Nagplano kami ni VJ nang gagawin namin para mapalabas ang tunay na Meowy na siyang pilit na sumisira sa buhay ko. Paglabas ko ay naroon na si Mildred—isa sa tinuturaan ko ng tamang paghinga kapag kumakanta. “Mildred, hi!” bati ko rito. Agad naman na ngumiti si Mildred sa akin saka tumugon sa aking pagbati. “Hello, Miss Lauren, magandang tanghali rin po,” aniya. Bahagya akong napatingin sa orasan na nakakabit dito sa labas. Kaya pala ‘magandang tanghali’ dahil inabot na rin pala ako sa loob ng banyo ng halos kalahating oras na kausap si VJ para sa gagawin namin na plano. “Sige na, pasok ka na sa lecture room saka maghintay ka sa amin na papasok doon,” saad ko sa bata na agad naman na tumango sa akin. Pagkaalis nito ay dumiretso na ako sa office kung saan ko iniwan si MJ. Pagkapasok ko

