Habang nag-aayos ako ng pinamili ko ay may biglang nag-doorbell kaya naman pinuntahan ko iyon at pinagbuksan ng pinto. Nagulat ako at hindi makapaniwala nang makita ko kung sino ang tao sa likod ng pinto. “How are you, Babe?” tanong nito sa akin. Napatalon ako sa tuwa nang makita siya at niyakap ng mahigpit. “Woah! Relax! Ako lang ito,” aniya. “VJ!!! I missed you! Where have you been? Why didn’t you contacted me? You don’t know how worried I am!” turan ko. Yes, it was VJ. He’s back. “Pasok ka,” sambit ko. Pumasok naman siya at pinaupo ko sa may sala. “What do you want? Juice? Sodas? Coffee? What?” tanong ko. Na-aligaga na ako nang makita siya ngayon. Hindi ko talaga inaasahan ang sandaling ito. Parang kanina lang ay gusto ko siyang makita tapos ngayon nandito na talaga siya sa har

