Nagmadali ako sa pagpunta ko sa studio para makakuha ng sagot kahit hindi ako sigurado. Pagdating ko ay agad na sumambulat sa akin ang mga magulang ng mga bago kong tuturuan. “Nandito na po siya nga Misis,” wika ni MJ sa mga magulang nang makita niya ako kaya naman ang lahat ng mata ay nasa akin. “Hello po, pasensya na po at nahuli ako,” ani ko. “Nako! Ayos lang ‘no! Basta sa susunod huwag ka ng mahuhuli,” saas naman ng isa sa mga nanay. Napilitan ng ngiwi ang ngiti ko. Ang demanding ng mga magulang na ito. Hindi gaya sa mga nauna kong mga estudyante na ang babait at talagang naka-focus ang mga parents nila sa enhancement ng kanilang voice. “Yeah, I will, don’t worry,” turan ko. Ngiting aso naman ang ipinakita sa akin ng nanay na nagsabi na huwag na akong mahuhuli sa susunod. Medyo n

