Kasalukuyang magkausap ang doktor at si Amira tungkol sa kondisyon ng Hari. “Stable na ang kalagayan ng Hari, hintayin na lamang natin siyang magising,” panimula ng doktor. “Maraming salamat, Doc. Ano bang nangyari kay Ama?” nag-aalalang tanong pa rin ni Amira. “Isang himala ang nangyari sa kanya. Hindi ko akalain na mabubuhay pa siya, mabuti na lang ay naagapan agad siya ni Mrs. Marie,” inilapat ng doktor ang kamay niya sa kanang balikat ni Amira at huminga nang malalim bago sabihin ang mabigat na kalagayan ng Hari. “Ang 'yong Ama ay may sakit sa puso. Mukhang matagal na 'tong dinadamdam ng Hari, ngayon lang siya nagpunta rito,” at ipinaliwanag pa ng doktor ang tungkol sa sakit ng Hari. “Gawin n’yo ang lahat ng makakaya niyo para gumaling si Ama,” pakiusap ni Amira. “Yes, Princess,”

