WENG
Bakit mga nakasimangot kayo? _ at parang gusto nyo pang awayin ang portrait ko!_ Natatawa kong bungad sa dalawang babaeng napakaganda pero mga naka simangot, na nakaupo sa living room ng makarating ako ng mansion
Kasi naman best, Panis na ang ganda ko ! Ang tagal mo dumating sabi mo idaaan mo lang ang letter pero dalawang oras na kami nag aantay naubos na nga namin ang cake na ginawa ni chief Zed. nilapitan ko na lamang ito at niyakap, na miss ko ang best friend ko,
I'm sorry best nagkataon na kompleto ang friends ni Mark kaya naharang ako dahil gusto mag sisama lalo na ang lovey Dave mo! Rai ready na ba ang pilot? Alis na tayo !, mainipin talaga tong Dianne na to strict din ito sa oras.
Ayoko makita ang playboy na yon best!, ____
Ate Rhoe, ok na daw po andoon na din lahat ng gamit, ang cute ng summer dress ni Rai pink talaga lumabas na naman ang pagka bata ng isang to, nilingon ko naman si Dianne na tuluyan ng nasira ang mood .
Best, no choice na dahil sa Friday darating sila doon, so may today and tomorrow kang I enjoy bago ka ma embyerna pag dating ng hot Dave mo. Love mo naman patawarin mo na kasi!,, hinila ko na sya patayo tsk, na bad mood pa ang maingay.
Nanay,! Aalis na po kami, don't worry po kapag natapos ang villa lahat tayo pupunta sa ngayon kasi mga kubo lang ang tutuluyan namin, lumapit naman si Nanay Goring at niyakap ko. Ang sarap ng may Nanay.
Sige na mga anak ,mag enjoy kayo doon at mag ingat , sagot nya
Umakyat na kami sa rooftop para nakaalis na kami ,ilang buwan din ako office hotel lang kaya susulitin ko ang one week,
Paglapag ng chopper ay nakaabang na ang limang nag ga gwapuhan pare-parehong malalapad ang ngiti.
I miss you love __ salubong agad ni Chris sabay yakap
I miss you too Chris kumusta naman kayo dito? _ sagot ko
Hi baby Rai,_ salubong ni Mike at ni kiss sa noo si Rai little sister din ang turing nila dito.
Hello mga kuya's, I miss you all, ang ganda dito!___ masayang sagot ni Rai,
Hindi halatang excited ang baby Rai,ah,___ Hi my love, (tsuup) si Marlon na kinuha ang dala kong loptop, Akala ko vacation to bakit my bitbit kang trabaho my love? dugtong nya pa ,hinawakan ako sa kamay at iginiya na papunta sa mga kubo
May mga night meeting ako in other countries Lon, ani ko kahit saan naman ako nagpunta talagang dala ko ang loptop dahil nga walang regular hours ang trabaho ko.
Welcome to your paradise love! niyakap din ako ni Jake, Akin na yang dala mo Ann! Kumusta ang travel mo from LA? baling nya kay Dianne.
it's good Jake, na miss ko kayo sayang wala si Shaine hindi na kasi pwede e- cancel ang schedule nya ng three day's , nakasimangot nga yon pag alis ko ,ha, ha,ha , tila nawala ang bad mood nya maganda naman talaga kasi ang lugar
I miss you love, welcome Dianne and Rai, lapit din ni Alvin. At niyakap ako sabay halik sa sintido ko inagaw nya ang kamay ko kay Marlon at hinila na ako papasok sa isang malaking kubo na naririto.
Girls, dito ang kainan natin at may mga kubo na pang dalawahan pili nalang kayo doon, tiis muna ngayon mga two months pa bago matapos ang villa, sana makasama ang iba naging friends next time. saad ni Chris.
Malungkot tuloy si kuya Jake wala si Ate Shaine!,he, he,he,__ Wow daming lobster!!__ nanlalaking mata na sigaw ni Rai, Pwede po ba ako kumain? nag pa-cute pa sya sa mga kuya's nya .
