Pagpasok nilang lahat sa loob bumungad sa kanila ang mga containers at iba pang mga kagamitan na makikita lamang sa Invention room. “Follow me,” sabi ng scientist na lumapit sa kanila. Sumunod naman silang lahat. May isa pang pinto patungo sa kung saan nakatago si X-zero, ang kauna-unahang naimbento nila Dr. Orata. Halo-halong emosyon ang kanilang naramdaman nang makita nila ang batang babae. “Who's that girl?” tanong ni Wilder. Ang katawan nito ay nakabalot na sa metal. “Everyone, meet X-zero. The first human robot,” sabi ni Dr. Orata na dahan-dahang nagpakita galing sa madilim na bahagi ng room. “Success?” tanong naman ni Daem at tumango si Dr. Orata bilang sagot. “Anong ginagawa ng robot na 'yan?” si Rara ang sumunod na nagtanong. “Ang gustong gawin ng Hari ay gamitin ang mga ro

