[Huwag ka nang mag-alala pa, naibigay ko na kay Lola Teri ang lahat nang kailangan niya. Naintindihan naman daw niya kung bakit hindi ka makakabisita sa kaniya ngayon.] saad ni Cally sa akin sa kabilang linya. Kasalukuyan lang na nandito ako ngayon sa opisina ko kung saan ay sabay sana kaming dadalaw ngayon ni Cally kay Lola Teri sa presinto kaya lang nagkaroon ako ng biglaan na meeting sa isang kliyente. Idagdag pa na magkikita kami ngayon ni Dillion para sa pabor na hinihingi ko sa kaniya nu’ng isang araw. “Salamat Cally, pasensiya ka na sa abala,” mahinahon na wika ko na lang sa kaniya. [Okay lang ‘yun. On the way lang din naman ito sa pupuntahan ko ngayon.] she answered. “May nabanggit ba sayo si Lola tungkol sa progress ng kaso niya? Hands on ba sa kaniya si Dean?” tanong ko pa. A

