“Dumating na sila Ama at Ina,” ani Daem pagkaupo niya sa swivel chair. Nandito sila ngayon sa Meeting room ng Fire Gang HQ upang pag-usapan ang mangyayari bukas kung saan itatalagang Reyna ng Mafia Island si Amira Miller. “About that,” sabi naman ni Amira at sinimulan nang ipaliwanag ang mangyayari bukas. Gusto niya maging maayos at walang mangyaring masama bukas. “Nais ni Ama na muling magkaayos ang mga magulang natin kaya inimbita rin ni Ama si tita Vivi at tito Damian. Hindi ko nga akalain na papayag sila kaya nang malaman ni Ama na nandito na sila lubos siyang nasiyahan.” “Wala na silang galit kay Herald kaya h’wag ka ng mag-alala, Amira,” tugon ni Daem. “I think, lahat naman ng magulang natin, eh?” ani Rara. Umiling naman si Ryker at tinuro si Mortem. “Maliban kay Ama,” tugon ni

