Ang ending ngayon ay napuno ng alak ang sala ni VJ. Dahil nga sa super generous ‘tong lalaki na ito, tapos nalaman niya pang malakas sa inumin na nakalalasing ang dalawang kasama ko-- which is favourable sa akin dahil magagawa ko ang plano ko without thinking of them na mahuli ako if ever na malasing silang tatlo. “Great! Alak pa!” bulalas ko. Seeing them getting drunk, but not totally drunk makes me feel so good. May isa lang akong napapansin sa nangyayari ngayon na medyo kinaiirita ko. “Look how she flirts,” bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko si Beatriz na walang humpay na kinakapitan si VJ sa braso. Naiinis ako dahil girlfriend siya ng kaibigan ko pero sa nakikita ko, mukha lang siyang lumalandi sa ibang lalaki na tipo niya. Kung ganoon din lang pala ay bakit niya pa

