Tinawagan ko si VJ habang tinutungo ko ang nasabing studio kung saan siya naroon ngayon. Gusto kong malaman kung bakit niya ako pinapapunta ngayon doon. "VJ, I'm on my way pero bakit mo ako pinapapunta diyan ngayon?" tanong ko. Syempre nagtataka naman ako. Mukha lang akong walang pakialam kanina dahil nga sa kasama ko pa si Ram pero sa totoo pang ay may pakiramdam akong ayaw ni VJ na pumunta ako. "My goodness! Are you for real, Imee?" tanong din niya. "Yeah, why?" I asked him again. Puro tanong na lang kami at wala man lang sumasagot sa bawat tanong dahil nagtatanong din. "Fine, sasabihin ko sa iyo mamaya para dama mo kung bakit and be prepare dahil iinterviewhin ka nila about that," sagot niya. Naguluhan ako dahil wala naman akong inaasahan na interview. "Interview? What? Why?" tu

