8 months has passed and my birthday is coming up this week. Wala akong balak na maghanda or what dahil walang may alam na papalapit na ang kaarawan ko except sa pamilya at kay Rap. Nahihiya rin akong magsabi kay MJ dahil alam ko na magbibigay talaga siya ng atensyon at pagod sa birthday ko kaya minabuti ko na lang na huwag na sabihin. “Miss Lauren, I can’t take my lesson next week.” Nahihiyang paalam sa akin ng isa kong estudyante. Nag-alala naman ako dahil sa biglaan niyang pagsasabi sa akin dahil sa lahat ng estudyante ko ay siya pa lang ang nakikitaan ko ng maagang debut sa pag-awit. “May nangyari ba?” tanong ko. Umiling lang si Edcel at saka pilit na itinatago ang ngiti sa kaniyang labi, “Yes po. Mamamalagi kami ng isang linggo sa probinsya dahil malapit na sumapit ang ika-labinwal