Pweding-pwede baby Rai hinanda talaga namin yan para sa inyo , sagot ni Mike na hinila si Rai papunta sa lababo para maghugas ng kamay.
Maalaga talaga sa amin tong mga lalaking ito. Sarap kasama ang mga to lahat kami feeling prinsesa
kaylan pala dadating si Lara at Kristal? tanong ko si Lara ay two years girlfriend ni Marlon at si Kristal ay more than one year na girlfriend naman ni Alvin..
Saturday morning pa my love hindi pinapayagan ng boss mag leave si Kristal dahil puno daw ang schedule, si Lara naman walang kapalitan kaya Saturday at Sunday lang talaga sila pwede, Susunduin sila ni Alvin,, sagot ni Marlon si Kristal kasi ay secretary at si Lara ay Supervisor sa isang Mall
Pagnatapos nila ang contract, dito nalang sila, para hindi masyadong mahirapan. Maliit pa sahod ni Lara, pakasalan nyo na kasi mayaman na kayo eh,! saad ko mga maayos na ang buhay ng mga to kayang kaya ng mag pamilya at mga nasa edad na rin naman.
Si kris, love nanghihingi pa ng isang taon , plano ko nang buntisin para wala ng kawala!,, nakangising saad ni Alvin,
Si Lara, kapag twenty seven na daw sya , another two years pa ang hihintayin ko! nai-iling na saad ni Marlon,
Bro ,, taniman mo na para no choice na rin! _ sabad naman ni Chris.
Mahirap lumabag bro, baka layasan ako ! Napakabait nya sa akin ,kaya ayaw kong gumawa ng ikagagalit nya , ang laki ng tiwala nya sa akin at yon ang hanap ko sa babae kasi hindi nakakasakal ng relasyon. bakas sa mga mata nya ang saya habang nagsasalita.
Kumakain kami ngayon ng hinanda nilang mga seafoods ang sasarap kasi sariwa talaga. Si Mike ang naghihimay ng mga alimasag at inilalagay sa plato naming tatlo. Si Alvin naman nagbabalat ng mga hipon, at si Jake ay pinaglalagay kami ng kanin sa mga plato.
Thank you mga kuya's sana pag nagka boyfriend ako maalaga din katulad nyo he he ,,,, joly na saad ni Rai,
Pakilatis mo muna sa amin ang manliligaw mo baby, kakaliskisan muna namin bago mo sagutin,, seryusong saad ni Jake ,
May fiance yan, invisible nga lang kaya sya nagtatago sa hotel dahil ayaw nya pakasal. sagot ko
Talaga baby? Uunahan mo pa kami ikasal? Pero bakit invisible? Mike ask.
Fix married, nakita ko na daw yon ng bata pa ako pero hindi ko naman matandaan, best friend ni Mommy ko ang Mommy nya, but still I don't want to marry a man that I didn't love. nakangusong saad ni Rai.
Ikaw Ann kaylan mo sasagutin si Dave? tanong ni Jake kay Dianne. Nalukot naman ang mukha nito.
Kapag nag ka amnesia na sya at nakalimutan ang pagiging playboy nya!!___ nakangusong sagot naman ni Dianne, mahal na nya daw si Dave pero ayon nga lagi syang hinahanting ng mga ex flings nito.
Ann e-uwe mo nalang ng pinas o kaya ikaw mag handle dito para walang makapasok na ex nya kasi hawak mo lahat ng guest list, ha,ha,ha,_ biro ni Marlon.
May mag mamanage na dito Lon, at ayoko malapit sa kanya . Papalipat nga ako ng Israel pag nag open na ang panibagong branch doon. sagot nito, gusto talaga ni Dianne na lumayo kaya lagi itong nangungulit sa akin na lilipat, sabagay mayaman si Darwin kung talagang gusto nya si Dianne gagawa sya ng paraan para makasama ito.
