Lahat ay handa na para puntahan ang lugar ng isang Mafia kung saan si Matia, Amira, Mortem, Fairoze, Ibbie at Wilder ang magkakasama. Nakasuot na rin sila ng kanilang mga suit. Ang mga baril at dagger ay nasa kanilang mga damit na nakaipit para kahit ano mang oras p'wede nila 'tong gamitin. Sumakay na sila sa kani-kanilang sasakyan na inihinda ni Maestro para sa kanila. Si Matia, Amira at Mortem ang magkasama sa isang sasakyan. Si Ibbie at Wilder naman ang magkasama sa isa habang si Fairoze ay naka-motor. Si Matia ang nagmaneho ng sasakyan nila habang nakasunod ang dalawang sasakyan sa likod. “Malapit na tayo,” paalala ni Matia. Mayroon din silang maliit na device na nakakabit sa kanilang tainga para kahit malayo sila sa isa't isa ay naririnig nila ang bawat isa nang sa gayon alam nila a

