Lahat sila ay nagtungo muna sa Mafia University para dumalo sa isang paligsahan. Kahit na wala sila ng ilang araw sa unibersidad ay hindi naman maaapektuhan ang kanilang performance dahil kaya lang sila napasok para i-present ang kanilang sarili. Kasalukuyan na silang nanonood ng shooting game, ang paligsahan na kung saan magpapakita nang gilas ang Imperial Mafia at Oracion Mafia. “Nakita ko kung paano bumaril 'yang si Brendan,” ani Ryker na pinagmamasdan mula sa itaas si Brendan na hinahanda ang kanyang sarili sa laro. “After all, he's an Imperial. Nakalaban na natin sila,” sabi pa ni Ibbie. “H’wag niyong kakalimutan si Shia,” nagsalita naman si Zurikka na nakatingin lang kay Shia ng Oracion Mafia. “Balita ko ay tinuruan mo 'yan?” ani Daem. Tumango lamang si Zurikka. “Mukhang magigi

