sumugal basta handa lang matalo.
Hindi nman sa lahat ng oras nananalo, meron ding pagkatalo. Basta ang mahalaga lumaban ka.
Hindi pa siya handang tanungin sa binata kung anu talaga meron kay Stacy at Mateo. Natatakot siya sa maaaring isagot ng binata sa kanya. Hindi naman sa duwag siya, ngunit hindi pa siya handang malaman ang katotohanan.
Gusto lang nyang namnamin ang sandaling kasama ang binata.
"Mukhang natahimik na ang love ko ah.. Halika nga dito, utos nito sa dalaga at niyakap ito ng marahan. Kung anu man ang gumugulo sa isipan mo, Huwag mo na muna isipin.. Ang mahalaga ngayon kasama mo ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa na madaming nagkakagusto," pagpapagaan ng loob nito sa dalaga. Ayaw nyang nakikita itong malungkot.
" Wow conceited ka naman love.. "At piningot pa ang ilong nito.. Yumakap na lang din siya binata kasi napapanatag siya pag kasama ito.
" Bakit hindi ba ako gwapo?" Nagtatampong sabi ng binata at kumalas pa ito sa pagkakayakap sa dalaga.
"Of course, you are so handsome.."
At niyakap na lang ang nagtatampong binata.. Hinalikan na din nya ito.. Ngumiti na din ang binata at gumanti ng halik. Lumalalim na ang halik ng dalawa ng tinigil ito ni Samantha.
"Love baka makita tayo ng bangkero, nakakahiya naman." Yumakap na lang siya sa binata para mapagtakpan ang pagkahiya sa halikan nila ni Mateo.
*Huwag mo ng ikahiya ang pagmamahalan natin love. Samantalang kagabi naririnig ko mga ungol mo sa kaligayahan. "
"Love tama na yan, I am not used to this conversation if we are not alone." Nahihiyang sabi nito sa dalaga na itinago ang mukha sa dibdib ng binata.
"So shy my love, don't be. It was an amazing night we shared." Madamdaming wika nito sa dalaga na lalong humigpit naman ang yakap sa kanya.
Kinuhanan ng picture ng binata
ang dalaga sa magagandang view ng isla na pinuntahan nila.. Meron din silang selfie at ginawa ito ng binata na wallpaper sa cp nito na kinasiya ng dalaga.. Nakakaproud na pinangangalandakan ng binata kung anu meron sila.. Ano nga bang meron sila? Biglang nalungkot ang dalaga sa isiping iyon.. Hindi man lang kasi nagsasabi yung binata ng mahal siya nito.. Siya alam na nya sa sarili nya na mahal na nya ang binata..
"Malungkot na naman ang love ko ha.. Hindi na maganda ang ganyan. Parang hindi ka nasisiyahang kasama ako talaga eh. Nakakatampo ka naman talaga." Iniwan na nito ang dalaga at naglakad-lakad muna.
Sinundan ni Samantha si Mateo na nagtampo na ng tuluyan sa kanya. Hindi nya maiwasang lumuha dahil ayaw nyang magtampo ang binata sa kanya.
Nakita nyang nakaupo ito sa dalampasigan. Dahan dahan siyang pumunta sa binata habang pinahid ang namalibis na luha sa kanyang pisngi.
Nakokonsensya siya na nagtampo ang binata sa kanya. Niyakap nya ang binata na kinagulat naman nito.
"Love I am so sorry. Wala akong intensyon na maramdaman mo na hindi ako masaya, its the other way around. Masyado akong nalulungkot kasi sa sobra nating kasiyahan baka may kapalit ito. Ayaw kong mangyari yun. Sana mapatawad mo ako love, please forgive me.." Humalik pa siya sa binata para mawala ang tampo nito sa kanya na ginantihan naman ng binata ng mas marubdob na halik.
" Malapit na tayo umuwi kaya mamimiss ko ang lugar na ito ngayon pa lang.." Sagot na lang ng dalaga at humilig pa sa dibdib ng binata.
"Don't worry, hindi lang naman ito ang mapupuntahan natin love. Madami pa tayong pupuntahan. We can go abroad.. We can have a tour here in our country. Gusto ko makasama kita sa mga lakad mo as much as possible. At pag may free time ako sa work we could bond always love."
Hinalikan pa siya ng binata na kinalugod niya kasi napakasweet talaga ng binata.
" Sa busy mong yan.. I can make a way to be with you love as long as I can.." Dagdag ng binata..
"I hope so love.. So unwind again later or you want some things to do," at ikinawit ng dalaga ang kamay sa balikat ng binata..
"Hmmm, watch na lang tayo ng movie together love.."
"That would be great."
Pinanood muna nila ang sunset before sila bumalik sa resort..
Naligo muna sila sa dagat before bumalik sa room at nagbihis para makapagdinner
sila bago ang panonood ng movie.
Hindi alam ng dalaga na nagpareserve ng special dinner by the beach ang binata with matching violin pa..
May nakahanda na ding bulaklak sa mesa na inabot ng binata sa kanya.. It was a red and white roses..
"I was surprised with this love.. Thank you.." Emosyonal na sabi ng dalaga.
"All the best for you love.." Sabay kiss ng binata sa kanya na tinanggap naman nya ng buong puso.
Madami silang napag usapan bago nila naisipang bumalik sa room para sa panonood ng movie.. Naglakad silang nakapaa lang sa buhangin at maganda ito sa pakiramdam, nakakarelax.
May isa pa uling surprise ang binata sa dalaga pagdating sa room.. Pinaayos kasi ng binata ang room na parang sa sinehan talaga sila.. May projector pa at may popcorn..
"You are so full of surprises love.." Sabay yakap sa binata at halik dito.
"Love tama na muna yang pagtsansing mo at baka hindi na tayo makapanood.." Pagbibiro ng binata dito na hinampas na lang ng dalaga. Pinagkukurot din nya ito na iniilagan naman ng binata.