CHAPTER 03

2126 Words
THIRD PERSON’s POV PINAGBUKSAN ng pinto ni Dillion si Rein para makababa ito sa kotse. “Dito ka na lang. Ako na lang ang papasok sa loob,”sabi ni Rein sa kaibigan. “Sige, hihintayin ko na lang kayo dito.” Tipid na sagot ng binata. Kasalukuyan kasi na nasa NAIA sila upang sunduin si Vein na halos walong taon nang hindi nakikita ni Rein, 'yun pala ang dahilan kung bakit inimbitahan siya ng kaibigan na si Francine sa bahay nito upang makapag-celebrate para sa muling pagdating ng kanyang kakambal. Sorpresa sana 'yun ni Francine kay Rein ngunit maaga niya 'yung nalaman bago pa siya makapunta sa bahay ng kaibigan. At dahil sira na nga ang plano na sorpresa kaya naman ay nagpumilit na si Rein na siya na mismo ang sumundo sa kapatid niya. Bago pumasok sa loob ng airport ay sinuot muna ni Rein ang sunglasses niya. Wala naman kasi siyang pake kung pagtinginan siya ng mga tao dahil sa porma niya dahil para sa kaniya-- mas mahalaga ang security niya. Marami pa rin kasi ang nakakakilala sa kaniya lalo na at lumabas sa public ang kaso niya dati. Maraming may galit sa kaniya at minsan nga ay binabato pa ng itlog ang kotse niya at natigil lang 'yun nu'ng nakilala na siya sa business industry. Ngayon ay nasa loob na siya at hinihintay niya na lang ang pag- landing ng eroplano na sinakyan ni Vein. Tiningnan niya 'yung chart at pangalawa sa listahan ang eroplano na galing America sa magla- landing pagkatapos ng Zimbabwe. Kaya naman ay naghintay pa siya sa may poste hanggang sa may mga tao na ang lumabas. Sigurado naman siya na 'yun na ang mga passengers galing sa Zimbabwe kaya nanatili pa rin siya sa pwesto niya at hindi na lang nakigulo sa ibang mga tao. Mas nakaramdam din siya nang excitement dahil konting minuto na lang ay makikita niya na ang kanyang kapatid. Pero napatigil siya at parang napako siya sa pinagkakatayuan niya ng isang pamilyar na mukha ang nakita niya na lumalabas mula sa mga pasahero galing Zimbabwe. Agad siyang napatalilkod sa poste para hindi siya makita ng lalaking 'yun kahit pa alam niyang hindi siya makikilala nito dahil sa suot niyang sunglasses. Hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya. Kilalang-kilala niya ang lalaking 'yun na walang iba kundi si Dean. Si Dean Ace Sevilla Alejandro. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay tandang-tanda niya pa rin ang itsura ng lalaking 'yon na unang tingin pa lang sa kaniya ay alam niyang kinamumuhian na siya nito. . . 'Kailan mo ba ako mailalabas dito?’ ‘May kailangan akong gawin kaya kailangan ko nang makalabas.’ ‘Dapat kasi maa-approve na ng korte ang apila ko para sa parole mo pero dahil sa ginawa mong tangkang pagpa-pakamatay kaya naman magtatagal ka pa dito ng halos isang taon pa.’ ‘Bakit mo kasi ginawa 'yun? Nasisiraan ka na ba ng bait? Pitong taon na maganda ang record mo dito sa kulungan pero sinira mo lang 'yun sa isang iglap.’ 'Yun lang ang naging takbo nang usapan ni Cally at Rein sa loob ng admitting area matapos makabalik ni Rein sa kulungan mula sa ospital. ‘Hindi mo 'ko masisisi dahil sa mga nalaman ko.’ ‘Kung natuluyan ka 'dun, sa tingin mo ay 'yun na ang katapusan? Hindi mo man lang ba pagbabayarin si Gavi sa mga ginawa niya sa'yo?’ ‘Kaya nga! Ngayon na nabuhay ako, kaya gagawin ko ang lahat para makaganti ako kay Gavi. Kaya kailangan mo na akong mailabas dito Cally sa lalong madaling panahon.’ ‘Wala tayong magagawa kundi ang maghintay pa ng isang taon, pero sa pagkilos sa labas— kami na ang bahala ni Dillion du'n kaya wag kang mag alala. Ang tanging kailangan mo lang gawin ay ang magpaka bait ka dito sa loob ng kulungan. At wala kang dapat gawin na kahit ano. Naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin di ba? Kailangan mong maging handa. Kailangan mong maging matalino. Dahil kung gusto mo talagang gumanti kay Gavi, unahin mo ang pagiging matatag dito sa loob. ' Sa loob nga ng isang taon ay naging maayos ang pamamalagi pa ni Rein sa loob ng kulungan... ginawa niya ang lahat para mas mapabilis ang