Boy's sa Friday dadating dito ang grupo ni Darwin, they know the real me except my boss ,kaya pwede ba Chris na ikaw ang papakilalang may ari dito sa boss ko lang naman please??_ sabay sabay na nanlalaki ang mga mata nila,
Whaaatt??__ sabay- sabay nilang sigaw kaya napatakip ng tainga si Rai dahil nakapalibot sa kanya ang tatlo.
Love panira lagi yang possessive mong boss eh,!___ nagpapadyak pang saad ni Mike
Love naman bakit mo sila papupuntahin dito aagawin na naman ng mga yon ang Time mo sa amin!___ nakasimangot na angal ni Chris.
Ok lang yan boys gusto ko rin makilala ang boss ng boss natin, ha,ha, wag na kayo sumimangot dyan , baka pag dating ng mga yon mga kulubot na noo nyo,!____ natatawang sabi ni Dianne mga nakasimangot na kasi ang mga lalaki.
Niyakap ko naman si Alvin kasi sya ang malapit sa akin.
Alam nyo naman na kahit magkaroon ako ng new circle of friends kayo pa rin ang mga first, love, and best boy friends ko ,mula ng malayo ako sa mga brothers ko kayo ang naging kasa-kasama ko sa up's and down ng buhay ko, kaya never kayong mapapalitan ng kahit na sino , at sana nga kahit magkapamilya na tayong lahat ay magkakasama pa rin tayo. I love you my boys your always here, __ sabay turo ko sa tapat ng aking puso. Alam ko ang mga sakripisyo nila para sa akin.
I love you princess, so much alam mong ng dahil sayo kaya ko narating ang kinalalagyan ko ngayon ikaw ang kauna- unahang naniwala sa kakayahan ko,! _ saad ni Mike nakilala ko syang nagtatrabaho noon bilang manager ng restaurant ng tiyuhin nya , madalas ako kumain noon sa pinagtrabahuan nya kaya nagkaroon kami ng time na mag- kwentohan at nalaman ko na one year nalang dapat ay lawyer na sya pero pinatigil ng tiyuhin ng namatay ang Mommy nya .lahat ng naiwan na dapat ay sa kanya at napunta sa pamilya ng tiyuhin niya .At hindi ako nag dalawang isip na tulungan sya ako ang gumastos ng pag aaral nya matalino si Mike at naipasa nya kaagad, ng maging ganap na syang lawyer ay sya na rin ang naging private lawyer/assistant ko in over all business na meron ako . At kahit na may sarili na syang firm ay hindi nya ako iniiwan.
Sana lang magtagpo na kayo ng Daddy mo Mike, Patuloy mo syang hanapin , I'm always here to support in any ways. sagot ko sa kanya .
Yon ang pinaka malalim love, dahil lahat kami sayo nagsimula,! Lalaki kami pero ikaw pa na babae ang nagbigay sa amin ng lakas at tiwala. Kaya hindi ako nasasaktan kapag pinapapili ako ng mga nagiging girlfriend ko, ikaw agad ang pinipili ko , pero bakit nga ba hindi maintindihan ng ibang mga babae na hindi romantically ang pagmamahal namin sayo , kundi as a sister , our princess, ____ sabi din ni Jake na naiiling pa .
kasi po kuya Jake, Likas sa girl ang pagiging insecure ,! Lalo na kapag kakikilala palang ganon yon but for me Ate Rhoe is my sister that I didn't have. Sarap kaya maging Ate nyan na e- spoiled ako he he
sagot din ni Rai
Please lang boys ha? Ayoko na makipag away kayo sa kanila dahil hindi maganda ang first meeting nyo sa bar , mababait sila at oo yong boss ko lang ang suplado sa kanilang lahat, and besides Samantha will be the upcoming face of our hotel kaya mas maganda na makilala nyo rin sila dahil sila din ang circle of friends ni Sam,together with her fiance. paliwanag ko sa kanila at mga nag kibit balikat lang ang mga lalaki.
Best!!_, excited na akong makita ang boss mo!_ hot papa ba?? _ kinikilig pang pangungulit ni Dianne kaya lalong sumimangot ang mga lalaki.
Tssk ,_______
Yes,_ Ate Dianne! Bagay sila ni Ate Rhoe, parang kayo ni kuya Dave he he____ sagot naman ni Rai.
Naku,! Baby Rai , wag mo e match si love sa selosong yon,, hahanapin na namin ang long lost Macmac ng ate Rhoe mo! __ sabat naman ni Chris.
Tapos na ba kayo? May mga fruit's doon sa tent doon na tayo mag dissert,__ pag aaya ni Mike tumayo na kami akay ni Mike si Dianne, si Chris naman kay Rai at hawak kamay din ako ni Alvin kasunod namin si Marlon at Jake.
Love, merong biniling yatch si Mike pwede tayong mag tour tomorrow morning, _ aniya ni Jake
Wow, Sige maaga tayo bukas , excited kong sagot , gusto ko talagang masulit ang one week ko dito.
Narating namin ang tent at meron ngang ibat- ibang prutas na nakalatag sa table na naririto ,agad na nilantakan namin kasi ang sasarap, kakaiba talaga kapag fresh ang pagkain.
Pagsapit ng gabi ay nag bonfire kami habang umiinom ng wine, at talaga namang may nakahandang gitara ang mga to ,kaya ang nangyari nag spin the bottle at ang matapatan at syang kakanta at dahil ako lang ang marunong mag gitara ako ang taga gitara sa lahat.
Kinabukasan ay nasa yatch nga kami at inikot namin ang buong island napakalinaw ng tubig at ang ganda ng buhangin pino at puting-puti kaya ang sarap mag ikot
Buong araw ay nag explore kami iniiwan lang kami ng mga.lalaki kapag bibisitahin nila ang mga gumagawa.
Love, tumawag si kuya Rey, dadating daw sya ng Monday. One week lang daw sya dito, sabi ni Mike ng lumapit sa amin naliligo kasi kami dahil wala ng araw, si kuya Rey ang panganay kung kapatid isa syang FBI .
Sa mansion mo nalang patuluyin, doon muna ako pagkagaling dito Monday night pa kasi ang flight ni Dianne going back to LA. Sagot ko.
Sama muna kami sa mansion para makabonding namin si kuya ng one night, aniya ni Mike. Close din kasi ang mga ito sa mga kapatid ko.
Love, after two weeks here, kailangan namin umuwe ng pinas para mabisita ang on going na hotel branch sa Davao, Maiiwan si Marlon at Alvin dito. Saad ni Chris sila din kasi ang may hawak ng kasalukuyang itinatayong branch ng RH bali tatlong hotel na ang nasa pinas sa Manila, Cebu at ngayon nga ay sa Davao.
Just inform the pilot a head of time, bisitahin nyo din ang mga brothers ko na mi-miss ko na sila. sagot ko., sa lahat ng napasukan kung trabaho ngayon lang ako hindi malaya.
Ng nakaramdam ng pagod ay nag pasya na kaming umahon, mga nagpapahinga na rin sa kanikanilang kubo at tent ang mga nagtrabaho sa umaga , may pang gabi kasi shifting ang ginawa nila para daw mabilis matapos.
Napakaganda ng ginawa nilang landscaping talagang pag bungad mo dito sa island ay kitang kita .
Dahil sa pagod ay maaga akong nakatulog , mag isa lamang ako sa aking kubo dahil magkasama si Rai at Dianne, ok lang naman kasi minsan may schedule ako ng madaling araw na on line meeting.
Good morning love!, pagbukas ko ng aking pinto ay bumungad si Jake na may dalang dalawang cup kape at warm water.
Good morning Vin thank you!_ humalik sya sa noo ko at inaya ako sa upuan sa harap ng kubo bawat kubo kasi ay may mga upuang kawayan sa harap. Alas singko pa lamang ng umaga kaya malamig pa sa balat ang hangin.
Ang sarap mamuhay sa ganitong lugar vin, malayo sa magulong siyudad. ani ko.
Yes love, kong gusto mo magtayo tayo ng bahay doon sa may gagawing farm mas maganda doon . Para maiba naman ang pahingahan mo lagi ka nalang nasa penthouse at mansion, gawa tayo ng sempling bahay lang. sabi nito
Sige tapos tag iisa tayo ng kwarto , gusto ko ring maghanap kayo ng lugar na pwede nating gawing Village natin para kahit may mga pamilya na tayo nasa iisang Village pa rin tayo. pangarap ko talaga yon para sa aming magkakaibigan.
Sa pinas tayo mag hanap love mas maganda pa rin tumira doon, may private plane ka naman kaya anytime pwede nating mapuntahan ang mga business mo .sagot nya
Good morning love _ ang aga nyo nagising ah,, lumapit si Chris at yumakap sa akin. Ang lamig ng balat mo love hindi ka man lang nag suot ng jacket!,
Ok lang yan sanay na ako sa lamig, pumasok ito sa loob at pag labas ay may dala-dalang jacket.
Wag ka nga pabaya sa sarili mo love! Ang hirap mo pa naman alagaan pag may sakit ka,_ paninirmon pa nito.
Sorry na po tatay Chris!, _ kinuha ko nalang ang braso nito at inakbay sa akin tsaka ako sumiksik sa kanya, naramdaman kung hinalikan nya ang aking ulo.
Alam mong mahalaga ka sa amin love, at hindi sa lahat ng oras ay kasama.mo kami. Kaya lagi mong ingatan ang sarili mo. saad nito habang yakap- yakap ako. Ang sarap ng may nag aalaga. Na miss ko tuloy mga kapatid ko.
Bihis ka na ng pang jogging love mag papawis muna tayo.!_ pag aya ni Alvin. Tumayo ako at pumasok sa aking silid nag suot ako ng pang jogging at nag dala ng hand towel. Pag labas ko ay may bitbit na sila na bottled water,
Tara na love ,tulog pa ang dalawang babae napagod yata kagabi . sabi ni Chris. Naglalakad muna kami para ma warm up ang katawan hanggang sa unti-unti na kaming tumakbo . Hindi ko na namalayan na napakalayo na ng aming narating at lumabas na rin ang araw.
Chris,_ Alvin, ang layo na ng narating natin! Pagod na ako!_hhaaaaa,____ umupo na ako sa buhangin hinihingal na rin ako.
Oh, inom ka munang tubig love, sabay abot sa akin ni Alvin ng tubig at kinuha ang towel ko at pinunasan ang pawis ko habang umiinom ako
Mas malayo pa dito ang nararating namin love doon sa kabila merong talon na masarap liguan, saad naman ni Chris,
Aaaahhh,___ ayuko na! Uwe na tayo please hindi ko na kaya ! Pagod na pagod na ako hu hu. Ang sakit na ng binti ko. hindi ko man lang kasi napansin ang tinakbo namin dahil nag ko- kwentuhan kami habang tumatakbo. Itinayo ako ni Chris at nag squat sya sa harap ko .
piggyback ka na lang love balik na tayo ,tsk hina naman ng stamina mo ! Kalahati pa nga lang tayo .bukas gawin ulit natin to ha? Wala ka na yatang Exercise sa katawan puro trabaho nalang ginagawa mo. paninirmonpa ni Chris habang buhat -buhat ako sa likod nya.
Inaantok ako kaya hindi na ako sumagot ,at tuluyan akong nakatulog habang nakapasan sa likod nya
**********
MIKE
********
Nagising ako sa walang tigil na tunog ng aking cellphone , padabog kong inabot ang aking cellphone at nakapikit pa akong sinagot ito ni hindi ko pinag-aksayahang tingnan kung sino ang tumatawag.
Hello!!!__ inaantok ko pang sagot.
Good morning bro.,_ mukhang tulog ka pa tinatawagan ko kasi si Rhoe hindi sya sumasagot , pakisuyo nalang sayo na ikaw nalang tumawag sa pilot ngayong umaga na kami pupunta jan andito na kami sa office yon , tsk , panira talaga ng umaga , nainis ako lalo sa narinig ko akala ko hapon pa ang dating ng mga to.
Okey, tatawagan ko antayin nyo nlang ! _ akala ko mamayang hapon pa masisira araw ko ngayon na pala!__ pabulyaw kong sabi dito.
Ha ,ha,ha,__ bro, wag mo sabihin sa baby ko baka tumakas! tumatawang sagot nito , dami kasing flings ng gago kaya si Dianne ang pinag iinitan ng mga naging babae nito.
Talagang malapit mo ng hindi makita si Ann gago! _ maghintay nalang kayo tatawagan ko ang pilot. pinutol ko na ang tawag at tinawagan ko na ang pilot
Bumangon na ako at pumunta ng banyo. Pupuntahan ko muna si Rhoe.
Good morning bro.! Si princess gising na ba? tanong ko kay Jake ng makita kong nag kakape sa harapan ng aking kubo , ito kasi ang pinakamalapit sa kubo na ginawa naming kainan , kasunod ng kubo ko ay kay Chris.
Good morning bro.!_ wala si love nag jogging daw kasama si Chris at Alvin. Pinuntahan ko ang kubo nya pag gising ko walang tao .nag tanong nalang ako sa mga trabahador, nakita nga nilang nag jogging daw ang tatlo. sagot nito , kumuha na lamang din ako ng kape dahil malamig ang panahon masarap mag kape sa umaga,
Padating na ngayon ang grupo ni Dave, sabi ko ng makabalik ako .
As in now na bro??_ akala ko ba mamaya pang hapon!. gulat ding saad nito .
Atat ang gago makita si Dianne! Gising na ba ang dalawang babae? tanong ko.
Tulog pa! , pasaway ang dalawang yon hindi nag lock ng pinto. Buti nalang mababait ang mga trabahador natin, masyadong careless ang mga babae nating kasama, napagod din kasi ako kahapon kaya tulog din ako agad. kapwa nalang kaming nailing na dalawa masyadong tiwala ang mga babae kapag kasama kami alam kasi nilang safe sila sa amin pero kasi may mga trabahador dito at sa dami nila hindi naman namin kilala ang ugali lahat.
Makalipas ang dalawampong minuto na nag uusap kami ay narinig na namin ang tunog ng chopper hindi na kami nag abalang salubungin sila dahil naiinis parin ako sa pambubulabog sa akin.
Lumapit din si Marlon ng marinig ang chopper nagtataka siguro kong sino ang maagang dumating .
Good morning bro's, ang ganda ng RH island nyo!. I'm sure dadayuhin to kapag inopen nyo na in public. Sulit bro!,_ bungad agad ni Dave ng makalapit sa amin
Welcome, bro. Sya nga pala this is Architect Marlon and Engineer Jake, nakipagkamay naman si Dave.
Nice to meet you bro's, by the way this is James, Jay, Lance, Ace and our princess Samantha, and my apologies to our first meeting at the bar, actually that bar is one of our friendship business. pakilala ni Dave sa mga kasama nya. Maganda nga itong si Samantha. Nakipag kamay kami sa kanilang lahat. Blanko ang mukhang nakipagkamay ako kay Ace. Para iparamdam na hindi ko pa sya tanggap .
Nice to meeting you all guy's, have a set ipapahanda ko lang ang breakfast para sabay -sabay na tayo. Excuse me for a while. iniwan ko sila saglit at tinawag ko ang tatlong taga luto para mag prepare ng breakfast. Tsaka ako bumalik mga nagkakape na sila at chocolate naman ang kay Samantha.
By the way where is Rhoe? tanong ni Dave.
Nag jogging sila with Chris and Alvin. sagot ni Jake.
Nakipag kwentuhan kami at napag alaman ko na lahat sila ay mga business man at mga ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ika nga , Napag pasyahan namin na dito na lamang din mag breakfast kaya binuhat nalang namin ang table palabas.
Bro. Puntahan mo na nga yong dalawang babae buhatin mo para magising, ,dali-Dali naman tumakbo si Jake at Marlon tanaw naman ang kubo ng dalawa pang apat lang kasi at ang kasunod ay ang kubo ni Rhoe. Maya-maya ay nagtatawanan ang dalawa na buhat-buhat ang dalawang babae na mukhang mga tulog pa nga
F*ck!_ bro ako lang dapat ang mag bubuhat sa baby ko!. sigaw ni Darwin habang nakatanaw sa apat.
put me down Jake aaaahhh!!!_____ I want to sleep more!! Jaaaake____!! pag hysterical ni Dianne si Rai ay tahimik na buhat ni Marlon na tila itinuloy lang ang tulog. Tsk
Wag kang malikot pag nabitawan kita walang sasalo ha,ha,ha meron pala ang lovey Dave mo!___ pang aasar pa ni Jake, mga natatawa naman ang mga bagong dating
Hindi kita kakausapin ng isang taon Jake! I hate you! Mamaya na ako gigising, gusto ko pa matulog please???____aaaaàahhhhhhhhhh. sigaw nito ng mapalingon banda sa akin nakita nya kasing may mga tao akong kasama. Yumakap sya kay Jake at isi nubsob ang mukha sa dibdib nito. Narinig ko na namang nag mura si Dave. Pati si Rai ay napadilat ng mata at nagtago din sa dibdib ni Marlon
Ibalik nyo kami ,please mag bibihis lang kami. saad nito habang nakatago pa rin ang mukha.
Ibabalik namin kayo pero hindi na kayo tutulog ha? Mag aalmusal tayo! sabin Marlon.
Yes, ___ sagot nito at ibinalik nga ng dalawa sa kubo ang mga babaeng kalong naiiling na lamang ako kay Dave dahil panay ang mura habang nakatingin.
Dude,! relax hindi ka pa nga nakikita tensyonado ka na! pangaasar ni Jay at tinapik-tapik pa ang balikat ni Dave
Maya maya ay pabalik na ang apat nakasimangot ang mukha ni Dianne habang akay ni Marlon at naka pasan naman sa likod ni Jake si Rai. Inilapag nya si Rai sa upuan at tinabihan ni Marlon
Umupo naman si Dianne sa tabi ko at humilig sa balikat ko pag tingin nya sa katapat ko ay nawala lahat ng antok nya ,katapat ko kasi si Dave.
What are you doing here!!____ nakaturo pang pag tataray nito.
Stop it Ann,_ they are the guest that Rhoe expected today and this is Samantha the upcoming face of RH hotel. pag aawat ko dito mataray kasi itong si Dianne lahat nga ng hawak nitong tao ay ilag dito.
Hello guy's nice meeting you all , your so beautiful Samantha I'm Dianne tumayo pa ito at nilapitan si Samantha para makipag beso
Nice to finally meeting you in person Dianne,and your beautiful too. Hello Raizalyn nice to see you again. sagot nito at kumaway kay Rai.
Sino sa inyo ang boss ni best friend Rhoe? Are you guy's knows how to speak in tagalog? tanong ni Dianne at Inisa isa pang tingnan ang apat na lalaki maliban kay Dave.
Me, I'm Mark Ace Hall , nice to meet you Dianne, We know you by Dave's mouth always talking about you, ____tsk,inabot ni Ace ang kamay para makipag shake hands ng inagaw ni Dave at ito ang nakipag kamay kay Dianne.
I miss you so bad baby , I'm sorry ,talk to me please ?? pagpapaawa ni Dave, tsk karma is real bro. Kong kaylan ka seryuso tsaka ka nahihirapan.
Talk to your face!__ padabog na bumalik sa tabi ko si Dianne, pang asar na kinindatan ko naman si Dave na inambahan lang ako ng kamao nya.
Dumating ang aming breakfast at nag simula na.kaming kumain nilalagyan ko ng pagkain ang plato ni Dianne ng makaramdam ako ng may sumisipa sa paa ko sa ilalim ng mesa.
Tiningnan ko lang si Dave ng may pang aasar alam ko kasing takot to kay Dianne kaya lalo kong inaaasar.
MD, gusto ko ng kamatis na hindi luto hindi nga pala to kumakain ng piniritong kamatis may daing kasi kaya pinirito ang kamatis .
Ako na kukuha Ann, gusto ko rin kasi ng kalamansi,_ sagot ni Jake. At pag balik at dala-dala na nga ang kamatis na ginayat.
Thank you Jake!_ tsaka lang ito kumain ipinag hihimay ko rin ito ng isda. Sadya ko pang sinusubuan kapag naramdaman ko ang pagsipa ni Dave sa paa ko.tsk.
Nasa kalagitnaan kami ng aming almusal ng nagulat kami sa biglang pag sigaw ni Ace.
What happened to her???___ biglang tayo nito. At nakita namin si Chris na pasan sa likod si Rhoe. Agad akong lumapit para kunin sana si Rhoe pero nauna pang kinuha ni Ace
Nakatulog sya sa pagod,_ sagot ni Alvin na naiiling nalang sa inasta ni Ace. Possessive talaga.
Bring her in my room, sabi ko dito
No!_ where is her room!_ angal nito.
Mr.Hall nasa dulo pa ang kubo nya kailangan nyang makakain agad pag nagising sya . Bawal sa kanya ang nalilipasan ng gutom. seryusong ani ko ,napa buntong hininga naman sya pero sumunod din sa akin sa loob inayos ko ang kama para mailapag si Rhoe, tulog na tulog talaga sya ,
leave her here ,__ nauna na akong lumabas at sumunod naman sya , ipinag patuloy ko ang pagkain ko .nakisalo na rin ang dalawa.
Saan ba kayo nakarating bakit ganon nalang ang pagod ni princess? tanong ko sa dalawa
Malapit sa talon. Gusto sana namin dalhin sya doon at maligo kami kaso naiyak na sa pagod tsk, puro nalang kasi trabaho ginagawa nya kaya wala man lang Exercise ang katawan.
Kunting pagod hinihingal agad. palatak pa ni Chris hindi talaga nag e Exercise si Rhoe likas lang talaga na maganda ang katawan nya .
Alam nyo naman na mas gusto pa nya ang music room kaysa sa gym, _ sabad ni Jake.
Natapos ang aming almusal at patuloy kami na nag ko kwentuhan , ang mga babae ay nag kasundong mag ikot para daw pang tagtag ng kinain. Nag labas naman si Marlon ng wine para daw masulit ang usapan.
Nag papatulong kasi si Dave na makausap ng maayos si Dianne .
Dude, yong katabing kubo ni Rhoe doon ka para madala mo si Dianne doon mag kasama kasi sila ni Rai, suggest ko mga matatanda na rin naman ang mga to at gusto rin naman sya ni Dianne nagagalit lang talaga ito dahil nga ang daming humahabol na babae dito.
I stay with Weng's cottage too. saad naman ni Ace.
Just make sure you don't make anything bad happen to her, you will face in hell if you did,__ blangko at seryusong mukha na saad ni Chris.
Yeah , I promise I respect her,_ I just want to be with her. seryuso ring sagot nito. Nagpatuloy ang aming usapan at manaka -nakang pag inom , hindi naman namin intention ang malasing pang patay oras lang dahil sa hapon pa kami pweding mag explore dito at bukas dadalhin namin sila sa talon maganda kasi ang tubig doon kaya sa tanghali doon kami tatambay.