“Hey, I’m here in front of your house, hindi ko kaya na humarap sa magulang mo matapos kong makipaghiwalay sa iyo,” aniya.
Iyon lang ang sinabi niya sa tawag at binaba agad niya. Nagmadali ako sa pag-gayak dahil akala ko ay mahuhuli na kami para sa appearance na sinasabi niya.
“Ang bilis mo naman,” wika ni VJ.
Para akong lutang nang marinig ko iyon. Tinignan ko ang oras sa aking suot na relo at nakit na pasado alas dos pa lang tanghali.
“Kakainis naman!” bulalas ko.
Hindi na ako nagpaalam sa magulang ko at kay Alyssa dahil wala sila ngayon at kahit nandito sila ay hindi ko pa rin iyon sasabihin dahil alam ko na sasama si Mama. Nagsimba silang tatlo at talagang nagpaiwan ako. Halos isang oras na din mula nang umalis sila kaya alam ko na mamaya pa ang uwi nila. Pero kahit na ganoon, hindi ko nasabi kay VJ iyon dahil binaba nga niya agad ang tawag.
“Akala mo ba late na tayo?” tanong ni VJ.
Sumakay na ako sa loob ng kotse niya nang nayayamot. Ang dami kong hindi ginawa gaya ng paglalagay ng make up dahil haharap kami sa maraming camera ngayon at nababahala ako na baka magmukha akong losyang kapag inere na iyon sa telebisyon.
“Oo! Ikaw naman kasi ang aga-aga mo akong sinundo,” sagot ko.
Tumawa lang si VJ. I haven’t heard this kind of laugh of him. Pinagbigyan ko na lang siya dahil may mali rin ako, hindi ako tumingin ng oras kaya naman hindi ko siya masisisi.
“It’s okay, you look beautiful as well,” aniya.
Ito na naman kami sa kaniyang cheesy lines. Siguro kung hindi dumating si Cheska, baka hanggang ngayon may siya at ako pa na patuloy na magkasama.
“Shut up, VJ, tara na,” wika ko.
Well, I’m kind a shy when he praised or compliment something about me, sadya atang hindi ako sanay sa ganoon na trato.
“Buti hindi nagtanong sina Tita kung saan ka pupunta, nahihiya talaga akong magpakita sa kanila,” saad niya.
Ramdam ko ang panliliit ni VJ base sa kaniyang pananalita. Marahil ay sobrang taas ng expectations ni Mama sa kaniya at hindi niya lang talaga naabot dahil sa hindi inaasahan na pangyayari na naganap.
“Hindi talaga, wala naman kasi sila diyan, hindi mo man lang kasi ako pinagsalita at agad mong ibinaba ang tawag,” turan ko.
Natawa na lang si VJ sa sinabi ko.
“Damn! Buong akala ko bantay sarado ka ngayon dahil sa isyu,” aniya.
“Nope, I am free as a bird,” saad ko.
Syempre kunware lang iyon dahil hindi pa talaga ako malaya. Magiging totoong malaya lang ako kapag nakaalis na ako sa poder ni Mama.
“Kaya nga pala ako maaga dahil gusto kong sabihin lahat sa iyo,” aniya.
Syempre nagulat ako lalo na nang titigan niya ako. Matagal-tagal na rin mula nang huling pagtitig na ganito.
“Sana mas una na lang kitang nakilala,” panimula niya.
Anong ibig niyang sabihin doon? Akala ko ba magkwento siya? Bakit parang regrets ‘to?
“Kung ikaw siguro iyon, hindi ganito ang kinahinatnan ng relasyon natin,” sambit niya pa.
Oh. Ibig niya bang sabihin na sana mas nauna ako kaysa kay Cheska. Sa tingin ko talaga, Cheska is his first love.
“I do loved Cheska, and I also love you kaya naman naguguluhan ako,” wika pa niya.
Gaya ng nararamdaman ko. Should I tell him the truth? That I still have some feelings for Rap? I think I shouldn’t. Mas mahihirapan lang siya sa sitwasyon niya ngayon.
“Sa totoo lang, nabigla talaga ako nang ipakilala mo si Cheska bilang asawa ni Rap, hindi ba si Rap ang ex mo?” turan ni VJ.
Nakakahiya naman! Talagang huhungkatin niya ang tungkol doon?
“Y-Yeah,” tugon ko.
Feeling ko magkakaroon ng mahabang kwento ngayon. Mas mabuti nang magkwento siya at nang malaman ko ang buong istorya at hindi na ako panay hula pa.
“Cheska and I were super in love back in high school, parehas kaming nag-aral sa States, and actually... U.S. citizen ako at siya because migrant ang family namin,”
Hindi ko alam na mamamayan siya ng bansang iyon. Ibig bang sabihin hindi na siya Pinoy? Teka. Teka. Naguguluhanan ako.
“Dahil nga puro foreigner ang nakakasalamuha ko, nakaramdam ako ng kakaiba nang una kong makita si Cheska sa school, siguro it was what people called “love at first sight”, kaya naman naghintay ako ng isang buwan to approached here,” wika ni VJ.
Natatawa siya sa sarili niyang kwento. Kakaiba talaga siya sa lahat ng nakilala ko. Ang tapang niya para magkwento ng nakaraan sa akin.
“What’s with that look? Don’t get the wrong idea, okay? I just feel so ease when I’m with you, super comfortable that I can actually say what’s in my mind,” saad ni VJ.
Tumawa ako, literal na natawa. Hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa itsura niya. Naiilang siya habang sinasabi iyon sa akin pero kahit ganoon nandoon pa rin ang kaniyang pagka-astig.
He sighed, “This is so embarrassing, I won’t tell anymore,” aniya.
“No, no, no, please continue,” wika ko.
“Tawa ka kasi ng tawa, nakakahiya kaya sa parte ko,” saad niya.
“Kasi naman, baguhin mo naman yang itsura mo kapag nagkwento, nakakatawa kaya,” turan ko.
“Ewan ko sa iyo, o siya, aalis na tayo,” turan niya.
Sa wakas at naisioan niya na paandarin ang sasakyan. Medyo matagal na rin kaming nasa loob ng sasakyan kaya naman na-excite na ako.
“Yehey! Sa wakas!” tugon ko.
“Pero magkwento pa rin ako, just so you know what really happened between me and Cheska,” saad njyan.
“Aye! Aye! Captain!” bulalas ko pa.
Hindi ko alam na ganito na kami ka-close ni VJ na kahit ako ay napapagaya na sa mga napapanood sa telebisyon. Aye, aye, captain? Really, Imee?
“Masyado mo naman na ipinapahalata ang pagkasabik, ganoon mo ba kagusto na linawin ang isyu?” tanong ni VJ.
Tumango ako. Hindi ako nasasabik para doon, sa katunayan ay kinakabahan ako. Gusto ko lang talaga na malinis na ang pangalan ko at sana hindi na masangkot pa sa kahit anong isyu pa.
“Alam mo naman na isa lang ang gusto kong mangyari, ang luminis na ang pangalan ko at huwag nang masangkot pa sa kahig anong isyu,” sagot ko.
“Well, tama ka, kahit ako gusto kong solo ko lang ang isyu,” aniya.
Ang lakas talaga ng lalaking ito. Sabagay, isang taon din siyang walang isyu dahil ang perfect ng relasyon namin sa mata ng mga nakakakita sa amin.
“Well, magkaiba tayo, ayaw ko lang na nassasangkot sa maling balita ang pangalan ko,” wika ko.
“Oo na, enough of your name,” aniya.
Naguluhan ako. Iyon naman ang pinag-uusapan namin tapos may nalalaman pa siyang “enough, enough,”.
“Enough of my what?” tanong ko.
“Name, I’m going to continue my story na kasi,” sagot niya
Iyon naman pala. Ang kanilang kwento ni Cheska—ang simula at ang katapusan ng kanilang pag-ibig. Okay, okay.
“Oh!” bulalas ko.
Tumawa siya. Tinawanan niya ako. Bakit parang lugi ako kapag kausap ko ang lalaking ito?
“Nakakapang-hinayang! Nakaka-asar!” bulyaw niya.
Tumawa tapos biglang nainis? Ano ba yon?
“Balik na nga tayo sa kwento, during high school iyon nang makilala ko siya. Napakaganda niya at talagang nahihiya na makisalamuha sa ibang tao,” panimula niya.
At iyon na nga, habang patuloy njyang isinisiwalat ang kanilang kwento ay nakaramdam ako ng pagkamangha dahil ang ganda ng kanilang kwento ng pag-iibigan. Nakaka-inggit!