paglabas niya. Ngayon ay nasa loob lang siya ng selda niya at hawak-hawak niya lang ang litrato ni Gavi at Wendy na hiningi niya ulit kay Dillion. Sa kabila ng mga nalaman niya sa kasintahan ay hindi niya pa rin maiwasan na isipin ito. “Ano bang pumasok sa isip mo para pakasalan mo siya? Bakit mo ko niloko?” Iyan lang ang laging sinasambit ni Rein sa tuwing nahahawakan at natititigan niya ang litratong 'yun. Walang gabi na lumipas na hindi siya napupuno ng mga tanong na kahit isa ay wala siyang makuhang kasagutan. “Guazon may bisita ka.”Sigaw sa kanya ng babaeng pulis nang umagang 'yun kasabay nang pagbukas nito sa pinto ng selda niya. Sa pagkakataong 'yun ay hindi siya naging atat dahil hindi na siya umaasa na si Gavi ang makikita niya sa tuwing may bibisita sa kaniya sa kulungan. Ngayon ay tanggap niya na nasi Dillion at Cally lang ang tanging makikita niya sa admitting area at wala ng iba. Tuluyan na siyang pumasok sa admitting area at hinanap ng mata niya ang pamilyar na pigura ni Cally o hindi kaya naman ay si Dillion sa lamesa na lagi nilang inuupuan pero wala siyang makita. Tanging isang lalaki lang ang napansin niya na nakatingin sa kanya pero alam niya sa sarili niya na hindi niya 'yun kilala kaya naman ay hinarap niya 'yung pulis. “Baka nagkakamali ka, wala akong bisita." Walang emosyon na sabi niya sa pulis na nag-escort sa kanya sa admitting area. Tinuro ng pulis ang isang lamesa kaya binatuhan niya 'yun nang tingin. “Yung lalaking 'yun ang naghahanap sa'yo.” Sagot sa kanya ng pulis at ang itinuturo nito ay ang pwesto nu'ng lalaking nakatingin sa kanya na hindi niya kilala. Napatigil siya ng halos ilang segundo pero maya-maya pa ay walang imik na lumapit siya du'n sa lamesa nung lalaki at dahan-dahang umupo. Ilang segundo silang nagkatinginan at nagkatitigan sa isa't-isa hanggang sa napansin niya na parang may kahawig ang lalaking nasa harapan niya ng mga oras na 'yun pero hindi niya lang matandaan kung sino. “Hinahanap mo daw ako.” Si Rein ang unang bumasag nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at tanging pag ngisi lang ng lalaki ang sumalubong sa tanong niya. “Bakit mukhang okay ka lang dito? Mukhang hindi ka naman naghihirap.” Malamig na tono na sabi nu'ng lalaki sa kanya kaya hindi niya maiwasan ang mapakunot ng noo dahil du'n. Kitang-kita niya sa mata ng lalaki na walang kabuhay buhay ito habang nakatingin sa kaniya. “Ano?” Matapang na tanong ni Rein dito pero hindi niya nilakasan ang boses niya dahil hindi siya pwedeng gumawa nang eskandalo sapagkat naka proseso na ang kanyang parole. “Di ba pumatay ka ng tao? Bakit parang hindi mo naman 'yun pinag babayaran? Kulang na makulong ka dito sa loob lang nang sampung taon... dapat makulong ka habang buhay pero mukhang mas maganda kung patawan ka nang kamatayan.” Malamig pa rin ng sambit ng lalaki sa kanya. Hindi maintindihan ni Rein ang sinasabi sa kanya ng lalaki dahil hindi niya naman ito kilala. Napansin niya rin na lalong naging madilim at galit na galit ang mga ibinabatong tingin sa kaniya nito. At sigurado siya na kung nakakamatay ang tingin-- tiyak na kanina pa siya pinaglalamayan. Mahigpit na lang niyang naikuyom ang dalawang kamao niya sa ilalim ng lamesa dahil sa mga sinabi nito sa kanya. “Sino ka ba?” Punong-puno nang kontrol na tanong ni Rein sa lalaki. Ayaw niyang pangunahan siya nang galit tulad nu'ng unang nangyari sa kaniya. Ngumisi naman ulit sa kanya 'yung lalaki at saka matalim siyang binatuhan ulit nang tingin. Kung simpleng babae siya ay tiyak na matatakot siya sa klase nang tingin na 'yun pero dahil siya si Rein-- kaya naman kahit konti ay wala siyang naramdaman na takot sa halip ay nakaramdam siya nang pagkainis. Sa isip niya ay walang karapatan ang lalaking 'yun na husgahan siya lalo na kung hindi naman niya ito kilala. “Ako si Dean Ace SEVILLA Alejandro," wika ng lalaki at talagang idiniin niya pa ang pang gitna niyang pangalan sa kaniyang pagsasalita. Awtomatikong napatigil naman ang dalaga nang marinig niya ang pangalan ng lalaki lalo na nang mabanggit nito ang salitang ‘Sevilla’. Hindi niya maiwasan na matitigan ang mukha nito. Doon niya napansin na kahawig nga niya si Jerick. ‘Bakit hindi ko agad namukhaan na si Jerick pala ang kahawig niya.’ Hindi niya maiwasan na maitanong 'yun sa kanyang sarili. “Natahimik ka yata? Nabigla ka ba? Kung ano ang iniisip mo... pwes tama 'yan! Pinsan ako ni Jerick, ang lalaking PINATAY MO!”sabi nito at talagang idiniin niya pa ang salitang ‘PINATAY’ sa mismong mukha ni Rein. Hindi na nagawang makapagsalita pa ni Rein. Hindi niya naman kasi inaasahan na may pupunta sa kaniya na kamag-anak ni Jerick sa kulungan makalipas ang ilang taon matapos ang kaso. Kahit nga ang Mama at kapatid ni Jerick ay hindi pumunta sa kaniya para komprontahin siya-- tapos biglang may susulpot na pinsan nito na kahit kelan ay hindi naman niya nakita noong nabubuhay pa si Jerick. “Hindi mo ko kilala pero ako— madami na akong alam tungkol sayo,”sabi pa nito. Nanatiling kalmado lang si Rein sa pinapakitang galit sa kanya ng lalaki. Ayaw niya sana itong sagutin kaya lang alam niya sa sarili niya na kailangan niyang gumawa nang paraan para matapos na ang usapan nila. “Ikaw na rin ang nagsabi na hindi kita kilala, kaya makakaalis ka na dahil wala akong balak na makilala ka.” Malamig din ang tono nang boses ni Rein nang sabihin niya ang mga katagang 'yon saka siya mabilis na tumayo. Tatalikod na sana siya para umalis ngunit hindi pa man siya tuluyang nakaka kilos ay isang mainit na kamay ang agad na humawak sa kaniyang pulsuhan dahilan kung bakit hindi siya makagalaw. Ramdam na ramdam din niya ang higpit nang pagkaka kapit nito sa kaniya kaya naman nakakaramdam siya ng sakit ngunit pinilit niya itong itago at balewalain bago niya muling hinarap si Dean. Kahit mahigpit na tila magkakapasa ang kanyang pulsuhan at kahit nasasaktan siya dahil hindi pa masyadong magaling ang sugat niya du'n mula sa tangkang pagpa- pakamatay niya ay hindi niya 'yun ininda. Walang emosyon na mga tingin lang ang ibinabato niya sa lalaki samantalang mahahalata naman sa mukha ni Dean ang sobrang galit para sa dalaga. “Bitawan mo ko.” Emotionless na utos niya sa lalaki. Ngunit hindi siya pinakinggan ni Dean at mas lalo lang hinigpitan nito ang pagkakakapit sa kaniya. Muntikan na siyang mapangiwi sa sobrang sakit pero buti na lang at hindi 'yon natuloy. “Ito lang ang tatandaan mo, hindi ako papayag na makalaya ka dito. Hindi mo ko kilala.” Marahas na binawi ni Rein ang kamay niya sa lalaki at buti na lang at nabawi niya ito agad. “Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, WALA. AKONG. BALAK. NA KILALANIN KA!” Panlalaban na saad ni Rein dito. Napa ngisi na naman sa kanya si Dean. “Para sa isang mamamatay tao na katulad mo, matapang ka masyado para titigan ang mata ng kapamilya nang taong pinatay mo.” May pang huhusga na wika ni Dean sa kanya. Napalunok ng laway si Rein at pilit na kinalma ang sarili. Aware siya na kapag nagtagal pa siya sa pakikipag usap sa lalaking nasa harapan niya ay alam niyang hindi niya na mapipigilan pa ang sarili. At alam naman niya na walang magandang patutunguhan kapag hindi niya na na-kontrol ang galit niya kaya huminga na lang siya nang malalim bago nagsalita. “Gawin mo kung anong gusto mo. Sabihin mo kung anong gusto mo. Pero pinatay ko na si Jerick, kaya wala ng saysay ang mga sinasabi mo sa akin dahil HINDI NA SIYA. BABALIK! Nag aaksaya ka lang ng laway at kung ako sa'yo-- simulan mo nang mag plano para hindi ako makalabas dito sa kulungan. Dahil kapag nakalaya ako, mahihirapan ka nang pabalikin pa ako dito.” Matapang at determinadong sagot ni Rein sa kanya at mabilis na siyang tumalikod at umalis. “Buksan mo na ang pinto. Tapos na ako,”sabi na lang ni Rein sa pulis na nagbabantay at tuluyan na itong pumasok kaya wala nang nagawa pa si Dean. Ngunit pansin na pansin sa ekspresyon ng binata ang sobrang galit na nararamdaman para kay Rein... mahigpit niya rin na ikinuyom ang kamao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD