Chapter 62

1348 Words

Habang nagtuturo ako ay hindi pa rin naman nawawala sa isipan ko ang tungkol kay Cheska. Sa katunayan ay palihim ko siyang sinusundan kanina at dumiretso siya sa isang subdivision dito sa Makati. Nakakainis lang na hinarang ako ng guards dahil walang sticker ang kotse ko. Umikot na lang ako saka naghintay sa paglabas ni Cheska sa naturang subdivision pero alas dose na at hindi pa rin siya nakalalabas kaya naman umuwi na lang ako dahil ayaw ko naman na ma-misinterpret ng mga tao na dumaraan kung bakit nakahinto ang sinasakyan ko sa ‘di kalayuan ng subdivision. Hindi ako makatulog habang nakatingin sa kisame ko na wala ng kahit na isang disenyo. “Paano nga ba ako makakapasok sa loob?” tanong ko habang itinataas ang isang kamay sa ere. Napapaisip kasi ako ngayon kung paano ako makakasunod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD