Bago mangyari ang lahat. Hindi hinayaan ni Mortem na mag-isa si Amira lalo na't natuklasan niyang magiging delikado ito kay Amira, hindi nito kakayaning mag-isa. Nagawa niyang pilitin si Amira na sabay nilang tapusin ang plano ng Hari. Alam na kasi ni Mortem lahat nang posibleng mangyari lalo na't nag-usap na rin sila ni Ryker. Sinabi rin ni Ryker sa kanilang lahat kung sino ang spy na ngayon ay kasama pa lang tumutulong kay Dr. Orata, ipinaliwanag ni Ryker ang lahat sa kanila kaya nakaisip nang plano si Amira. “Darating din pala ang araw na 'to, pinatagal n’yo pa,” ani Ibbie. “I'm glad that we're all here helping each other,” nakangiting sabi naman ni Zurikka. Kapag nagtulong-tulong talaga sila, magtatagumpay sila. “I'm so excited!" pumapalakpak pang sabi ni Rara. “But the thing is

