Nagsimula na silang magpaulan ng bala, kanya-kanya silang diskarte para hindi matamaan ng mga bala. Ang iba ay may gamit pang shield, iba naman ay nagtatago. Habang ang ilan ay sinasakripisyo ang kanilang buhay para lang maging ligtas ang kanilang mga Mafia Boss ng bawat Gang. Si Mortem ay nanatili sa kanyang pwesto kung saan siya ay ligtas at binabantayan ng mga tauhan ni Gin, inihahanda siya ni Gin para sa kanyang misyon. Habang si Kane naman ay kaagad na lumapit sa kanyang magulang na ikinagulat ng kanyang Ama at Ina. “f**k! What the hell are you doing here, Kane?” ani Karlo. “Dad, I'll fight!” Kaagad namang itinago ni Yen si Kane sa kanyang likod at pinaputukan ang ulo ng isang Mafiusu na nagtatangkang barilin ang kanyang anak. “Kane, let's go!” hinawakan naman ni Yen ang kamay ng

